Chapter three

10.7K 237 0
                                    

"BUT dad!"



"Wag mo 'kong subukan Criselda!"


"I hate you daddy!" Sigaw ni Criselda saka tumakbo paakyat sa kwarto nito. Patuloy naman sa pagpupunas ng mga alikabok sa mesa si Faith pero ang totoo ay kanina pa malaki ang tenga niya at nakikinig sa mag-ama. Lumapit naman sakanya si Sir Edrick.


"Iha..... thank you ha? hindi ka natakot na isumbong sakin ang kalokohan ng anak ko."


Ngumiti siya dito.


"Wala ho 'yon, sainyo lang naman po ako dapat matakot. Malaki po kasi ang utang na loob namin sainyo ni mama." Sabi niya. Kung hindi sila nito tinanggap noon sigurado nasa kalye na sila ngayon at hindi siya makakapag-aral.


"Para na rin namang anak ang turing ko sayo. Sige, dito na muna 'ko at may gagawin pa 'ko." Sabi nito, tumango naman siya. Nang tumalikod na ito ay pinag-patuloy niya ang ginagawa.



"Anong feel na maging sipsip?"


Napalingon siya sa nagsalita, nakita niyang nakataas na kilay ni Criselda. Nanahimik na lang siya at tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa. Nakakahiya kay sir Edrick kung papatulan niya ang demonyita nitong anak.


"Harapin mo 'ko sipsip." Sabi pa nito na mukhang naghahamon talaga. Hinarap naman niya ito. Maganda sana si Criselda kaya lang pabaya sa sarili ang bait naman ni sir Edrick para mag-iba ito ng landas.



"Ano po bang kailangan niyo maam?" Nagpipigil na sabi niya.



"Tigilan mo ang buhay ko , katulong ka lang dito at wala kang karapatan maghimasok sa buhay namin. Dahil wala kang alam sa lahat ng nararamdaman ko." Galit na sabi niya, nangingilid ang luha nito, bigla siyang natigilan at tinitigan ito. Pakiramdam niya ay may tinatago ito ngunit hindi lang kayang sabihin. Bago pa siya makapag-salita ay tinalikuran siya nito, nahagip pa niya ang luha nito. Nanahimik naman siya, hindi niya naman intensyon na mangilam eh. 'Yon kasi ang trabaho niya at alam niyang 'yon ang tamang dapat gawin.



"Mahabang pasensya ang kailangan ko para maintindihan si maam..."


-------------------***

NAISAMPAY na ni Faith ang huling damit nang makarinig niya ang kaluskos sa loob ng mansion, kumakabog man ang dibdib niya sa kaba ay dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng mansion saka sumilip. Nagtago siya sa malaking vase na nasa gilid ng malaking pinto, nanliit ang mata niya nang makita niya Criselda na parang tangang payuko-yuko habang may hawak na sandals na may mataas na takong. Sisigaw sana siya para tawagin si sir Edrick nang maalala niya ang mukha ni Criselda kanina. Nakaramdam siya ng awa, nang makalabas ito ng pinto ay tahimik na sumunod siya.



Aalamin ko na lang kung ano ba 'yang pinagdadaanan niya.


Kahit naka maid uniform pa siya ay sinundan niya pa rin ito, nakita niyang pumasok ito sa loob ng kotse. Siya naman ay mabilis na pumunta sa likod ng kotse nito at tahimik na binuksan ang pinto. Mabilis siyang dumapa sa sahig ng kotse, buti na lang at hindi siya nito napansin.



"Hello? yes i'm coming." Narinig niyang may kausap ito sa cellphone. Hindi lang niya marinig dahil bumubulong ito. Ilang sandali pa ay narinig nya na ang pag-ugong ng makina ng kotse pagkatapo ay umandar. Humingi muna siya ng gabay dahil bawat lugar na pupuntahan ni Criselda lagi itong napapahamak. Kaya palagi siya nitong kasama.



Mahigit isang oras din siguro nang maramdaman niyang huminto ang kotse. Nakita niyang bumaba na ito. Siya naman ay umupo muna sa sahig saka sumilip sa labas ng bintana. Nakita niyang may kausap si Criselda na malaking lalaking mukhang johnny bravo ang katawan, tapos maliit ang binti wala pang balakang. Nilibot ko niya ang tingin sa paligid , tinignan niya ang malaking karatula na umiilaw ng kulay pula sa taas.



Dark Society Club...



Ah... so club pala 'to, nababasa ko lang kasi 'to sa wattpad at saka napapanood sa t.v , ngayon lang ako nakakita ng club sa totoong buhay. Bahay-school-simbahan-bahay-school-simbahan lang ang routine ko eh.



"Ah wait nandiyan ba si Clifford?"


Narinig niyang tanong ni Criselda kay Johnny bravo.


"Yes, maam kanina pa kayo hinihintay. Sumunod ho kayo sakin, may pagtitipon ho ngayon sa ilalim." Sabi ni johnny bravo. Nakita niyang pumasok si Criselda kasunod si johnny bravo. Siya naman lumabas na rin at saka tahimik na pumasok sa loob ng club na 'yon. Halos mahilo siya nang makita ang dami ng tao sa loob.



'Gash! iba pala kapag sa totoong buhay mo 'to makita. Lahat sila parang nag ha-harlem shake parang may mga sapi habang sumasayaw!'


Binabalot ang loob ng club na 'yon ng mga usok. Naiilang na pumasok siya dahil nakatuon ang mga mata nito sakanya partikular sa suot niya. Nakita niya ang bulto ni Criselda, mabilis siyang sumunod dito.



'Delifico Fudoshiko activate...'


Her jaws totally dropped. Pano ba naman yung sahig na may pabilog biglang umandar pababa habang nakasakay sila Criselda at johnny bravo. Maya-maya ay napalitan 'yon ng isa na namang sahig..



Wow! parang magic....



"Hey lady what are you doing here?"


Napalingon siya sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa paningin niya, tumuon ang tingin niya sa pierceng na nasa labi nito at ang matangos nitong ilong. Kalat din ang ilang pekas na nasa mukha nito ngunit mas lalo lang 'yung bumagay dito.



Shakmeen! ang gwapoo naman nito.



"Ngayon lang kita nakita..." Kunot na kunot ang noo nito pagkuwa'y natigilan at tumiim ang tingin sakanya. "Asset ka dito no?" Dugtong nito saka nandilim ang mukha. Napansin niya pa ang pagkinang ng pierceng nito sa dila. Kinabahan naman siya nang biglang mag-iba ang aura nito.



"H-ha? s-si C-clifford...." Putek! bat ko ba nasabi 'yon?! Nakita niyang natigilan ang kaharap. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito.



"Si Clifford pala hinahanap mo?" Habang sinasabi nito 'yon ay pinapasadahan ng tingin nito ang buong katawan niya. "...hmmm, nag-iba siya ng taste ha?" Nakangising sabi pa nito saka nilagpasan siya. Tumingin ito sakanya.


"Halika, sumabay kana sakin. HIndi ka makakababa sa underground kung wala kang miyembrong kasama."


Dumikit naman siya dito. Sa pwesto kung saan nakatayo kanina sila Criselda. Nagtaka siya ng may dinikit ito sa sahig na kulay itim na card. Ilang sandali pa ay gumalaw ang kinatatayuan niya saka 'yon umandar pababa.


'Ellifard Desconte activate..'


Narinig niyang sabi ng boses na 'yon na hindi niya alam kung saan galing. Napanganga siya habang pababa sila, ramdam niya ang init sa paligid niya na hindi niya alam kung san nagmumula. llang sandali pa ay naramdaman niyang lumapag na sila. Unti-unting nanlaki ang mata niya nang makita ang lugar. Kung nakakatakot sa taas ay mas nakakatakot sa baba, pula ang ilaw ng buong paligid niya. Nakita niyang nauna ng naglakad sakanya ang lalaking 'yon ngunit nakatuon lang ang tingin niya sa paligid. Nakita niya ang naglalakihang stereo sa gilid habang nasa tabi non ay isang mini-bar. Nakita niya ang ilang sumasayaw habang may mga pintura ang katawan ng mga ito, nababalutan din ng usok ang paligid niya at kakaiba ang amoy non. Napasinghap pa siya nang makita niya ang dalawang naghahalikan. Napangiwi siya.


'Kapag nalaman ni sir na dito pumupunta sa klaseng lugar si maam Criselda siguradong kawawa ang babaing 'yon.'



"Hey come on follow me.." Sabi nung lalaking 'yon na binalikan siya. Sumunod naman siya dito kahit pa tinatambol ng kaba ang dibdib niya.


"HAYOP KA!!"


Pamilyar sakanya ang boses ng sumigaw na 'yon, nakita niyang nakatayo si Criselda sa harap ng lalaking nakaupo sa itim na upuan. Nakangisi ang lalaking 'yon habang hawak ang pisngi. Nanlaki ang mata niya nang makilala ang lalaki 'yon.


Si manyak!

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon