Chapter nineteen

8.5K 170 0
                                    

"HALA ang ganda naman dito...."

Nilibot ni Faith ang buong hardin. Nagkalat sa buong lugar ang mga nag-iilawang mga puno, may mga romantic candles pa sa damo at ang nakatawag ng atensyon niya ay yung simpleng mesa na nasa gitna at napapalibutan ng mga candles. Humarap siya kay Clifford, nakatingin ito sakanya habang nakangiti.

"Ano to? birthday mo ba?" Tanong niya, umiling lang ito at lumapit sakanya habang nakapamulsa. Everytime na lumalapit ito sakanya ng ganon ay lumalakas ang kabog ng dibdib niya.

Huminto ito sa harap niya at ilang hakbang na lang ang pagitan nila sa isat-isa. Tumikhim muna ito saka nagkamot ng batok.

"Hindi ko alam kung pano uumpisahan eh. Alam mo naman hindi ako mahilig sa mga ganito " Sabi pa nito saka tumitig sakanya.

"....pero mukhang makakatulong 'to." Seryosong sabi nito. Tahimik naman siyang nakipagtitigan dito at hinintay ang sasabihin.

"Pero sasabihin ko pa rin 'to kahit nahihiya ako.."

Hindi niya napigilang matawa ng mahina sa sinabi nito pero nanatili pa ring tikom ang bibig niya at hinintay ang sasabihin nito.

"Kahit na sinong babae hindi ko hinayaang makapasok sa buhay ko. They're just my flings. Lahat ng nasa paligid ko laro lang para sakin. Ni wala akong sineryosong bagay man o mga tao, i live on my own, i can do what i want. I sell drugs, i have a gangs. Marami rin akong sinaktang tao kung gugustuhin ko. " Sabi nito.

Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi sakanya ang mga bagay na 'yon pero nakinig pa rin siya.

"Then, i met a girl named Faith. Nung una pa lang nakaramdam ako ng interesado sa babaeng 'yon, sabi ko aakitin ko siya. Pero kapag inaakit ko siya napakasadista niya. She's always gave me a Faith-punch, she always hurt me physically. Laging nanlilisik 'yong mata niya sakin na para bang nagsisisi siya at pinanganak pa 'ko."

Napangiti siya nang maalala niya ang mga araw na nag-aaway silang dalawa ni Clifford. Ay hindi siya lang pala ang nang-aaway dito.

"But at the same time.... she makes me happy with just a simple smile. Hindi ko naramdaman na mali ang lumapit pa sakanya ng husto ng walang kahalayang ginagawa kasi sigurado akong makakatikim ako ng bugbog." Natatawang sabi nito.

Hindi niya mapigilang matawa dito.

"Pero muntik na 'kong matauhan nong gabing 'yon. I choose to run away from her, natatakot akong mapalapit sakanya pero natatakot din akong mapunta siya sa iba. Kaya mas pinili kong dumikit pa rin sakanya kahit alam ko ang magiging kahihinatnan non. Sabi ko nga eh 'Tangina! masama 'to ha!"

Nagpatuloy pa rin siya ....

"I want to be a perfect man for her... gusto ko isipin niya na mabait ako, na wala akong inaagrabyado, na wala akong sinasaktan kahit alam kong nakita niya na ang lahat ng 'yon sakin. Halos tatlong na taon ang pinagsamahan namin ni Criselda pero wala naman sakanya ang puso ko. Sabi ko kay Criselda nung huli, na kung inaakala niya na nabago niya 'ko gaya ng mga nababasa niya nagkakamali siya, pero para kay Faith gusto kung kong malaman niya na kaya kong baguhin ang lahat ng ayaw niya sakin, well, maliban sa pagiging manyak."

Nag-init ang sulok niya sa mga sinasabi nito.

"I know i'm not perfect, i'm a devil incarnate to man but for my angel i want to be an Archangel for her."

Humakbang ito ng isa papalapit sakanya.

"Because I....."

Humakbang pa uli ito ng isa pa...

"Love....."

At isa pa ...

"You....." sabi nito na ngayon ay nasa harap na niya. Napatingala siya dito. Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong pinisil 'yon.

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon