Chapter twenty

7.6K 166 0
                                    

"SIGE na umalis kana bago kapa makita ni mama." Pagtataboy ni Faith kay Clifford. Nakasandal ito sa kotse nito.


"Ayaw mo ba non? Para naman makilala ako ng mama mo?" Nakangiting sabi nito.


"Hindi pa pwede, saka isa pa. Ma-uumbagan ako non oh! Aral daw muna bago landi." Sabi niya. Natawa naman ito ng mahina saka hinila ang braso niya papalapit dito. Mabilis siyang lumingon sa paligid dahil baka may makakita sakanila.


"Ano kaba!" Pinandilatan niya ito ng mata saka binawi ang braso dito.


"Maaga kang pumasok bukas ha? May pupuntahan tayo." Anito.


"San na naman?" Sabi niya.


"Basta. Sige na pumasok kana, anong oras na oh." Utos nito. Nanliit ang mata niya.


"Ikaw? Sigurado bang uuwi kana?" Tanong niya dito. Unti-unti tumaas ang sulok ng labi nito.



"Saan paba 'ko pupunta?"


Napangiti naman siya. "Sige na umuwi kana." Taboy niya dito.



"Anak?"


Nagkatinginan sila ni Clifford nang marinig ang boses na 'yon. Mabilis siyang lumingon.


"Mama!" Gulat na sabi niya nang makita ang ina. Nakasalamin ito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sakanilang dalawa ni Clifford.



"Anong oras na nandito kapa rin sa labas?" Sabi nito pero nakatingin kay Clifford.


"Magandang gabi ho maam..." Bati ni Clifford. Pasimple niyang tinignan ito.


"Sige na mag-paalam kana!" Anas niya dito. Kinindatan lang siya nito at sa pagkagulat niya ay lumapit pa sa kanyang ina.


"Magandang gabi din sa'yo iho...." Kunot-noong sabi ng ina niya.


"Ako nga po pala si Clifford Vienos." Pakilala ni Clifford saka muling nagsalit. "Nanliligaw po ako sa anak niyo."


Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Anak ng!


"Ah m-ma! ano kasi..." Kinabahan siya na baka magalit ito sakanya.


"Ganon ba?" Sabi ng ina niya saka hinagod ng tingin si Clifford.


"Sige pasok ka.."


Nagulat siya sa sinabi nito. Kaya nang tumalikod na ang kanyang ina at kinurot niya sa tagiliran si Clifford.


"Buang kaba?! Mapapagalitan ako ni mama sayo eh!" Bulong niya dito.


"Mukhang hindi naman eh." Nakangising sabi nito saka inakbayan siya. Sabay silang pumasok sa kabahayan habang unti-unting kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Pangako kasi niya sa ina na magtatapos muna siya ng pag-aaral bago siya tumanggap ng manliligaw. Sinundan nila ang ina sa Sala.


"Sandali lang at kukuha lang ako ng maiinom mo iho." Nakangiting sabi ng ina niya.


'Wow.... hindi niya ako bebenggahin?'


"Hey relax..." Natatawang sabi ng katabi niya at hinawakan pa ang kamay niya. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanyang ina na may dalang isang tray. Nilapag nito 'yon sa harap nila saka na-upo sa isang silya na malapit lang sa mesa.


"Alam mo ba na ikaw ang ka-una unahang lalaki na manliligaw sa anak ko?" Nakangiting sabi ng kanyang ina saka tinignan si Clifford.



Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon