🐯Chapter 38

28 2 0
                                    

“Uhm, what about you, Keira? Where do you plan to spend your semestral break?”

Lunch time at magkakasabay ulit kaming anim. Although hindi kami masiyadong nag-uusap ni Tiger dahil hindi ko pa rin siya matignan ng diretso sa mata.

Nahihiya ako na kinakabahan na ewan.

“I don't have plans yet.” mahinang sagot ko kay Hannah.

“I see. What about you, Tiger?” tanong naman ni Hannah kay Tiger habang patuloy lang ako sa pagkain ng lunch ko.

“I still don't know.” Seryosong sagot nito.

Ang alam ko mas makakavisit na siya twice sa mommy niya kahit pa madalas na nagagalit ito sa kanya. But only I know about this. No one in the school knows about his mom's condition.

“So all of us don't have plans pala, eh.” Hannah said.

“I know! Why don't you guys spend a week in our rest house? I'm officially inviting all of you.” Masaya at excited na sabi ni Fay.

I've never been in their rest house pero ilang beses na niya akong in-invite before.

Halos lahat ay sumang-ayon except me and Tiger.

“Keira? Marami na tayo, oh. Baka pwede ka ng pumunta doon sa amin? I really want you to come. I always promise you na safe doon pero mas magiging safe ka dahil makakasama mo kami. And if sumama din si Tiger, triple safe na.”

“Uhm, ano naman kinalaman ng safety natin kapag kasama si Tiger?” naguguluhang tanong ko.

“Duh! I'm talking about your safety. Basta nandiyan si Tiger, di ka pababayaan.”

Inirapan ko siya at umiling. “Then I think I can't go with you.”

“Ugh! Keira ang killjoy mo pa rin.” inis na sabi ni Fay at saka humarap kay Tiger. “Tiger? Sama ka na samin. It will be fun.”

“As much as I want to go with you, if Keira's not there, I won't go.” Diretso at confident na sabi ni Tiger.

“Oh my gosh! Did you just imply that you're interested with Keira?” pigil ang kilig na tanong ni Fay.

Hindi ko man nakita pero ramdam ko ang pag ngiti ni Tiger bago sumagot. “Yes. That and the fact that I more than like her.”

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.

Talagang diretsahan ang mga tanong at sagot nila, ah?

At talagang in-announce niya ang nararamdaman niya, ah?

Napatingin sakin si Tiger at saka lumawak ang ngiti niya.

Naging kakaiba na naman ang kabog ng puso ko dahil sa ngiting iyon.

“Oh, gosh! Oh, gosh! For real, Tiger Torres?!”

Natawa si Tiger. He really has a genuine laughter this time. “Yes. Actually, she knows it.”

“What?!” sabay pang tanong nina Fay and Hannah. Sina Marco and Sky nangingiti lang.

Habang ako naman ay hindi na nakapagpigil at tinignan ng masama si Tiger. “Tiger, enough of this joke. Please.”

“Ano ka ba naman, Keira! Please lang din, ano? 'Wag mong pigilan si Tiger sa nararamdaman niya sayo. Saksi ako sa mga past admirers mo pero si Tiger lang talaga ang namumukod tanging admirer na binigyang pansin mo ng ganito.”

*****

Vote. Comment. Share.

Thank you. 😘

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon