Chapter twenty-two

7.5K 158 0
                                    

"BLOD! Wo ist red mantel!"


Nakayukong kinuha ni Matilda ang makapal na mantel na tinapon ng amo sa sahig saka yumuko.


"I'm sorry maam.."


"Geh raus!" Sigaw nito, mabilis siyang umalis sa kwarto nito. Tinahak niya ang mahabang pasilyo na may pulang carpet. Napapaligiran siya ng kulay gintong mga dingding, antique na mga kagamitan at naglalakihang kurtina. Ngunit ang ka-elegantihan ng lugar ay hindi niya alintana dahil sa galit. Naalala niya ang mga magulang na naiwan sa pilipinas pati na ang lalaking mahal.

"Kung hindi lang ako pinipilit nila mama ikasal sa iba Guiller mahal ko, hindi sana ito ang buhay ko. Magkasama sana tayo.." Bulong niya, pinili niyang talikuran ang lahat ng karangyaan sa pilipinas para matakasan ang lalaking napipisil na ikasal sakanya. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito pala ang buhay niya sa ibang bansa bugbog dito at kung minsan ay kinukulong pa siya dahil sa mga maling ginagawa lalo't wala naman siyang alam sa pagta-trabaho.

"Matilda halika nga dito.."

Pumasok siya sa nadaanan niyang kwarto nang makita siya ng kapwa pilipinang katiwala ng malaking mansion. Karga nito ang senyorito.

"Napagalitan ka na naman no?" Sabi nito, napayuko lamang siya.

"Sige at kargahin mo muna 'to si senyorito. Kukunin ko lang ang mga gamit ni Gnadige Frau." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang amo nila. Binitawan niya ang hawak na mantel at dahan-dahang kinuha ang bata mula sa bisig nito. Nang umalis na ang mayordoma ay napatitig siya sa batang nasa bisig. Natigilan siya ng may pumasok sa isip niya... hindi niya na kayang magtagal sa lugar na 'to.


Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. Hinaplos niya ang mala-mais na buhok ng bata na suot ang marangyang kasuotan. Inosente ang ngiti nito habang pinilipit na inaabot ang mukha niya.

"Akin ka na lang senyorito Clifford ha? Kakailanganin kita..."

----------------*****

"NAHIHIBANG ka na ba Matilda?!"


Hindi pinakinggan ng babae ang sigaw ng ama. Tumayo ito mula sa silya habang karga ang sanggol.


"Totoo ang sinasabi ko papa... Anak namin ni Guiller ang batang 'to." Umiiyak na sabi nito saka lumapit sa ama.


"Kaya pakiusap.... siya ang ipakasal mo sakin."


Tumaas ang kamay ng Don at tumama 'yon sa pisngi nito, buti na lamang at hawak niya ng maigi ang sanggol kung hindi ay nabitawan niya na ito. Hawak ang pisnging lumingon siya sa ama.


"Irrespetuoso! Alam kong sa ibang lalaki galing ang batang yan! sabihin mo ang totoo Matilda kung sino ang tunay niyang ama!" Halos maputol na ang litid ng Don sa sigaw.

"Mahal tama na 'yan..." Pumagitna sakanila ang kanyang ina. Matalim ang mata na tumingin siya sa ama.


"Si Guiller ang ama ng batang 'to bakit ba ayaw niyong maniwala!" Sigaw niya, biglang umiyak ang sanggol na hawak niya.


"Huwag mong sirain ang lalaking 'yon anak.... matagal ng kasal si Guiller. Simula nang maglayas ka pina-imbestigahan namin ang lalaking 'yon dahil ang hinala namin ay doon ka sumama." Sabat ni Donya Juinata. Bumakas sa mukha ni Matilda ang labis na pagkagulat.



Dark Society 3- Clifford Buchebber (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon