Chapter fifteen

7.7K 178 0
                                    

PANAY ang kutkot ni Faith ng kuko sa kamay habang palinga-linga sa paligid. Kaninang pumasok siya ay punong-puno ng kaba ang dibdib niya dahil alam niyang susulpot na naman sa harap niya ang binata. Iniwasan na rin niya ang hagdan kung saan ito dumadaan.



"Hutaena! Para akong kriminal na may pinagtataguan." Bulong niya habang papunta sa gate. Humigpit din ang hawak niya sa dalawang libro na hawak na hiniram niya lang sa library.


'Sana naman hindi na siya pumasok... sana naman please....


Halos mapangiti na siya nang makatapak na siya sa labas ng malaking gate nang walang tumatawag sa pangalan niya.


'Aym free!!'


"Saan ka naman pupunta?"


Natigilan siya sa paglalakad at dahil nakayuko siya ay kita niya ang dalawang pares ng paa sa harap niya. Kilala niya ang may-ari ng sapatos na 'yon. Pati na rin ang nagsalita na 'yon!



Unti-unti naman siyang nag-angat ng tingin.


"Mukhang may pinagtataguan ka ata.." Nakataas ang sulok ng labi na sabi nito. Bahagya itong nakayuko sakanya, nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa at ang isa naman ay hawak ang bag. Umayos naman siya ng tayo at iniwas ang tingin dito.



"Wala no? Sino namang pagtataguan ko?" Tanong niya dito habang naka-iwas ang tingin dito.



"Bakit hindi ka tumitingin sakin?"

Kinagat niya ang dila saka tumingin dito.


"Oh 'yan nakatingin na 'ko sayo." Sabi niya dito pero sa pisngi siya nito nakatingin. Napailing naman ito.


"Kailangan ko kasing pasukan ang subject ko ngayon kaya hindi kita masasamahan pauwi."


Hayy... mas mabuti nga 'yon. Nang makahinga naman ako ng maluwag.


"Pero mamaya! Pupunta ako sainyo ha?" Nakangiting sabi nito saka kinindatan siya. Hinawakan nito ang tutok ng ulo niya saka ginulo ang buhok niya.


"Dito na 'ko, baka ma-late ako. See you later Faith." Hindi pa rin nabubura ang ngiti nito saka siya nilagpasan.


Ano ba naman 'to.... mababaliw na nga ako mukhang natutuwa pa siya nangyari!


Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa leeg niya kasunod non ay ang mainit na presensya mula sa likuran niya


"And don't try to avoid me Faith, I will always find you."


Halos tumayo ang balahibo niya sa bulong na 'yon. Maging ang malambot na labi nito na dumampi sa pisngi niya.


"Bye..."

Kahit pa naramdaman niya na ang pag-alis nito mula sa likuran niya ay nanatili pa rin siyang nakatayo. Hinawakan niya ang pisngi saka bunaling sa likuran. Nakita niyang pumasok na ito sa gate habang naka-sukbit sa balikat ang bag nito.


"Aha!!"

"Ay palaka!" Tili niya. Matalim ang mata na nilingon niya ang sumigaw na 'yon. Pero agad din siyang natigilan nang makita na hindi niya kilala ang lalaking kaharap.


"Ikaw.." Sabi pa nito saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. Pinag-aralan niya din ang mukha ng kaharap, mukhang hindi naman ito nag-aaral don. Naka-suot ito ng white shirt at isang faded jeans, naka-Nike din ito at tanging G-shocks lang ang suot sa kamay. Kulot ang clean-cut nitong buhok. Mukha itong anghel sa paningin niya. Pero hindi niya maiwasang pansinin ang nakakalokong ngiti nito sakanya. Masyadong maamo ang mukha nito at mukhang palaging gagawa ng kalokohan.


"Ikaw pala ang dahilan kung bakit malamig ang aking gabi..." Sabi nito, kita niya pa ang malalim nitong dimple sa magkabilang pisngi nito. Kumunot ang noo niya.


"Sorry hindi po kita kilala..." Sabi niya at akmang lalagpasan ito.


"Ooops! Sandali lang." Humarang ito sa daraanan niya. Tinignan niya ito ng masama.


"Tabi sisipain ko 'yang gitna mo." Banta niya dito. Nanlaki naman ang mata nito at mabilis na tinakpan ang gitnang bahagi ng katawan nito.


"Wag ito na nga lang kaligayahan ng mga naghahabol sakin. Ano bang pangalan mo?"


"Bakit ko naman sasabihin sayo pangalan ko eh hindi naman kita kilala?"


Napanguso naman ito. "Taray naman... okay let me introduce myself first. Ako nga pala si Maxeau Cannibara ang lalaking mas gwapo at hot kaysa kay Clifford." Pagpapakilala nito. Ah so kaibigan pala ito ni Clifford, mukhang mahangin.


"Ako 'yung ninakawan ni Clifford ng gamit natatandaan mo 'yon? Yung puro panty at bra n---Hmmpp!"

Mabuti na lang at mabilis niyang sinara ang bibig nito. Bigla kasing tumingin sakanila ang ilang dumadaan.


"Hinaan mo nga 'yang bibig mo!" Inis na sabi niya saka tinanggal ang kamay sa bibig nito.


"Naalala mo na?" Natutuwang sabi nito. Inirapan niya ito.


"Oo, kaya please Maxeau aalis na 'ko may kailangan pa 'kong gawin eh. Bye." Sabi niya at nilagpasan na ito. Mukhang hindi siya makakatagal sa isang 'yon. Mukhang malakas ang tama sa utak eh.


"Sandali lang babae ni Clifford!"


Napangiwi na tumigil siya sa paghakbang saka binalingan ang lalaking 'yon. Lumapit ito sakanya.


"May paki-usap lang sana ako sayo... mamayang gabi attend ka ha? Birthday party kasi ng isang kaibigan ko."


"Ano namang ganap ko diyan?" Nagtatakang tanong niya. May kinuha ito mula sa likod ng bulsa at saka inabot sakanya. Binasa niya ang nakasulat don.


'Dark Club Society..'


"Diyan gaganapin 'yung party, alam mo naman ang lugar na 'yan diba? Nakapunta kana diyan nang sundan mo si Criselda. Pupunta mamaya diyan si Clifford at alam mo ba? Maraming babae don." Natutuwang sabi nito. Tumaas ang kilay niya.


"Pake ko naman eh kaibigan ko lang 'yan si Clifford."


"Ganon? Bahala ka... ikaw din. Marami kasing gustong pumikot diyan sa kaibigan ko. Pero kung pupunta ka mamaya sabihin mo lang sa guard na Maxeau Cannibara ang pinaka-poging nilalang, papasukin ka na non. Sige alis na 'ko." Nakakalokong ngiti nito saka tumalikod habang sumisipol. Nakalagay pa sa likod ng ulo nito ang dalawang kamay nito. Napatingin siya sa hawak.


"Sabi niya pupunta siya sa bahay mamaya.." Bulong niya saka muling tumingin sa lalaking 'yon na mukhang tangang sumasayaw habang naglalakad.



"Bahala siya.." Umirap siya sa hangin saka tumalikod pero itinabi niya sa bulsa ang card na binigay ng lalaki.

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon