Chapter six

10.3K 222 0
                                    


"Anak! Gising na tanghali na!"

Unti-unting dinilat ni Faith ang mga mata nang marinig sunod-sunod na katok na 'yon mula sa labas. Nag-inat muna siya saka muling pumikit.

Eh? Sandali lang? parang may mabigat? Hinawakan ni Faith ang bagay na nakadagan sa tiyan niya saka 'yon pinisil.

Eh ano to? ba't ang masculine? Nanlaki ang mata niya.

Hala! ang kinis!


"Kung ako sayo titigilan ko 'yan."

Napasinghap siya ng malakas. Dumilat siya at napalingon sa gilid niya. Napatakip siya ng bibig nang mabungaran niya ang maamong mukha na 'yon. Gulo-gulo ang medyo kulot nitong buhok habang nakadapa paharap sakanya. Nanlalaki ang matang bumaba ang tingin niya sa kamay nito na naka-dantay sa tiyan niya. Nakita niyang nakabukas na rin ang kurtina na nakatabing sa balkonahe na bukas na rin, muli niyang tinignan ang katabi.

'Panong napunta 'to dito?'

"Anak ! bubuksan ko na 'to" Sigaw ng ina niya mula sa labas. Pinalo niya ng malakas ang katabi niya.


"Bumangon ka diyan! gago ka! patay ako kay mama nito eh!" Asar na sabi niya saka tinanggal ang kamay nito sa tiyan niya.


"Tsk! natutulog pa 'yong tao eh!"

Aba siya pa ang naiinis ha?! Niyugyog niya ang balikat nito.


"Umalis kana! don ka sa bintana tumalon oh! magagalit si mama eh"


Hindi siya nito pinakinggan, kinuha nito ang unan saka tinakblob sa ulo nito. Inis na sinipa-sipa naman niya ito.


"Anak kukunin ko 'yong susi... may kukunin kasi ako diyan sa loob."


Lalong tumindi ang kaba niya.

"Ma wait lang!" Sigaw niya pero mukhang wala na sa labas ng pinto ang mama niya at tingin niya ay kumuha ito ng susi. Napahawak siya sa ulo saka nagmamadalung bumaba ng kama.

"Naku pano ba 'to?!" Natatarantang sabi niya habang dino-double luck ang pinto. Muli niyang nilingin si Clifford na tulog na tulog pa rin.

"Naku humanda ka talaga saking lalaki ka!" Duro niya dito. Tumuon ang mata niya sa isang makapal na kumot.


Tama!


"Peste kang lalaki ka wag ka ng pumasok dito sa susunod punyemas ka!" Sermon niya dito habang binabalot sa buong katawan nito ang makapal na kumot.


Ang laki naman kasi ng lalaking 'to!

"Ssshh bibig maaga pa." Saway niya, hmp! mukha niya! Kinuha niya naman ang unang mahaba at pinatong 'yon sa ulo nito. Nang masiguro niya na hindi na makikita ito, kahit papano. Lumpit siya sa pinto ang saka tinanggal ang pagkaka-double luck non. Saktong bumukas ang pinto. Awtomatikong tumalon siya sa kama saka sumandal.

"Oh? anong ginagawa mo diyan? bakit parang mataas ata yang hinihigaan mo?"


"Ahh... wala po to ma nangangalay po ako eh." Kinakabahan ang ngiting sabi niya. Nakuu! sana naman kagatin. Nagtatakang tumungo ang mama niya saka lumapit sa closet ng damit. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay ng animal mula sa batok niya. Kinurot niya ang kamay nito.

"Tumigil ka diyan malilintikan ka!" Bulong niya. She heard his chuckled under the blanket. Nakuu naman! panay pa rin ang kiliti nito. Binali niya ang daliri nito.

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon