Chapter twenty-three

7.5K 153 0
                                    

Grey POV

"Sir Grey pinatatawag po kayo ni Mr. Samson."



Kumunot ang noo ni Grey. Kapag ganitong gusto siyang kausapin ng tiyuhin ay may importanteng sasabihin ito. Sa tingin niya ay tungkol na naman ito sa negosyo. Nilapag niya ang dyaryo sa maliit na mesa sa tabi niya saka sumunod sa mayordoma. Pagtapat nila sa harap ng pinto ay iniwan na siya ng mayordoma. Tatlong katok ang ginawa niya bago niya narinig ang boses ng tiyuhin sa loob.



"Pasok."


Pinihit niya ang doorknob saka siya sumilip sa loob. Nakita niyang nakatayo doon ang tiyuhin habang nakatingin sa malayo. Pumasok naman siya saka timikhim para kunin ang atensyon nito. Dahan-dahan naman itong lumingon sa direksyon niya, bumungad sakanya ang malaking peklat na nasa sentido nito.



"Pinatatawag niyo daw po ako tiyo?"


Humugot ito ng malalim na hininga saka lumapit sa mahogany table nito. May kinuha ito mula sa tabi ng computer.


"Can you do me a favor?" Nakangiting tanong nito. Nagsalubong naman ang kilay niya.


"Ano naman ho 'yon?" Tanong niya dito. Ni minsan ay hindi ito huminga ng kahit anong pabor mula sakanya. Palaging ito ang gumagawa. Kaya nga ito ang pinagkatiwalaan ng kanyang ama sa paghahawak ng negosyo nila. Wala namang kaso 'yon sakanya dahil may sarili naman siyang kumpanya. Isa pa, nandiyan naman ang step-brother niyang si Nick.



"Alam mo naman siguro na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang sarili ko 'diba?" Sabi nito. Natigilan naman siya saka namulsa.



"Bakit niyo ho natanong?" Tanong niya. Ini-angat nito ang isang litrato sa harap niya.



"Para kasing kilala ko 'to...  hindi ko alam parang pakiramdam ko ito ang makakatulong sakin."



Napatitig siya sa litratong nasa harap niya. Lumapit siya sa tiyuhin at kinuna ang hawak nito.


"San niyo nakuha 'to?" Takang tanong niya dito.



"Nahulog mula sa wallet ng kaibigan mo. Si Clifford." Sabi nito. Napatitig siya sa larawan, nakangiti ang isang babae doon habang katabi ang kaibigan niya.


"Kagabi nanaginip din ako. May tinatawag akong pangalan, may mga mukha din akong nakita. Tapos isang babae na umiiyak sa harap ko. Pero hindi ko sila kilala. Hindi kaya bumabalik na ang memorya ko?"


Kumunot ang noo niya. "Is it possible? Sabi ng doctor permanente na ang pagkawala ng ala-ala mo?"



Huminga ito ng malalim at saka sinuksuk ang kamay sa bulsa. "Kung makikita ko ang batang 'yan. May posibilidad na may koneksyon siya sa nakaraan ko."


Tumango-tango lang siya.


"Ito ba 'yung pabor na hinihingi mo tiyo?" Tanong niya, tumango naman ito at banayad na ngumiti.


"If you don't mind. I really need your help iho, kahit ngayon lang."


Ngumiti naman siya saka sinuksuk ang larawan mula sa likod.



"Maasahan mo 'ko tiyo." Nakangiting sabi niya.


---------------****


NAKANGITING hinabol ng tingin ni Faith si Clifford habang nakikipaglaro sa mga kaibigan nito. Nakita niyang ipinasa ni Clifford ang bola kay Ellifard. Hinabol naman ito ni Maxeau. Nakita niya ang pagngisi ni Ellifard, nag-aktong ishu-shoot nito ang bola kaya agad na tumalon si Maxeau sa pag-aakalang ibinato na ni Ellifard ang bola ngunit umikot lang pala ito para maka-iwas kay Maxeau.


Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon