Chapter twenty-five

8.2K 162 1
                                    

KINUSOT ni Faith ang ilong pagkuway bumahing ng malakas. Binalot niya sa katawan ang malaking kumot habang panay ang singhot. Napatingin siya sa pinto nang bumukas 'yon.


"Oh... inumin mo muna 'to saka 'tong gamot mo." Sabi ni Clifford habang nilalapag sa munting mesa ang tray. Umupo naman siya sa gilid ng kama saka humigop ng sabaw. Na-stranded sila sa daan kaya kailangan muna nilang himinto pansamantala. Buti na lang at malapit lang ang condo ni Clifford nang abutin sila ng baha sa daan. Narinig pa rin niya ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas.


"Ayoko na." Nakangiting sabi niya kay Clifford. Tumabi naman ito sakanya.


"Oh ito inumin mo na." Inabot nito sakanya ang isang tabletang gamot. Kinuha niya 'yon saka ininom.


"Salamat ha.." Aniya dito. Inipit nito sa likod ng tenga niya ang buhok na tumabing sa mukha niya.



"So, kilala mo nga si Mr. Samson?"


Hindi naman siya umimik.


"Okay lang kahit mo muna sabihin." Nakangiting sabi nito. Tumingin siya sa mata ni Clifford.


"S-siya ang papa ko Clifford." Pag-amin niya dito. Nakita niyang natigilan ito. Binawi niya ang tingin sa binata.


"Siya 'yung taong iniwan kami ng walang dahilan." Mapait na sabi niya. Naramdaman niya ang kamay ni Clifford na humawak sakanya.


"How does it feel?" Anito. "...ngayong nakita mo na uli siya."


Nakangiting tumingin siya kay Clifford.


"Ikaw? Ano bang naramdaman mo noong makita mo uli mama mo?" Balik-tanong niya dito. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito.


"Happy, confused, mix emotion. I don't know what kind of feeling is this." Sabi nito saka tinignan ang buong mukha niya.



"...pero mas nangibabaw ang saya ko dahil sa wakas kasama ko na siya. Parang lahat ng galit ko nawala, pero ang masakit para sakin. Yung makita ko ang sitwasyon niya.." Natawa ito ng mahina. "...at nang malaman ko na hindi pala niya ako anak."



Tumitig siya dito.


"Sino daw ang mga magulang mo?" Tanong niya dito. Umiling lang ito.


"Ayokong malaman kung sino. Siya na ang nakalakihan ko, ayoko ng malaman pa kung sino ang tunay na magulang ko. She's very important to me. Saka sa tingin ko hindi na ako hinahanap ng mga tunay kong magulang."


Tumango-tango naman siya. Pinisil niya ang palad nito. Bumaling ito sakanya saka sinalat ang leeg niya.



"Hindi kana ganon kainit. Naligo kapa kasi sa ulan eh!" Sermon nito sakanya. Ngumiti lang siya dito saka siya sumampa sa kama.


"Matutulog kana?" Tanong nito sakanya. Tumango naman siya saka humiga.



"Bukas mo na ako ihatid tutal malakas pa ang ulan. Diyahe naman sayo." Nakangiting sabi niya dito. Ilang saglit siyang tinitigan nito saka ito tumayo at kinuha ang kumot sa paanan niya. Binalot nito 'yon sa katawan niya.



"Salamat Clifford..." Sambit niya dito. Tumitig ito sakanya, bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi nito. Bahagya siyang kumurap nang bumaba ang labi nito. Napapikit siya nang dumampi 'yon sa noo niya, ilang sandali itong nagtagal doon pagkuwa'y bumaba ang halik na 'yon papunta tungki ng ilong niya. Bahagyang umawang ang labi niya nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa gilid ng labi niya.


Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon