🐯 Chapter 55

22 1 0
                                    

Lunch time sa school at magkakasama ulit kaming anim.

Katabi ko si Tiger and as usual, tahimik lang siya at nagsasalita lang kapag may kumakausap.

Nang makita kong patapos na siya ay inabot ko ang binili ko. “Tiger, here. I bought this for you. It's your favorite.” Sa tinagal-tagal kasi naming magkakilala, siya lagi ang may binibigay sakin, ang tumutulong sakin at nagpapakalma sakin. Gusto kong bumawi kahit sa simpleng pagbili lang ng bagay na ito.

Nagulat pa si Tiger at bahagyang namula nang makita ang binibigay kong isang box ng chocolate chip cookies. “Hey, you don't have to.”

I smiled at him. “Remember last time binigyan mo rin ako nung favorite food ko? Tumanggi ba ako?”

Mukhang naalala naman niya yung time na yun base sa expression ng mukha niya. “Keira, hindi naman ako humihingi ng kapalit non. I gave it to you because I want to.”

Sumimangot ako because I am slightly hurt. Akala ba niya na-obliga lang akong gawin 'to? “Hindi ko naman pinapalitan yun, eh. I was trying to say na tanggapin mo na rin itong binibigay ko ng walang sabi-sabi. I'm also giving this to you because I want to.”

Mas namula ang mukha ni Tiger habang palipat-lipat ang tingin niya sakin at sa bigay ko.

Ayaw na ba niya nito? Alam kong favorite niya 'to. Binili ko kanina doon pa mismo sa bakeshop na sinabi niyang madalas nilang puntahan ng mommy niya noon. May bago na ba siyang paboritong pagkain? Yun ba yung binigay ni Gigi sa kanya?

“Awww may kasweetan naman pala sa katawan itong kaibigan nating si Keira, eh.”

Pang-aasar ni Fay kaya inirapan ko lang siya at muling tumingin kay Tiger. Hindi ko pinansin ang mga nakatitig na mata ng mga kaibigan namin. “Ayaw mo ba?”

Hindi siya sumagot at naisip kong baka ayaw lang niya akong mapahiya sa harap ng friends namin. Akma kong babawiin ang cookies nang pigilan niya ako.

“I-I like this. You know it's still my favorite. Thank you. When did you buy this?”

Napangiti ako dahil paborito pa rin pala niya iyon. “Kanina ko nabili yan. Maaga akong natapos sa test, then nagpaalam ako sa prof namin.”

“Ah, kaya pala parang nagmamadali kang magsagot sa test. Akala ko pa naman may problema ka sa tiyan at kinakailangan mong mag CR. You know, LBM.”

“Shut up, Fay.” Sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya.

“Gosh! Bumalik na naman yang sindak sa mata mo! Kalma, Keira, okay?” Maarteng sabi nito bago bumaling kay Tiger na kumakain na ng cookies. “Hey, Tiger, patikim nga niyang choco chip cookies na yan.”

Maang na napatitig ako kay Fay. “Kay Tiger yan.”

Umirap siya. “Duh! I know binigay mo sa kanya kaya sakanya ako humihingi. Damot mo eh, no?” At walang sabi-sabing kumuha ng isang cookie.

“Wow! Ang sarap naman nito! Another one, please!”

“Tama na.” Mabilis kong niligpit ang box at inabot kay Tiger.

“Gosh! Ang damot mo, Keira!”

“Ngayon lang. Next time, ituturo ko na lang kung saan nakakabili.”

“Fine!”



*****

Please vote and comment.

Thank you😘

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon