Chapter twenty-four

7.4K 157 1
                                    

NAGTATAKA namang sumunod sila Faith kay Grey. Saglit niyang sinilip ang katabi saka siya tumingin kay Grey na ngayon ay papasok na sa loob ng isang kwarto.

"Ano bang sasabihin mo Grey?" Tanong ni Clifford nang makapasok na sila sa loob. Huminga muna ng malalim si Grey saka humarap sakanila.

"Actually I want to talk Faith." Anito. Kumunot naman ang noo ni Clifford.

"Bakit? Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Clifford. Umiling lang ito saka ngumiti sakanila.

"I've just wanna ask something." Sabi nito saka tumingin sakanya. ".... anong pangalan ng ama mo Faith?"

Nagtaka naman siya. Saglit siyang tumingin kay Clifford pagkuwa'y bumaling kay Grey.

"Guiller Salvez.." Nagtatakang sabi niya.


"Naalala ko nabanggit ni Criselda na wala ang ama mo hindi ba? Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Tanong pa nito. Natigilan naman siya at binalingan si Clifford. Iniwas niya ang tingin dito saka tumingin kay Grey.

"H-hindi ko alam..." Halos pabulong na sabi niya.

"Sandali lang, bakit mo nga pala tinatanong?" Tanong ni Clifford.

Humugot ng malalim na hininga si Grey saka tumingin kay Faith.


"May gusto akong ipakilala sayo Faith. Pwede kaba ngayon?" Anito. Biglang kumabog ang dibdib niya, malakas ang pakiramdam niya na kilala niya ang gusto nitong ipakilala sakanya. Pero pano si Clifford? Pano kung malaman nito ang lahat?

"S-sige.." Halos hindi 'yon lumabas sa bibig niya.

"Sasama ako."

Tumingin siya sa katabi.

"O-okay lang ako Clifford. Magpapahati----

Bumaling ito sakanya. "No, i'm come with you."

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango.

---------------****

HABANG papasok sila Faith sa loob ng isang malaking mansion ay panay naman ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat na i-akto niya kung sakaling maging totoo ang hinala niya. Kung paano niya pakikisamahan ang nararamdaman lalo't kasama niya si Clifford.


"Good morning sir." Bati ng mga katulong na sumalubong sakanila.


"Si Tito Samson?" Tanong ni Grey.

"Nandoon po sa kwarto niya."

Sinenyasan naman sila ni Grey na umakyat. Sumunod sila dito. Mahigpit ang pagkakahawak sa kamay niya ni Clifford nang maramdaman nito ang nginig niya. Habang naglalakad sila sa kahabaan ng pasilyo ay may kung ano ng bumabalot sa puso niya. Tumapat sila sa isang malaking pinto kung saan napapalibutan ng kulay abo at itim na kulay. Pinihit ni Grey ang doorknob saka ito pumasok sa loob. Sumunod uli sila dito. Nakatawag pansin sa mata niya ang isang itim na piano sa sulok katabi ng malaking flower vase. Naglalakihang mga kurtinang mamahalin sa bawat sulok. Ang malawak na tanawin na nasa harap niya ay hindi sapat para mawala ang kaba niya.


Natigilan siya sa paghakbang nang makita niya ang isang lalaking nakatayo sa harap ng bintana. Agad na kumabog ang dibdib niya....

'Papa!!'

Nakangiting bumaling ang matangkad na lalaki sa may-ari ng munting boses na 'yon.

"Papa tignan mo 'to oh! Ang ganda diba? Bigay ni mama. Sabi niya bibili pa daw tayo sa divisoria." Nakangiting sabi ng dalaga habang pinapakita sa lalaki ang teddy bear. Natatawang lumapit naman ito sa anak saka ginulo ang buhok nito. Alam niyang may pagka-isip pa ang anak, isa pa 'yon ang gusto niya dahil hindi niya gustong matulad sa ibang kabataan ang anak.

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon