Chapter eight

9.1K 228 4
                                    

NANG huminto na ang sasakyan sa harap ng mansion ay binalingan niya na si Clifford. Inaalis na nito ang seatbelt.

"Ah hanggang dito na lang ako Clifford, 'wag ka ng bumaba. Baka kasi nandiyan na si mama." Sabi niya dito. Nilingon naman siya nito.

"Are you sure?"

Nakangiting tumango naman siya saka tinanggal ang seatbelt.

"Oo. Salamat uli sa treat ha?" Nakangiting sabi niya saka siya may naalala. Kinuha niya ang bag saka may kinuha sa loob ng bag niya.

'Buti na lang nadala ko 'to.'

Inabot niya ang hawak kay Clifford. ".... Is it yours?"

Nakita niyang natigilan ito, kung hindi siya nagkakamali ay nakita niya ang sakit na dumaan sa mata nito nang makita ang kwintas na hawak niya. Kinuha naman nito sa kamay niya.

"Promising ring 'yang nakalawit diba?" Tanong niya pa dito. Mapait na ngumiti ito saka tumango-tango. Gusto ko sanang sabihin na magkatulad ang naka-lawit sa necklace namin kaya lang 'wag na lang.

"Yeah.... pano napunta sayo 'to?" Tanong pa nito.

"Actually nakita ko lang sa sahig 'yan bago ka tumalon sa balkonahe."

Tumango-tango ito habang nakatitig sa hawak nitong necklace.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya dito. Umiling naman ito saka pilit ang ngiting tumingin sakanya.

"I'm fine. Thank you for this."

Tumango lang siya saka sinukbit ang bag.

"Sige dito na 'ko.... salamat ha?"

Tumango lang siya, binuksan nito ang pinto sa tabi niya saka muli siyang binalingan. Walang buhay ang bukas ng mukha nito. Sinara niya naman 'yon at tinignan si Clifford. Umandar na muli ang sasakyan nito at nasundan na lang niya 'yon ng tingin.

'Anong nangyari don?'

---------------****

"Ah nang ito po magkano?" Tanong ni Faith habang sinusuri ang sariwang isda. Marami kasing ginagawa ang nanay niya ngayon kaya siya muna ang bahalang mamili ng mga grocery.

"Bente isang tumpok lang neng"

"Sige ho bilin ko na..." Nakangiting inabot niya ang bayad saka siya lumipat sa kabilang tindahan. Nang mabili niya na ang mga kailangang bilhin ay lumabas na siya ng supermarket. Commute lang siya ngayon dahil malapit lang naman ang palengke sakanila. Paglabas ng village may sakayan na papunta sa market. Patawid na sana siya nang biglang may humintong kotse sa harap niya. Kumunot ang noo niya, maya-maya ay bumaba ang salamin ng kotseng 'yon. Bumungad sakanya ang lalaking nakasalamin, ngumisi ito sakanya at saka tinaas nito ang sunglasses. Itinungkod nito ang siko sa bintana ng kotse nito.

"Hey Mein engel."

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya. Tatlong araw itong hindi nagparamdam sakanya. Akala nga niya ay talagang hindi na ito magpapakita sakanya.

"Papunta na 'ko sa inyo nang makita kitang umalis kaya sinundan kita. Halika na?" Nakangiting sabi nito. Inirapan niya ito.

"Alam mo, hindi ka lang akyat-bahay stalker ka din pala." Sabi niya saka umikot papunta sa isang side ng kotse nito. Kusa siyang pumasok sa loob.

"Fuck! Ano 'yan?!" Gulat na sabi nito pagpasok niya, napangisi siya.

Loko ka! ako naman.

"Tanga! isda to!"

"Ilabas mo yan! naka aircon ako oh? can you see?"

Hindi niya ito pinakinggan.

"Hindi pwede ulam namin to..."

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon