Chapter eighteen

7.5K 170 1
                                    

PANAY ang linga ni Clifford sa paligid. Tumuon ang mata niya sa mini-bar ngunit wala don ang hinahanap. Tumingin naman siya sa stage ngunit staff at si DJ Nixx lang ang nakita niya.


'Nasaan na ang gagong 'yon?'


Maya-maya ay nakita niya na lumabas mula sa isang itim na pinto si Delifico. Lumapit siya dito.


"Nasa ibaba ba si kulot?" Tanong niya dito. Kumunot naman ang noo nito.


"Ah oo.. nag-uusap sila ni Grey. Bakit?" Anito.


"Wala. Sige dito na 'ko." Sabi niya at tinapik ang balikat nito saka nilagpasan ito. Pumasok siya sa loob, narinig niya pa ang malakas na ugong na 'yon. Saktong pagkapasok niya ay ka-aakyat lang nila Grey. Kasama nito si Maxeau at Ellifard.


"Maxeau...." Tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Nakita niyang natigilan ito nang makita siya saka unti-unting nagtago sa likod ni Grey. Ngumisi naman si Grey saka gumilid. Mukhang alam na nito ang pakay niya. Sa likod naman ni Ellifard nagtago si Maxeau pero kagaya ni Grey ay gumilid lang ito saka sumandal sa pader.



"Ano.... ano... Clifford ganito kasi 'yon hehe."


Inisang hakbang niya ito at saka hinawakan ang batok nito.



"Aray! Aray! Grey tulong!" Saklolo nito. Kinaladkad niya ito palabas ng pinto saka binalibag. Napasandal ito sa mesang nandon, bahagya pa nitong nahulog ang isang basong nakapatong don.


"Aray naman! Mag-kaibigan tayo 'diba? Parang hindi tayo noon ha?" Pagda-drama pa nito. Pinaligiran sila ni Grey.


"Anong nangyayari dito?" Tanong ng kadarating lang na si Eros.


"Ano pa nga ba? Alam mo naman si Maxeau, nagpa-plano pero palpak." Natatawang sagot ni Delifico.


"Hindi ah!" Angal ni Maxeau. Nakapamulsang lumapit siya sa kaibigan.


"Alam mo bang hindi umiinom si Faith?" Sabi niya pa sa kaibigan. Napanguso naman ito.


"Alam ko, saka wala naman 'yon sa plano ko eh! Tanong mo pa kay Serionifo." Nakangusong sabi nito.


"So, pinagpa-planuhan mo pala kaming dalawa ganon ba?" Sabi niya.


"Aprobado naman kay Grey ah!" Parang batang sabi nito.



"Tadyakan kaya kita diyan kulot ka!" Natatawang sabat ni Grey.


"Pano kung may lalaking nagyaya sakanya ha? At talagang siniraan mo pa ako sakanya ha..." Nakangising sabi niya pero ang totoo ay gusto niya ng sakalin ang kaibigan. But. At the same time, parang gusto niya pang pasalamatan ito dahil sa ginawa nito.



"Eh halata namang nagkakagustuhan kayo non ni Ms. Salvez. Masyado lang kayong pakipot dalawa." Nakangusong sabi nito. Tinagilid niya ang ulo saka dinuro ang kaibigan.


"Alam mo tama ka. Pero dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit may hangover sya ngayon kailangan mo 'kong tulungan." Nakangising sabi niya.


"Naku kay Maxeau pa talaga siya nanghingi ng tulong." Natatawang sabi ni Eros.



"Ano naman 'yon?"


Ngumisi siya. "Sumama ka sakin."

----------------****

"PWEDE na po kayong pumasok sir."


Tumayo naman siya mula sa pagkaka-upo saka sinundan ang nurse. Dala nito sa kanang kamay ang puting chart habang nakatabing ang mukha ng puting mask.


"Kumusta naman ang kalagayan niya?" Tanong niya habang tinatahak nila ang mahabang pasilyo.

"Ganon pa rin po Mr. Vienos, walang pinagbago. Kinaka-usap pa rin ho niya ang sarili niya." Sabi nito saka tumigil sa paglalakad. Hinubad nito ang puting mask saka humarap sakanya.


"Pero ano?" Takang tanong niya.


"Palagi niya pong binabanggit ang senyorito, senyorito Clifford." Sabi nito. Natigilan naman siya.


"Sa tingin ko may isang bagay siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano 'yon ilalabas. As of now, patuloy pa rin ang medicine niya. Palagi ko rin siyang pinupuntahan dahil last week nagwala na lang siya bigla habang may sinisigaw na pangalan."


Natigilan naman siya. Muli nilang pinagpatuloy ang paglalakad, hindi niya alam ngunit nag-iiba na ang pakiramdam niya. Nang makarating na sila sa nag-iisang pinto sa sulok ay ilang beses muna siyang nagpakawala ng hininga. Noong isang araw ay galing sila dito ngunit hindi naman niya ito naka-usap ng matino. Binuksan ng nurse sakanya ang pinto. Tumambad sa paningin niya ang babaeng nakapamuluktot habang yakap ang tuhod. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Binalingan niya ang nurse.


"Iwan mo na lang ako dito." Nakangiting sabi niya.


"Sige ho, tatawag lang ho ako ng makakasama para magbantay sa labas."


Tumango lang siya at muling binalingan ang babae. Nakatulala ito habang nakatingin sa kawalan. Huminga siya ng malalim saka kinuha ang isang upuan na nasa sulok at na-upo sa harap nito.


"Ano bang nangyari sayo Matilda?" Malumanay na tanong niya dito. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng lahat ay naroon pa rin ang pag-nanais niya na tulungan ang babae.


Kagaya noon ay hindi siya sinagot ng kaharap. Nakatulala lang ito habang nakatingin sa kawalan. Napakasakit para sakanya na nakikita ang asawa sa ganitong kalagayan.


"Mahal." Tawag niya dito ngunit hindi pa rin siya nito pinapansin. Nanatili lang itong nakatulala.


"Ano bang nangyari sainyo ni Guiller?" Muli ay tanong niya. Huminga siya ng malalim saka tumayo at lumapit dito. Pinantay niya ang mukha dito habang nakaluhod ang isang tuhod niya.



"Alam mo bang miss kana ng anak mo? Alam ko na kaya nagkaka-ganon si Clifford dahil hinahanap ka niya." Nakangiting sabi niya saka ini-angat ang kamay. Hinaplos niya ang buhok nito.


"Sana malaman na rin naming dalawa kung bakit mo kami iniwan."


Wala pa rin itong reaksyon. Huminga siya ng malalim saka tumayo.



"Aalis na 'ko... sana, sana maalala mo kami. Kami ng anak mo." Sabi niya at ilang sandali itong tinitigan bago siya tumalikod. Akmang bubuksan niya ang pinto nang marinig ang tawa ng asawa.


"Hindi ko naman anak 'yon eh... kinuha ko lang siya. Kashii ayoko sa magulang niya."


Nagtatakang binalingan niya ito, pinaglalaruan nito ang sariling buhok. Ngunit ang nakatawag sa atensyon niya ay ang sinabi nito. Inisang hakbang niya ang pagitan nila at hinawakan ito sa magkabilang balikat.


"Ano bang pinagsasabi mo?!"


"Hindi ko naman anak 'yong batang 'yon eh... hindi ko siya anak. Kinuha ko lang siya dahil ayoko sa magulang niya." Tumatawang sabi nito.


Nanlumo siya at napayuko. Parang mas lalong dumagdag ang bigat ng dibdib niya sa narinig mula dito. Kahit pa hindi nito direktang sinasabi alam niya kung sino ang tinutukoy nito.


Parang gumuho ang mundo niya...

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon