Chapter ten

8.6K 201 0
                                    

"GRABE 'yong ginawa niya kay Criselda no? Imagine he just dropped Criselda's heart like a hot potatoe."



"Yeah true ka diyan! Take note, three years ang tinagal nila."



"Pero kasi kung ganyan ba namang ka gwapo ang lalandas sa'yo pakakawalan mo pa ba? haha"



"True!"


Napapaismid si Faith nang marinig niya ang mga 'yon. Mga intrimitida!


Kinuha niya ang mga libro sa locker niya saka ni-lock 'yon. Panay pa rin ng kwentuhan ng mga babaeng nasa tabi lang niya. Napailing na lang siya, walang ginawa ang mga tsismosa kung hindi ang mangialam ng buhay ng iba. Nagtaka siya kung bakit nanahimik ang mga ito, naramdaman din niya ang kakaibang vibes sa paligid niya. Binalingan niya ang mga ito.


'Ah.... kaya naman pala. Nandiyan na kasi 'yung pinag-uusapan nila.'


Nakita niya parating na si Clifford, nakapamulsa ito habang kausap ang isang lalaki. Binawi niya ang tingin dito saka siya tumalikod bitbit ang libro.


"Faith?"


Palihim siyang natigilan nang marinig ang boses na 'yon sa likuran niya. Binilisan niya ang paglalakad.


"Sandali lang Faith!"


Napangiwi siya nang maramdaman ang kamay na 'yon sa braso niya. Huminga muna siya ng malalim saka binalingan ito.


"Clifford! Bakit?" Nakangiting sabi niya. 'Wag lang sanang magmukhang peke.


"Are you okay? Bakit nagmamadali ka ata?" Tanong nito.


"Ah.... may kailangan pa kasi akong i-research eh. Bakit mo nga pala ako tinatawag?"


"Sabay sana tayong mag-lunch ngayon eh. Kumain ka na ba?" Nakangiting sabi niya.


'Bakit hindi 'yung kahalikan mo kahapon ang yayain mo?'


"Oo, kumain na 'ko."


Nakita niyang siniko ng lalaking 'yon si Clifford.


"Girlfriend mo?" Tanong nito.


"Hindi!"


"Yes." Halos magkasabay na sabi nila ni Clifford. Ngumisi lang ang lalaking 'yon.


"Oh yeah..... sige, dito na 'ko. Hahanapin ko pa si Maam Jane." Sabi ng lalaking 'yon saka tumango lang sakanya at tinalikuran na sila.



"Eros mamaya ha?! Yung sinabi ko!" Sabi ni Clifford sa kaibigan. Tumaas lang ang kamay ng lalaking 'yon.


"Ano 'yes' ka diyan! Baka mamaya iba isipin ng kaibigan mo eh!" Naiinis na sabi niya dito saka tinalikuran ito.


"Sandali! Sorry na.... bakit ba mukhang badtrip ka ngayon ha?" Natatawang sabi ni Clifford habang sumasabay ng lakad sakanya. Tinabing niya ang isang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya.


"Anong badtrip? Hindi ah."


"Bakit nakasimangot ka?"


Nilingon niya ito. Nakita niya pang nangingitim pa ang ilalim ng mata nito.



"Bakit may pasa ang mukha mo?" Balik-tanong niya. Natigilan naman ito saka hinaplos ang mukha.


"Meron pa? Halata ba?" Tanong nito. Inirapan niya lang ang binata.


Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon