Chapter sixteen

8.2K 187 1
                                    

"CLIFFORD!! Clifford!"


Kunot-noong nilingon ni Clifford ang tumatawag sa pangalan niya. Mula sa dikalayuan ay nakita niya si Maxeau, nakataas ang sulok ng labi nito habang nakasandal ito sa kotse nito. Inismiran niya ito at hindi pinansin. Lumiko siya ng ibang daan. Alam niyang may kalokohang gagawin ang kaibigan kapag ganitong nakangisi ito.

"Clifford! Ay! Isa! Haharap ka o hindi."

Natawa lang siya ng mahina saka tinaas ang gitnang daliri habang naglalakad palayo dito. Ibinaba niya ang kamay at sinuksuk sa bulsa. Balak muna niyang dumaan sa grocery para bumili ng kakainin nila Faith mamaya. Muli siyang napangiti nang maalala ang dalaga.

"Clifford! Ito naman!"

Patuloy pa rin siya sa paglakad kahit pa naabutan na siya ng kaibigan. Umakbay pa ito sakanya.

"Ito naman! Hindi mo ba 'ko na-miss?" Paglalambing nito, hinaplos-haplos pa nito ang balikat niya sa likod. Siniko niya ito ng malakas.

'Parang bata eh!'

"Ano ba kasing kailangan mo? At ano bang ginagawa mo dito? Bilisan mo at pupunta pa 'ko kina Faith." Tinatamad na sabi niya dito.

"May sasabihin kasi ako sayo.... At saka si Faith? Faith Salvez?"

Natigilan siya sa paghakbang at binalingan ang kaibigan.

"Bakit kilala mo siya?" Matiim na tanong niya dito. Wala siyang natatandaan na sinabi niya ang pangalan ni Faith dito. Hinaplos-haplos nito ang baba saka ngumisi.

"Basta kasi gwapo matalino." Walang direksyon na sagot nito. Hinila niya ito sa kwelyo.

"Oo na! Oo na! Ito na!" Mabilis na sabi nito saka tinanggal ang kamay niya sa kwelyo nito. Binitawan naman niya ito.

"Ito naman, parang wala tayong pinagsamahan noon kung ganya----Ah kanina kasi nakasalubong ko siya. May kaibigan pala siya dito na isang customer natin sa Dark Society club." Sabi agad nito. Nagsalubong naman ang kilay niya at matamang tinitigan ang kaharap.

"Oh tapos?"

"Ngayon inimbitahan niya si Faith mo sa gaganaping Anniversary party mamaya." Natutuwang sabi nito. Lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Anniversary party? Walang binanggit sakin si Grey ang alam ko birthday lang ni Eros."

"Eh pano hindi kana pumupunta sa club." Sabi naman nito. Natigilan naman siya. Wala namang sinasabi sakanya si Faith?

"Wala naman siyang binabanggit sakin ha?" Sabi niya pa dito. Nakita niyang lalong lumawak ang ngiti ng kaibigan.


"Bakit kayo ba?" Anito. Mas lalo siyang natigilan.


"Sige dito na 'ko. Sinabihan lang kita baka kasi hindi mo alam. Oo nga pala, mamayang 6:30 pm ang start ng party. You should be there dude, ikaw din maganda pa naman si Faith at maraming lalaki sa club." Nakangising sabi nito saka tinap pa ang balikat niya pagkuwa'y tumalikod. Hindi naman siya gumalaw mula sa kinatatayuan. Sinilip niya ang relong pambisig. 5:45 na ng hapon. Halos magpantay naman ang linya sa labi niya.

"Faith... faith.... faith..." Madiing bulong niya saka niya binilisan ang paghakbang.

----------------****

NATITIGILANG tinignan ni Faith ang labas ng club. Mukhang may pinagbago 'yon kumpara noong pumunta siya nang sundan niya si Criselda. Panay ang buga niya ng hangin habang iniisip kung papasok ba siya o hindi. Nakita niya pa ang ibang taong pumapasok na sa loob. Naririnig na rin niya ang pag-iingay sa loob.

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon