Chapter 31: Talk

130 12 0
                                    

Natapos ang araw nang hindi man lang kami pinansin ni Jac. Iwas na iwas siya sa amin at tanging sina Cara lang ang pinapansin nito. Sabi ni Matt na hayaan daw muna nang makapagpalamig. Hindi ko naman siya matiis na nagkakaganiyan kaya sinubukan ko siyang lapitan, umaasang kakausapin niya na ako.

"Jacob."

Sinundan ko siya sa kusina. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa ginagawa niya.

"Hey, Jac. Kausapin mo naman ako," sabi ko.

He stopped. Bumuntong-hininga ito saka kinuha 'yung isang bucket ng alak na hinanda niya.

"I wanna drink," he said, walking out of the kitchen.

Nako naman. Ano bang gagawin ko sa baklang ito?

Uminom ako ng tubig bago lumabas ng kusina. Hindi ko kinakaya ang mga pang-i-snob niya eh.

"Okay! Movie marathon tayo while drinking," dinig kong sabi ni Chezca pagdating ko sa living room.

Oh, my, na-miss ko 'tong babaeng 'to. Hindi pa nga pala kami nakakapag-usap nang maayos mula nang bumalik siya rito sa Pilipinas.

"Babe." Sinalubong ako ni Matt ng yakap.

Clingy. Yet made you smile? Yeah.

"Kayong dalawa riyan, lumapit nga kayo rito at nang makapagsimula na," pagtawag ni Cara.

Matt smiled before he held my hand and pulled me towards them.

"Oh, 'yung mga single, sa sahig tayo, naunahan tayo sa couch eh. Ayaw kong makatabi 'yung mga mag-jowa, baka hindi ako makapagpigil, at maitapon ko sila sa Spain," seryoso ngunit pabirong wika ni Diane.

We sat beside Iris and Kean on the couch, whilst, Cara and Chezca are sitting on the floor in front of us.

"Oh, ba't ka nandiyan?" tanong pa nito kay Jacob na umupo sa tabi niya sa kabilang side ng coffee table.

Tiningnan lang siya nito bago tumayo.

"Tampo ka na agad? I was just kidding," pagbawi nito.

"I'm not, papatayin ko lang 'yung ilaw. Play the movie, Chez."

'Kala ko naman, pati kay Diane ay magagalit siya.

"Hala! Bakit Hereditary? Nakakatakot 'yan eh!" angal ni Diane.

"Bata, mumsh? Maganda naman 'yan, mga mukha silang tanga," natatawang sabi ko.

Totoo naman, ang corny kasi ng palabas na iyon. Para sa akin lang naman, you have your own rating. Hindi ko rin alam kung bakit iyan pa ang napili nila, bahala sila.

"Eh? Sige na, iba na lang! Pangit kaya 'yan."

"Puro horror movies 'yung dala kong tape. 'Yan oh, mamili ka." Binigay sa kaniya ni Jacob 'yung lagayan.

"Insidious: The Last Key na lang. I haven't watched it yet," she told Jac.

Dios mío, anong petsa na, hindi pa rin niya napapanood? Half a year na kaya ang nakalipas, but it's fine anyway. It's my favorite horror film.

"Ayos lang ba sa kanila?"

"As far as I know, that's more terrifying than Hereditary," Iris laughs, "Anyway, go for it."

"Here." Inabot ni Diane 'yung tape kay Jacob saka ito ipinalit sa player.

The movie started. They are all drinking alcohol except me. Hay! Even though I want to, I can't because of my pregnancy. I glance at Matt whose arms are wrapped on my waist while I am leaning on his chest. He's so cute. Oh, my God! I wanna kiss him.

Escaping StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon