Chapter 9: Gone

258 18 0
                                    

Matthew's POV

Nagising ako nang wala akong katabi. Wala si Martina, wala ang mga gamit niya. Dapat nga ba akong mangamba? O, kailangan lang niyang huminga? Siguro nga masyado akong mabilis. I'm such a jerk thinking that I can have her effortlessly.

I sigh, “Akala ko okay na.”

I am sitting on the side of my bed when I heard my phone rang.

“Yes, Abe?” I answered.

“Reminder lang po sa meeting niyo with the great Mr. Ma—”

“Ah, yes. What time is that again?”

“It's twelve noon, sir, but Mr. Mondragon want you to be there earlier than never,” said she.

“Okay, thanks, Abe,” I hung up.

This is it, ang pinakamalaking deal na kailangang maisaayos. As my father said, wala naman daw akong girlfriend... which led him to a bad idea. Gusto niyang kilalanin ko ang isa sa mga anak ng kaibigan niya dahil gusto nila na kami ang mag mana ng business nila. Together. Hindi naman sa pinipilit or pini-pressure ako ni dad, mabait siya at understanding, pero alam kong umaasa siya. And yes, ayaw ko siyang biguin. Kaya nga ayaw ko sanang iwan ako ni Martina kasi siya ang gusto ko, wala nang iba.

“Hello, Abe? Saan nga ba ang meeting place namin?”

“Sa M&I Suites po, Sir Matthew.”

“Oh, thank you.”

Naligo lang ako saglit at nagkape, pampatanggal kaba. Haha, alam ko, mas kakabahan ako kung magkakape ako, pero wala eh, hindi kasi ako makakain, iniwan kasi niya ako. I look at the clock and it is almost time. Here we go. Sana lang talaga ay si Tito Martin lang ang imi-meet ko at hindi kasama ang mga anak niya. Hindi pa ako handa, I am still into Martina and I'm gonna find that woman.

And I'm almost there.

Martina's POV

It's just three in the morning yet I'm wide awake. Aalis na ako habang tulog pa siya, qyaw ko na rin kasi siyang makita. Hindi pwede, nahihirapan na ako. Ayaw ko nang alamin kung anuman itong nararamdaman ko, naguguluhan ako. Tama na 'to. Hindi ko na keri ang another heartbreak. Heartbreak ka riyan. Kayo ba? Mahal mo? Mahal ka ba? May gusto ka na? Eh, bakit may patulo-tulo luha effect ka pang nalalaman para kay Vincent? Naku, nako. Kaya nga ayaw ko nang magpaabot ng umaga eh, 'pag pinigilan kasi niya ako... mahirap na ano! Baka iba 'yung ma-feel ko.

Nakalabas naman ako ng buhay sa hotel kung saan mahimbing pang natutulog si Mr. Matthew Mondragon, ang lalaking maharot at ubod ng landi — pero hot. Shh! Manahimik! Nakarating ako sa hotel na pagmamay-ari ng isang napakagwapong Fortalejo.

“Good evening, Miss Martina!” one of the staffs of the hotel greeted and I smiled.

Nakatutuwa lang, ang sarap sa pakiramdam na nire-respeto ka ng mga tao sa paligid mo, hindi lang dahil sa pangalang pinangangalagaan mo, kun'di dahil na rin sa ipinapakita mo.

“Where's Mrs. Granada?” I asked.

Seriously? Mag-a-alas cuatro pa lang ng madaling araw, hinahanap mo na agad siya? Pagpahingahin mo naman 'yung tao, Miss Fortalejo. I scolded myself.

“Ah, nevermind,” I said.

“Speaking of, here she comes, Miss Martina.”

“There you are, inumaga ka yata, Martina. Who's the lucky guy?” Mrs. Granada kidded.

“Mrs. Granada talaga.... Ang aga niyo naman yata masyado. Seven in the morning pa ang shift niyo, 'di ba? You should be with your family by now, sleeping soundly.”

Escaping StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon