Chapter twenty-one

7K 166 0
                                    

"A-ANONG ginawagawa natin dito?" Nagtatakang tinignan ni Clifford ang gusali na nasa harap niya.


'.....Mental Instituition.'


Binalingan niya ang tiyahin.

"Tita?" Nagtatakang tanong niya sa tiyahin na tumingin lang sa ama niya.


"Pumasok na muna tayo iho..." Sabi ng kanyang ama at naunang pumasok sakanya. Sinenyasan siya ng tiyahin.


"Halika na iho.." Sabi nito na humawak sa braso niya. Kahit pa marami pa siyang gustong tanungin dito ay tumahimik na lang siya. Kahit pa may namumuong konklusyon sa isip niya ay hindi na niya magawang tanungin ang ama at tiyahin. Pagpasok sa loob ay sinalubong sila ng isang nurse.


"Magandang araw po Mr. Vienos." Bati nito sa ama niya.


"Pwede ba kaming bumisita sakanya ngayon?" Tanong ng ama niya. Ngumiti naman ang nurse sakanila.


"Pwede ho." Sabi nito saka humugot ng hangin. "...Kagabi ho pala nagwala na naman siya, ang mas malala sinasaktan niya na ang sarili niya."


Parang may kung anong bagay na humalukay sa sikmura niya. Nanginginig na kumuyom ang kamao niya.


Huminga ng malalim si Mr. Vienos at binalingan ang anak. "Halika na iho...."


Tahimik na sumunod naman siya sa mga ito. Punong-puno ng katanungan ang isip niya, hindi niya akalain na sa loob ng ilang taon mula nang iwan siya ng ina ay muli niya itong makikita.



'...sinasaktan niya ang sarili niya...'


Nag-init ang sulok ng mata niya.


Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang makita niya ang isang puting pinto sa dulo ng mahabang pasilyo. Habang papalapit sila don ay tumitingin siya sa iba pang pintong nandon. Natigilan siya sa paglalakad nang makita ang isang babae sa isang kwarto. May karga itong batang sanggol na manika.


"Baby.... tulog kana ha? Nagugutom kana ba? Hindi na kita iiwan anak." Paglalaro nito sa manika. Binawi niya ang tingin dito at muling nagpatuloy sa paglalakad. Habang papalapit sila sa pinto na 'yon ay may kung anong bagay na pumipisil sa puso niya.



Binalingan siya ng Tita Claire. "...Are you ready Clifford?" Tanong nito nang tumapat na sila sa tapat ng pinto. Humugot muna siya ng malalim saka tumango.



"G-gusto ko siyang makita." Parang may bikig sa lalamunan niya. Binuksan naman ng nurse ang pinto. Naunang pumasok sa loob ang kanyang ama at tiyahin.



"Iho..." Tawag sakanya ng ama. Dahan-dahan naman siyang humakbang papasok sa loob. Natigilan siya nang makita ang isang babae sa sulok. Yakap nito ang tuhod habang bulong ng bulong. Lumapit dito ang kanyang ama.



"Matilda.... matilda. Nandito ang anak mo."



Bumaling sakanya ang tiyahin."...Lumapit ka sakanya Clifford, baka maka-usap mo siya."



Sandali niyang tinapunan ng tingin ito pagkuwa'y binalik ang tingin sa babaeng nasa sulok. Kalahating mukha nito ang kita niya ngunit natatandaan pa rin niya ang mukhang 'yon.....



'Clifford! Magkakasakit ka niyan sa ulan! Pumasok kana dito!'


Nakangiting bumaling ang bata sa ginang. Buong tamis na nakangiti ito sakanya habang kumakaway.


Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon