Chapter seventeen

8.1K 184 1
                                    


'ASAN ako?!'


Nagtatakang napabalikwas ng bangon si Faith ngunit sumigid naman sa kirot ang ulo niya. Sinapo niya 'yon at ilang beses siyang pumikit-pikit.


"Ouch...." Bulong niya saka dinilat ang mata. Muli niyang nilibot ng tingin ang buong paligid. Parang pamilyar sakanya ang kwarto na 'yon, muli niyang inalala ang nangyari kagabi. Pero wala naman siyang matandaan.

"Ay bwisit!" Naiinis na sabi niya saka bumaba ng kama habang inaalala niya sa isip niya kung kanino bang kwarto 'to. Pumasok siya sa banyo saka nagmumug at naghilamos. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Namamaga ang ilalim ng mata niya, patuloy pa rin sa pagpintog sa sakit ang ulo niya. Sapo ang ulo na lumabas siya ng banyo at saka umupo sa gilid ng kama.



"Ano bang ginawa ko kagabi? Ang alam ko pumunta ako sa club na 'yon dahil nandon si...." Nanlaki ang mata niya.


'Si Clifford!'


Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto.


"Oh, gising ka na pala." Nakangiting sabi ni Clifford pero agad ding sumimangot. Hindi naman siya nakapagsalita lalo't natatandaan niya na ang ginawang kabaliwan kagabi. Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang lumapit sakanya si Clifford. Kinuha nito ang isang upuan na nasa sulok saka 'yon nilapag sa tapat niya.


"A-ano..... Clifford." Tawag niya sa pangalan nito. Umupo lang ito sa upuang nasa harap niya saka malamig ang mata na tinignan siya.


"Anong ginagawa mo don kagabi?" Tanong nito habang matiim ang tingin sakanya. Nakangusong iniwas niya ang tingin dito.


"Faith.... ano sabing ginagawa mo don. Hindi ba may usapan tayo na pupunta ako sa sainyo?"


Doon na siya tumingin dito.


"Anong usapan ka diyan? Sabi nga ng kaibigan mo may party don sa club niyo at pupunta ka daw." Nakataas ang kilay na sabi niya.


'Teka? pake ko ba?!'


"Sinabi ba sayo ni Maxeau? Hindi ako pupunta don Faith at saka isa pa matagal na rin akong hindi pumupunta don."


"Talaga lang ha? Kaya pala nang pumunta ako kagabi nasa VIP room ka kasama 'yung sino ba 'yon?----


"----Si Nikka." Tuloy nito.


"Yun si Nikka! At ito pa, hindi mo sinabi na pinagsabay mo pala si Criselda at ibang babae mo. Hindi tamang ugali 'yan  Clifford, wala kang karapa----Bakit?!" Inis na tanong niya, napansin kasi niya ang sinusupil na ngiti nito.


"Wala..." Tipid na sagot nito pero nakangiti. Inirapan niya ito.


"Sige ano pa?" Anito.


"Wala na!" Bwisit 'to!


Umayos ito ng tuyo saka lumapit sakanya bitbit ang upuan. Natigilan naman siya.


"Ano 'yan?" Nakataas ang kilay na sabi niya. Ngumiti lang ito. Hanggang sa makalapit na ito sakanya ay hindi siya gumagalaw sa kinauupuan. Magkatapat sila habang magkadikit ang tuhod nila. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya.


"Wala kaming ginawa do'n Faith." Malumanay na sabi nito. Nag make-face siya dito.


"Talaga lang ha..." Sarkastikong sabi niya. Lalong lumawak ang ngiti nito.


"At hindi lang naman si Rhea ang naging babae ko habang kami pa ni Criselda. May iba pa." Seryoso ng sabi nito. Natigilan naman siya naramdaman niya ang paninikip ng dibdib. Iniwas niya ang tingin dito.


Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon