🐯Chapter 07

53 3 0
                                    

“Keira may practice game ulit sina Marco mamaya. Same time. Nood tayo, ah?”

Naisip kong wala naman akong gagawin mamaya.“Sure.”

Lunch time na at nalaman ko na lang kay Fay na makakasama namin si Hannah. At nang magkita kami ni Hannah, nalaman ko na makakasama rin pala namin sina Marco at Sky.

Imposibleng si Hannah ang mag-invite dahil medyo mahiyain siya. Kaya napatingin ako kay Fay na umiwas ng tingin sa akin. Inirapan ko siya.

Pagkarating ng dalawang lalaki ay napagpasiyahang sa isang malapit na resto na lang kumain. Treat na rin daw nila.

Magkakatabi kaming mga babae at ako ang nasa gitna. Ang dalawang lalaki naman ang magkatabi sa tapat namin.

“So, sure na yung sa party, ah?” Tanong ni Fay kay Marco.

“Yeah. I'll pick you up around six o'clock.” Nakangiting sabi ni Marco.

“Great.”

Napangiti ako sa kanila.

“How about you, Hannah? Do you have a date on the party?” Agaw pansin na tanong ni Sky kay Hannah.

Napangiti din ako sa kanila.

Namula ang mukha ni Hannah at napatingin siya sa akin, kay Fay, kay Marco, then lastly kay Sky na nagtanong sa kanya. “Uhm, no one has asked me, yet.” Mahinang sagot ni Hannah.

“Then, will you be my date, Hannah?”

“Gosh! I thought si Keira ang yayayain mo, Sky?” Supladang sabi ni Fay.

Inirapan ko siya. “Fay, shut up.”

Pinandilatan ako ni Fay bago tumingin kay Hannah. “I didn't mean to offend you, Hannah. But yun talaga yung akala ko dahil nung nakaraang araw lang nakipagkilala itong si Sky kay Keira.”

Napansin kong medyo namula si Sky.

Gusto kong sabunutan ang madaldal na si Fay sa oras na 'to eh.

“I did ask Keira but she didn't accept it.” Mahinang sagot ni Sky.

“What?!” gulat na tanong ni Fay.

Pinandilatan ko ng mata si Fay. “Yes, he did ask me. I didn't accept because I have my own reason. And besides, Sky and I are okay after that, right Sky?” ngumiti ako kay Sky.

“Right. We're okay.” Ngumiti rin sa akin si Sky.

Humarap ako kay Hannah. “Hannah, don't overthink anything you've heard lalo pa at sa madaldal na bibig ni Fay mo yun narinig.” Seryosong sabi ko.

Nagulat ako ng bahagyang natawa si Hannah. “I know she's madaldal and I'm not really offended.” Ngumiti siya kay Fay at pagkatapos ay muling tumingin kay Sky. “Sky? Yes, I will be your date. Thanks for asking me.”

“Gosh! I'm happy for you, Hannah. I mean it. Kung sana ay ganyan din si Keira eh di lahat tayo may ka-date.”

“I repeat, shut up, Fay.” Sabi ko at saka inirapan siya na ikinatawa nina Marco, Sky and Hannah.

“Pero bakit nga ba wala kang inaccept na date, Keira? Curious lang talaga ako.” Tanong ni Fay.

“Curious daw, usisera ka lang talaga.” Nakaismid na sabi ko.

“Ah, basta! Bakit nga? Make sure your reason is valid.”

Bumuntong-hininga ako. “Hindi kasi ako pupunta sa party.”

“Sus! If I know gusto mo lang na si Giant yung ka-date mo.”

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon