Chapter twenty-eight

9.6K 201 1
                                    

"ARAY naman pre! paa ko natapakan mo!"



"Nakita ko? Nakita ko? Nakita mong ang bigat ng dala ko diba?"



Napapailing na lang na pinanuod ni Faith ang pagtatalo ng mga kaibigan ni Clifford. Speaking of Clifford? Nasaan na ang lalaking 'yon? Nilibot niya ng tingin ang paligid saka hinanap ang binata. Pumunta siya sa harap ng truck.


Anak ng!


"Clifford anong ginagawa mo diyan? Tulungan mo 'yung mga kaibigan mo don!" Sita niya dito nang makitang natutulog lang ito sa driver seat.


"Hayaan mo sila mein engel. Sumama sila eh." Nakangising sabi nito saka nito binuksan ang pinto sa tabi nito.



"Hindi dahilan 'yan Clifford tumigil ka! Nag-aaway lang sila doon oh."


Bahagyang nagsalubong ang kilay niya nang hawakan nito ang baba niya. Nakita niyang yumuko ito papalapit sa mukha niya. Napapikit na lang siya nang halikan nito ang labi niya.


"Ehem!"

Mabilis niyang iniwas ang mukha kay Clifford nang marinig niya 'yon.


"P-papa..." Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang ama. Napahawak siya sa bibig nang hilahin nito ang kwelyo ni Clifford pababa ng truck.



"Tumulong ka dito at hindi puro kalandian sa anak ko ang ginagawa mo!" Sermon nito kay Clifford.


"Aray papa! 'Wag naman kayong ganyan!" Angal ni Clifford. Inakbayan ito ng kanyang ama saka binitbit papunta sa likod ng truck. Napailing na lang siya dito. Tinignan niya ang malaking bahay na nasa harap niya. Kahit papano ma-mimiss niya si Criselda, kahit pa mas lamang ang kasamaang ugali na pinakita nito sakanya. Bukas ay uuwi na ang mga ito. Sinabi niya na rin dito ang tungkol sa namagitan sakanila ni Clifford, nagulat ito ng una at nag-alala sakanya pero nang sabihin niya dito ang tungkol kay Clifford ay naunawaan siya nito.



"Excuse me..."


Napalingon siya nang marinig ang boses na 'yon. Natigilan siya nang makita ang isang matangkad na lalaki na nasa harap niya, nakangiti ito sakanya. Umayos naman siya ng tayo.


'Ang gwapo naman nito..'


Maamo ang mukha nito habang nakatingin sakanya.


"Bagong lipat lang kayo dito?" Nakangiting sabi nito. Tumango naman siya.


"Ah oo..." Sagot niya. Nilahad nito ang kamay sa harap niya.



"Ako nga pala si Nyx Santallian. Diyan lang ako sa harap niyo nakatira."


Nanlaki ang mata niya.


"Ay sayo pala 'yung malaking bahay diyan? Magandang araw sayo.." Nakangiting sabi niya saka tinanggap ang kamay nito.


"Ako nga pala si Faith Salvez."


Binitawan naman niya ang kamay nito.


"Tamang-tama, may makaka-u----


Natigilan ito sa pagsasalita. Lilingon na sana siya para alamin kung sino ang tinitignan nito nang may umakbay naman sakanya. Nakagat niya ang ibabang labi.



'Naku naman.... nakalimutan ko si Clifford.'


Unti-unti niyang nilingon ito. Matiim ang tingin nito sa lalaking kaharap nila.



Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon