Chapter four

9.9K 251 1
                                    

Si manyak!



"YOU SAID THAT YOU NEED ME!" Sigaw ni maam Criselda habang umiiyak. Tumahimik ang paligid dahil sa sigaw ni Criselda, nakita niyang lumaki ang ngisi nang lalaking 'yon. Sinabit nito sa leeg ang isang necktie na itim na may design na fire skull saka komportableng umupo, hindi niya alam kung anong klaseng upuan 'yon.



"Yeah... my 'friend' need you'" Sabi pa nito, nanliit ang mata niya. Bwisit talaga 'tong hayop na 'to! Sinampal uli ito ni Criselda.



Nakuu! kung ako lang 'yan hindi lang yan ang aabutin niya! Sa sampal ko siguradong kasama balat niya!



"I HATE YOU!! I HATE YOU! FOR MAKING ME BELIEVE THAT YOU LOVE ME! AKALA KO NAGBAGO KANA!" Sigaw ni Criselda. Tumaas ang sulok ng labi nang lalaking 'yon na nauwi sa malakas na tawa.



"Poor woman, i don't know what are you saying? love?" Nakakalokong tumawa ito.




"Oh c'mon babe! don't believe in fairy tales.... i'm a charming player and i love games, pero wag mo 'kong ikumpara sa mga nababasa mo na magbabago dahil lang lang sa isang babae ha? Now, get out of my world and say goodbye to my 'friend' alam ko naman na nag-enjoy ka rin kaya 'yon na lang ang baunin mong ala-ala" Sabi pa nito, umakyat ang dugo sa ulo niya.



"FUCK YOU PLAYBOY!!" sigaw ni Criselda saka tumakbo. Hindi siya nito napansin.




"Guys.... Let's party!" Nakangising sabi nito. Bigla namang pumailanlang ang tugtog. Nakuyom niya palad habang nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo.


"HUMANDA KAAAAAA!!!!" Sigaw niya at saka siya tumakbo papunta sa direksyon nito. Nakita niya ang dahan-dahan nitong paglingon sa direksyon niya, maging ang mga nasa paligid niya pero wala siyang pakialam ang mahalaga sakanya ay lumatay lang kahit isang beses ang palad niya sa pisngi ng lalaking nakaupo na 'yon. Nanlaki ang mata nito nang makita siya.


"What the- - - - -


Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na magsalita, pinulupot niya sa leeg nito ang itim na necktie na nakasabit sa leeg nito kanina pa. Sinakal niya ito.



"Hayop ka! para 'to sa pananakit sa amo ko! wala kang puso! mamatay ka na!" Gigil na sabi niya habang dumidiin ang sa kamay niya.


"L-l-let-m-me g-go..." Hindi makahingang sabi nito habang hawak ang wrist niya. Ganon siguro kapag galit ang isang tao lumalakas. Walang nagawa ang pag-palag nito sa lakas niya. Maya-maya ay naramdaman niya may mga humawak sa balikat niya papalayo dito. Nadala niya pa ang necktie nang mahila siya ng kung sino. Nakita niya ang pamumula ng leeg at mukha ng kaharap niya, umubo-ubo ito habang hawak ang leeg.



"Wala kang puso kang lalaki ka!" Galit na sabi niya dito. Namumula ang mukhang tumingin ito sakanya.




"YOU!" Parang malakas na kulog na pumalibot sa buong lugar na 'yon ang boses nito. Doon siya natauhan. Pag-tayo nito ay dahan-dahan naman siyang tumingala. Madilim ang aura nito kaya napa-atras siya.



Hala! naaalala ko na siya.... siya 'yong lalaking naka-brief!




Unti-unti itong lumapit sakanya parang nakikita niya pa ang itim na ulap sa ulo nito habang papalapit sakanya.




"He-he-he.....j-joke lang 'yon p-pwede naman natin 'tong daanin sa maayos na usapan, h-hindi sa marahas na paspasan diba?" Sabi niya na naka-peace sign pa habang nakatingala dito.



Ano ba 'tong pinasok ko? Nandilim lang naman paningin ko eh...




Unti-unti itong lumapit sakanya. Patindi ng patindi rin ang lakas ng kabog ng dibdib niya.



"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng intrimitida ha?" Galit na sabi nito, bahagya naman siyang yumuko habang nasa baba nakatutok  ang mga mata. Alam niyang hindi ito magdadalawang isip na saktan siya. Ilang sandali siya sa ganong ayos habang napaka-tahimik naman ng paligid niya. But after a while she decide to look up at him while her chin is down... She saw something in his eyes... hindi niya naman alam kung ano 'yon.  Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya sa kung saan.




"O-oh? san tayo pupunta?" Kinakabahang sabi niya. God! mukhang i tsu-tsugi ako nito ha?! Hinawakan naman niya ang braso nito.



"A-ah.... manya- - - este k-kuya, usap tayo 'yong mahinahon. Kumalma ka, kakalma din ako." Nanginginig ang ngiting sabi niya dito.



"Ay!" Tili niya. Bigla kasi siya nitong tinulak, napa-upo siya. Nakita niyang may ginalaw ito sa gilid ilang sandali lang ay napahawak siya sa sahig nang gumalaw at umugong 'yon. Tumingin siya dito.



"Ayokong makita uli 'yang pagmumuka mo dito." Banta nito. Naramdaman naman niya ang pag-angat ng kina-uupuan niya. Hindi niya na naisip na tumayo dahil nanginginig ang tuhod niya. Nakatingin lang ito sakanya habang umaangat siya, paliit na ito ng paliit sa paningin niya. Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa taas. Nangangatog na tumayo siya saka tumakbo.


Ayoko na dito!!


Paglabas niya ng club na 'yon ay naabutan niya pa ang kotse ni Criselda. Naglakas-loob siya na katukin ang salamin ng bintana nito. Nakayuko ito sa manibela.


"Maam Criselda.." Tawag niya. Gulat na nagtaas ito ng tingin saka takot na nilibot 'yong mata.



"Wag po kayong mag-alala ako lang ang sumunod sa inyo, hindi 'to makakaabot kay sir." Senyas niya dito.


Nakahinga naman ito ng maluwag saka binuksan ang pinto ng passenger side.


"Hop in." Sabi nito. Nagmamadali naman siyang umikot sa kabila saka sumakay. Humikbi ito nang makapasok siya, naaawang tinignan naman niya ito.


"Bakit ganon? p-parang walang nagmamahal sakin faith? hindi n-nila ako binibigyan ng oras." Umiiyak na sabi agad nito.



Sabi ko na nga ba eh may problema siya sa kabila ng ugali niya.


"....N-nung maghiwalay sila mama at papa, hindi man lang nila naisip kung may maaapektuhan ba? h-hindi n-nila naisip kung anong mararamdaman ko." Umiiyak na pag-amin nito.



Gumapang ang awa sa puso niya. Ganon din kasi ang naisip niya nang iwan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae. Pero pinilit niya na lang na maintindihan ang sitwasyon. Hinawakan niya ang kamay ni Criselda.


"Maam ganon po siguro talaga, na kahit anong pilit nating manatili satin ang taong mahalaga satin, kung hindi naman matibay ang hawak nila satin may time talaga na bibitaw sila. All we have to do is to accept at pahalagahan ang natitira pa.." Sabi niya dito.


Well, base on my experience....


"Like Clifford?" Tanong nito. Napaismid siya ng maalala niya ang manyak na 'yon.


"You know what. Siya 'yong nagparamdam sakin na mahalaga ako. I thought from being a  playboy, magiging goodboy siya dahil sakin." Saka nito saka ngumiti.



"....You know, like fairy tales." Natatawang sabi pa nito habang tumutulo ang luha. Tumingin ito sa labas ng bintana. Humarap naman ito sakanya saka ngumiti.


"I'm going back to Tokyo sasama na lang ako kay papa, Faith thank you kahit bitch ako sayo." Nakangiting sabi nito. Ngumiti naman ako.



"Okay lang 'yon maam." Sabi niya pa.


"Sa halos tatlong taon na pakikipagrelasyon ko kay Clifford, hindi ko alam na sa ganito mauuwi ang lahat." Mapait na sabi nito. Hinawakan nito ang kamay niya.


"Faith pwede ba 'kong humiling sayo?"


Kahit nagtataka ay tumango siya.


"Please make Clifford fall inlove with you." Sabi nito, nakangiting tumango siya.


"Sige yun lang pal- - - - - -Ha?!"

Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon