Chapter 27: This Gay

204 11 1
                                    

Martina's POV

One. Two. Three. Four. Five. Six. Seven. Eight. Breathe, Martina. Breathe!

“Jac,” I firmly called his name as soon as the elders left the room.

“Yes, Matty na girl?”

Jolly ka pa talaga, huh? Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa mo? Fuck! I hate myself.

“What was that?” I asked, clenching my jaw.

“Ahm, ang alin? Itong kinakain ko?” inosenteng pagbabalik-tanong nito sa akin.

I just bit my lip to lessen my anger. He is my friend but seriously, what he just did was so beyond the boundary. Pinangunahan niya kami ni Matt!

“Mumsh, ang daya mo! Hindi mo man lang sinabi sa akin na buntis ka pala. Nako... isusumbong kita kay Chezca,” singit ni Cara na mukhang napansin ang pag-iinit ko.

I heave a sigh, glaring at Jac before saying, “Mukhang kay Jac mo dapat sinasabi 'yan, mas marami pa siyang alam sa nangyayari kaysa sa akin.”

I tried to calm myself but I can't help myself from feeling the irritation. Nakakainis kasi, pinangunahan niya talaga kami ni Matthew. Sana pala, si Diane na lang ang nabuntis. Sana ay sila na lang ni Diane ang ikakasal. For God's sake, this was never been in my plan!

“Martina, hi... hindi ko sinasadya.”

Tapos ngayon ay iyan ang idadahilan niya, ang hindi sinasadya? Sinadya niya kasi may option naman siya pero hindi niya ginawa. Hindi niya man lang kami in-inform na magkakaroon pala siya ng pa-reunion dito sa unit ni Matt, eh, 'di sana ay nagpabili ako ng confetti or different party needs para sa pagdating nila.

He sighs, “Okay, nag-alala lang talaga ang beauty ko. I mean, Diane wanted to visit you, and this morning, I had a talk with Tito Franco. Nabanggit ko sa kaniya ang nangyari sa'yo at nag-alala siya. Hindi ko naman akalaing hindi pa pala nasasabi ni Matthew kay tito ang nangyari at hindi ko rin naman ine-expect na darating din sina Tita Irene at Tita Lia.” pagpapaliwanag niya. “I'm really sorry, okay? I am sorry,” dagdag pa niya bago unti-unting napayuko.

“Dang!” I hissed facing nowhere as I sat down on the couch.

Napahawak ako sa ulo ko. This is a total headache. Hindi ko ginustong mangyari ang bagay na ito. I mean, Matthew.... Dammit! What I am asking for is a little bit more of the time. It's too early and you all know how I am afraid to be.... Come on, Martina, Matthew is different from your ex. I just shook my head as I express another sigh.

“Ikaw naman kasi!” I hear Iris scolded him. “'Di ka nag-iisip!”

“Yes, it's my fault, and I really am sorry,” parang aping-api na sabi niya.

Tsk, akala mo naman talaga ay inapi siya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Of course, I have to forgive what he have done, tapos na eh, the elders' decision has been made, it's final.

“Oo na, sige na, 'wag ka nang umiyak. Ang pangit mo eh,” pang-aasar ni Diane sa kaniya.

“Coming from you, huh?” Jacob replied with sarcasm.

“Talaga! Dyosa ako eh.”

Napabuntong-hininga na lang ulit ako habang pinakikinggan ang pag-aasaran nilang apat. If Chezca is here at the moment, surely, she'll know what to do about Jacob's foolishness. Of course, she'll also know how to calm me quick. I really wish she was here. I miss her so much. Hey, ano na naman ito? Naiiyak na naman ako? Ang babaw ko naman! Oh, please, baby, huwag mong paiyakin si mommy, magagalit si daddy. Agad naman akong napahinto sa pag-iisip at nangunot ang noo. Naalala ko na naman ang mga nangyari, at buntis ako! Naiinis na naman tuloy ako kay Matthew, nasaan na ba ang lalaking iyon? Hinanap siya ng mga mata ko sa buong living room at kitchen pero hindi ko siya nakita. Napabuntong-hininga na naman ako bago tumayo para pumunta sa bedroom.

Escaping StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon