Epilogue

15.1K 318 17
                                    

One year and half later...


"HEY Clifford..."


Binalingan ni Clifford si Maxeau. Nakita niyang inaayos nito ang suot na tuxedo.


"Bakit?" Naiinis na tanong niya dito. Kanina niya pa gustong umalis sa pagtitipon na 'yon. Kung hindi nga lang siya naawa kay Eros baka kanina pa siya wala doon eh. Gusto na niyang dumeretso kay Faith. Napangiti siya nang maalala ang dalaga. Alam na kaya nito nandito na siya?


"Ikaw daw ang sumalo ng garter kapag nakuha ni Hestia 'yung boquet sabi ni Eros."


Napasimangot siya. "Ba't ayaw pa kasi niyang magpakita? Gusto ko ng umalis eh."


"Saglit lang naman daw 'yon. Dinadaga kasi 'yung loko." Natatawang sabi ni Maxeau. Inayos niya ang buhok sa harap ng salamin saka lumabas ng guestroom. Sumunod naman si Maxeau.


"Ikaw? Magpo-propose kana talaga kay Faith?" Tanong nito sakanya. Gumuhit ang masayang ngiti sa labi niya.


"Oo, tutal tapos na kaming dalawa sa pag-aaral. And I have my own company." Nakangiting sabi niya. Napaismid naman ito.


"Grabe kayo, naunahan niyo pa kaming mga mas nakakatanda sainyo."

Ngumisi naman siya. "...bakit? Meron kana rin ba?"


Nakita niyang natigilan ito, unti-unting namula ang tenga nito.


"Wala ah! Wala akong gusto sa babaeng 'yon!"


Natatawang tinalikuran niya ito saka siya sumalo sa mga nagdiriwang. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Nakita niya si Eros na nakatayo sa madilim na bahagi ng pagdiriwang na 'yon. Nakatingin ito sa isang direksyon, sinundan niya ang tinitignan nito. Nakita niyang nasalo ni Hestia ang bulaklak ng bride. Bumaling uli siya sa direksyon ni Eros. Nakita niya ang unti-unting pagdidilim ng mukha nito. Naiiling na sumali siya sa mga kalalakihan. Saktong binato na rin ang garter, tumalon siya at hinablot 'yon sa pamamagitan ng isang kamay niya. Tumingin siya sa direksyon ni Eros saka tinaas ang kamay na may hawak na garter. Pinakita lang niya 'yon dito. Tumango naman ito sakanya.


Tinawag na si Hestia ng kaibigan nito. Tumingin ito sakanya at pinipilit na kinikilala ang mukha niya.


'Maybe, she won't remember me..'


Umupo na ito sa upuang nasa gitna. Lumapit naman siya dito.


"You look familiar? Clifford?" Anito. Tumaas lang ang sulok ng labi niya saka yumukod sa harap nito habang hawak ang garter.

"Hi. Ms. Dimaculda it's glad to see you again." Nakangiting sabi niya dito. Mabilis niyang sinuot ang garter sa hita nito.

"Done." Sabi agad niya. Nagpalakpakan naman ang mga nasa paligid nila. Inalalayan niya itong tumayo.

"Your King might kill me...." Bulong niya habang inaalalayan itong pumunta sa table nito.

"Sabi mo?" Tanong nito sakanya. Binalingan niya ito saka siya umiling.

"Sige dito na 'ko ha? Hahanapin ko muna sila Ellifard." Sabi niya dito. Nang tumango ito ay tumalikod na siya, pumunta siya sa direksyon ni Eros.


"What's happening? Puntahan mo na siya." Sabi niya dito. Huminga ito ng malalim habang nakatingin sa direksyon ni Hestia.

"Mamaya kapag dumating na si Ellifard." Anito. Natatawang tinapik niya ang balikat nito.

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon