🐯Chapter 41

31 2 0
                                    

“Keira, gusto mong subukan ulit yung wake boarding?” Tanong ni Hannah sakin.

Hanggang bukas na lang kami dito sa rest house nina Fay kaya sinusulit namin ang bawat oras na natitira.

“Oo sana, hindi ko pa kasi nagagawang makalayo man lang kahit five meters.” Nakangiting sagot ko.

Marunong mag-wake board sina Hannah, Fay, at Marco.

Sina Sky, Tiger at ako ay kanina lang naturuan pero yung dalawang kasabay ko ay madaling natuto.

“Normal lang yan, matututo ka rin kapag lagi kang nagpa-practice.”

“Thanks, Hannah. Wait, hindi mo ba tatanggalin yang necklace mo?” tukoy ko sa necklace na bigay sa kanya ng Mommy niya.

Naikuwento niya samin ni Fay na pamana pa daw iyon dahil ang talagang owner ay ang great, great grandmother niya.

Nakangiti siyang umiling. “Hindi na. I told you girls na lucky charm ko 'to ever since na ibigay ni Mommy sakin.”


“Hannah, you know what to do. Keira, just relax and remember to put the pressure on your feet. Make sure straight ang arms mo para maayos ang pagkakahila sayo.” Paalala ni Sir Charles.

Nasa gilid na kami ng lake. Sina Fay at yung tatlong lalaki ay bumalik sa rest house para kunin yung gagamitin naming banana boat mamaya.

Naka-ready na kami ni Hannah. Nakasuot na kami ng life vest, safety helmet at nasa board na kami.

Nakakatuwa na may ganitong activity dito. Nagpalagay ang family ni Fay ng steels, wires and cables para magamit sa wake boarding. Ang nagcocontrol ng pulley ay si Sir Charles para sakto ang timing ng pagkakahila.

Nauna ako. Nang binigay na ni Sir Charles sakin ang signal, humawak ako ng mahigpit sa tali na hihila sakin.

Kahit nakakangalay sa braso, hindi ako bumitaw.

And for the first time, nakarating ako sa limit ng wake boarding area.

Sobrang saya ko at maging si Hannah na nasa pampang ay nakangiting napapalakpak sakin.

Nag-thumbs up naman sakin si Sir Charles.

This is my best moment today and I won't forget this! I'm so happy!

Hihintayin ko na lang si Hannah na makarating dito sa floating hut na nasa limit ng wake boarding area dahil sabay kaming magpa-paddle boat pabalik sa pampang.

Nagsimula nang hilahin si Hannah. Hanga ako sakanya dahil isang kamay lang ang nakahawak sa tali. Nang makalayo ay nilipat niya sa isang kamay ang tali.

Nang ililipat niyang muli sa isang kamay, nakita kong nasabit sa kamay niya yung necklace at dahil sa pwersa ay napigtal iyon.

Naramdaman iyon ni Hannah kaya agad siyang bumitaw sa tali.

Hindi siya makasisid dahil sa vest kaya't di na ako nagdalawang isip na hubarin ang suot kong vest at nag-dive ako sa lake.

Nang makalangoy ako malapit sa kanya ay mas sumisid ako. Iginala ko ang paningin sa malinaw na tubig para hanapin ang necklace.

Nakita ko ito na tila umiikot pa habang papunta sa ilalim ng tubig kaya hinabol ko ito at binilisan ang paglangoy.

Nang makuha ko ay inilagay ko agad sa loob ng bulsa ng rash guard ko at z-in-ipper ko iyon.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon