🐯Chapter 11

48 2 0
                                    

Nang matapos ang class namin ni Fay ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

“Bye, Keira! See you tomorrow!”

I nodded and smiled at her. “Bye, Fay. Take care.”

Kahit nung senior high lang kami nagkakilala ni Fay, magaan na ang loob ko sa kanya. Kahit na minsan ay mataray, maldita at nakakainis siya, masaya ako dahil nagpapakatotoo lang siya. Minsan prangka pero may limitation yung salitang binibitawan niya. Minsan nakakatawa at minsan nakakaasar ang pagiging madaldal niya pero hindi ko alam kung bakit napapalagpas ko iyon.

Siguro dahil deep inside, masaya kaming pareho sa ugali ng isa't isa. Tanggap namin ang personality ng bawat isa at alam namin kung hanggang saan lang kami mangingielam sa buhay ng isa't isa.

At higit sa lahat, hindi ako nakakaramdam ng mabigat na responsibilidad sa pagkakaibigan namin. Tulad ng hindi lahat ng tungkol sa akin ay dapat kong ipaalam sa kanya para lang makilala niya ako dahil kahit hindi niya totally alam, naiintindihan niya ako.

At hindi kailangang laging magkasama para maging mas close kami dahil kahit magkalayo kami ay naroon ang tiwala namin sa isa't isa. We never expect to much from each other, we just know how to be a good friend for each other.

I can say that I'm blessed to have a friend like her.

“Ma'am Keira, andito na po tayo.” Sabi ng tiga-hatid at sundo ko sa school.

“Thanks, Kuya Greg.”

Nakarating na pala kami sa Torres Mansion ng di ko namamalayan.

Pagkapasok sa malaking bahay ay nagmadali na akong pumanhik sa second floor at dumiretso na sa kwarto.

Kung tutuusin ay parang isang condo unit ang sinasabi kong kwarto. Pagpasok ay may living room, kitchen, dining, bathroom, and just one bedroom.

After I locked the door, umupo muna ako sa sofa para magpahinga.

“Wake up, Keira.”

Pagmulat ko ay nakita ko ang taong gumising sa akin.

I cleared my throat before greeting him, “Tiger.”

Ngumiti siya at marahang dinampian ng halik ang sentido ko na nakagawian niyang gawin bilang pagbati sa akin.

“Why did you sleep here? Doon ka na lang sana sa bed.” He asked in a gentle voice.

Tumayo ako para kumuha ng maiinom sa mini fridge. “Nakaidlip lang ako pagkauwi.”

Lumapit si Tiger at kumuha rin ng drinks and then he asked, “How's your day?”

“Fine. Just fine.”

“Okay. And how about your time with your friends?”

I sighed. “I did have a good time with Fay as usual.”

“What about with the other three?”

I sighed again. “Why do you have to ask that?”

“I'm sorry. I just wanted to know how they treat you.”

I sighed again. “They are nice. They treat me well.”

“Okay.”

May kumatok sa pinto.

“Yes?” Tiger answered.

“Sir Tiger, iniintay na po kayo ni Sir Harold para sa dinner niyo.” Sabi ng maid.

“We're going down.” Sagot ni Tiger.

Sa tuwing magdidinner kami sa mansion ay nababalisa ako. Alam iyon ni Tiger kaya napatingin siya sakin.

“Don't worry, Keira. I'm here and I'll always keep you safe.”

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon