Eh???
Seriously?
What is this?
“Sorry, Martina, pero kasi....”
“Jac, ano bang sinasabi mo?”
Seriously, that's crazy! Wala na ba siyang maisip na matino?
“Ewan ko ba sa baklang 'to, mumsh, pinagpipilitan ba namang buntis ka.”
“Jusko, Diane ah, pagsabihan mo 'yang bakla mo at kung ano-anong naiisip!” I hissed.
“Martina, seryoso ako.” Tumabi siya sa akin, “Hindi lang naman ako ang nakakapansin, ano, kahit sina Iris at Cara. Pati nga itong si Diane eh, ayaw pang umamin,” he glares at Diane.
“Hoy, Jac! Manahimik ka nga. Oo, may napapansin ako pero hanggang doon lang 'yon. Wala na akong iba pang sinasabi,” she replied.
“Wait nga, ano ba 'tong napapansin niyo bukod sa kagandahan ko?”
Parang sira naman 'tong dalawang ito, lakas ng tama. Pag-isipan ba naman ako ng bagay na imposible?
“Eh, kasi, mumsh, ganito.... Palagi ka na lang nahihilo at nagsusuka, tapos ang saya-saya mo 'pag nakikita mo ako to the point na kung ano-ano nang gagawin mo sa akin tapos—”
“Teka nga, Jac,” I raised my hands in front of his face to stop him. “Ang babaw mo ah. Anong mali sa pagiging masaya ko sa tuwing nakikita kita?”
“Ano namang mababaw roon, eh, ayan na nga oh...,” pagdadahilan pa niya.
“Ano? May proof ka ba para masabing buntis ako?” Tinawanan ko lang siya.
“Itigil mo na kasi 'yang kabaliwan mo, Jac. Para kang abnormal,” pang-aasar ni Diane. “Pati ba naman si Matt ay ginambala mo ang nananahimik na isipan. You are scaring the hell out of them.”
Pati si Matt ay kinausap niya? Tsk, mas magpupumilit na naman iyon na pumunta kami sa doctor bukas, mas wala na rin akong takas.
“No, Diane, Martina is darn pregnant!” pagpupumilit pa nito.
Ang persistent pala taaga ng mga Mondragon. No wonder, lahat ng gustuhin ni Jacob ay napapapayag niya si Diane.
“Paano naman ako mabubuntis, Jac? Ano, Virgin Mary lang ang arte? Mabubuntis na lang, out of the blue?” I can't help but laugh at the thought.
Para talagang abnormal 'tong baklang ito, ang lawak ng imagination. Hahahaha! Diane is right, he is starting to scare the hell outta me.
“Manahimik ka, Martina! Hindi ka na virgin.” Tinulak niya pa ang balikat ko nang kaunti.
“Ang sakit noon ah! Grabe ka, bastos!” I hit his shoulder back.
“Kunwari ka pa. 'Wag ka ngang painosente, para namang hindi ko alam,” he rolled his eyes.
“Oh? Paano mo nalaman? Nakita mo? Nahawakan mo? Kailan? Ikaw ah, may hidden desire ka pala sa akin, 'di mo sinasabi,” I persists.
Is it right to even say that? Ugh, it has been said. Can't take it back.
“Ew, kadiri ka. Never in a million dreams!”
Good act, Jacob. Oh, it is nothing, shut me.
“Arte mo!” saway naman ni Diane.
“Kasi ito eh!” sisi niya sa akin.
“Ako na naman? Ikaw 'tong punong-puno ng imagination ang utak eh.”
Maloloka ako sa baklang ito, Dios mío. Ano bang nakain nito at naisipang buntis ako? A-Ako? Buntis? Tsk, the heck is that?
“I am serious, Martina.”
BINABASA MO ANG
Escaping Strings
Romance= Tempted Series 1 = No strings attach, But you happen to change it. All the strings attach, I don't think I can handle it. Martina Fortalejo's story from Tempted Series. Note: Be open minded. Remember, Plagiarism is a Crime. © March 11, 2018 - July...