Chapter 44: Miscarriage

153 12 4
                                    

“Shit, babe, hang on,” he worriedly whisper to her as he immediately carry her right after she passed out, falling on his arms.

Bridal style. But this is not the way he planned of carrying her! It should be romantic, not traumatic. For God's sake, it's the love of his life and his child they are talking about! Hindi siya makapapayag na mawala ang anak nila sa kanila, lalong-lalo na si Martina.

“Dammit, Jacob! Hurry up, faster!”

“Calm down, son. They will be alright,” paalala ng kaniyang ama na katabi ni Jacob sa harapan.

“How can I — Babe, please, hold on,” he faced the woman on her arms as tears starting to build within his eyes.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya nang bigla na lang itong duguin at himatayin sa harapan niya. Kasalanan niya ito, kung hindi niya lang sana hinayaan na malason ng babaeng iyon ang utak ni Martina, hindi mangyayari ito. Kung hindi sana siya nagpakakampante, hindi mangyayari ang mga bagay na nangyari na. Wala na siyang magagawa pa kung hindi ang iligtas ang mag-ina niya.

“Dad, there's a lot of blood. What should I do?” natatarantang tanong niya sa ama na nasa passenger seat.

“This is all your fault, Matthew!” paninisi sa kaniya ni Jacob na nagmamaneho. “Kasalanan mo ito! Kung hindi mo lang sana hinayaang—”

“That's enough,” tapik ng ama niya sa balikat ng pinsan niya. “There's no time to blame somebody. We are here, don't worry. Everything will be alright.”

Bumaba na sila sa sasakyan at agad na inihiga si Martina sa stretcher. Masyadong maingay, lahat nagkagulo sa pagdating nila. Hanggang sa maipasok na ito sa emergency room, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapaluhod at umiyak. Dumating naman ang iba pa nilang kapamilya. Agad siyang nilapitan ng kaniyang ina para yakapin.

“Shh, they will be alright, she will be fine.”

His mother pulled him up to sit on the chair outside the emergency room. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang mga mata niyang puno ng luha gamit ang isang panyong puti. Matapos niya itong gawin, isang babaeng may matalim na tingin ang bumungad sa harapan niya. She crossed her arms, giving him a death glare like she would kill him anytime around.

“Iris,” tawag niya rito kasabay ng pagtayo niya, pero isang malakas na sampal ang natamo niya rito.

“How dare you do this to my twin?!!! How could you?!” Pinaghahampas siya nito sa dibdib na nagpasinghap sa nakararami, ngunit hinayaan lang niya ito hanggang sa kusa itong pigilan ng mga kaibigan at pamilya nila.

“I entrusted her to you! We've got a great talk, Matt, but what have you done?!” sigaw nito habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Jacob at Chezca. “You told me that you love her! You promised to take care of her — You will never hurt her, but what the fuck just happened, Matthew?!!! What the hell have you done?!!!” Nakawala ito kaya nakatikim na naman siya ng sampal mula rito.

Muli itong hinawakan ng mga kaibigan nila. Hindi nakialam ang mga magulang nila. Taimtim lang ang mga itong nakamasid sa nangyayari. Hinila ng ama niya ang kaniyang ina palayo sa kanila. Napatingin siya sa ama nina Martina at Iris, at nang magtama ng mga mata nila, umiling ito nang para bang na-disappoint siya nang sobra bago tuluyang umalis hila-hila ang asawa niyang umiiyak.

“I am really, really sorry, Iris. Hindi ko sinasadya ang nangya—” Napatigil siya sa pagsasalita nang muli siya nitong nasampal.

“Hindi mo sinasadya? Sorry?” she asked with sarcasm. “Gago ka ba? Gago ka talaga! Akala mo ba maibabalik ng sorry mo ang nawala sa kakambal ko? 'Yung baby niyo! Gago ka!”

Escaping StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon