New Jersey | Sinthesis Tour

382 25 0
                                    

It's the night of our tour, this is not our normal gig. It's a tour in a different city, we're playing at State Theater in New Jersey. Tanghali pa lang ay nasa venue na kami ng tour namin, we were performing sound checks. Kaya paulit-ulit ang strum ng guitara, tipa ng keyboard, palo sa drums at pag internalize namin ng voice namin. We were also fixing our blockings, dahil may mga acts kami na kailangan namin iperform. Katulad na lang ng kissing scene ni Arden at Aria. It has become a habit for them to kiss each other after every song na kakantahin nila. Madaming naghihiyawan na mga fans everytime they do it, ang iba ay sumisigaw pa na kung pwede daw bang makisali sa kiss nila. Bagay na tinatawanan namin mag-kaka banda.

I was tuning my guitar, the jaguar Dad has given me for Christmas the last time. May isang cover song kami na ipeperform na kailangan kong umikot sa paligid nila and give them a sultry look in the eye na parang nang-aakit, complete with hand gestures na sexually suggestive. Myrtle had already seen me do this a couple of times now, she doesn't mind it. Natatawa pa nga ito every time I do it. We got the idea to do this for this song during practice. Si Aria at Arden actually ang pasimuno nito, they were grabbing my butt while we were practicing this particular song from Tove Lo called Habits, so when I performed it for a gig we had, nakipag-landian ako sa kanila on the night we performed this song, buti naman at hindi sila nadistract sa pinag-gagagawa ko.

In fact, it has evolved now from a joke to a serious act. This time, the stage director was directing my band mates to reciprocate my touch or to look sexily at me. si Drei at ako lang ang nakakagets sa gustong mangyari ng stage director, we executed our act perfectly, habang ang iba ay natataranta sa pinag-gagagawa ko.

Natatawa na lang ako sa kanilang lahat, kaya ng magpatawag ng quick break si Direk, kinausap ko na agad sila.

"Guys, anyare? Nasan na ang kulit nyo? Bakit ngayon di niyo mailabas?" frustrated ko nang tanong sa kanila.

Nakayuko lang ang lahat at walang sumasagot.

"We're family here right?" I asked them.

They all nodded at my last question.

"Natatakot lang kami baka mag-away nanaman kayo ni Myrtle. Alam naman namin na importante siya sa'yo." worried na sabi nila sa akin.

"Hay naku. Wait nga lang." sabi ko sa kanila.

Sabay bunot ko ng phone ko at nagplace ako ng Face time call kay Myrtle. Agad naman itong sinagot ni Myrtle.

"Love? Napatawag ka?" bungad niya sa akin habang may minemeasure siya na kung anong bagay.

"Kasi, love. Gusto ko sana makita mo yung rehearsal namin. Medyo mas sexy kasi yung prod act namin, tignan mo if approve ka."

"Okay, love." pagpayag naman nya, tsaka ito nagexcuse sa mga kagroupmates niya.

Pagtapos ay iniabot ko ang phone ko sa direktor, at pinakuhaan sa kanya ang whole routine. After the routine bumalik na ako sa video call namin.

"Ayos lang ba, love?"

Natatawa naman ang itsura nya.

"Yun lang pala eh, you can tell them I'm fine with it. Kahit maghalikan pa kayong magkakabanda, basta at the end of the day, sakin ka pa din uuwi, ok naman." tatawa-tawa niyang sagot

"Oh guys, nadinig niyo ha? Ok lang daw sa kanya. May bonus pang kiss." natatawa ko namang baling sa mga bandmates ko.

"Okay." agad namang sigaw ng mga loka-loka kong bandmates.

"Sige, love. Balik ka na sa thesis mo. See you later." paalam ko na sa kanya.

"Yes, see you later, ingat on your way home and knock your audience dead!" masigla naman niyang tugon.

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now