🐯Chapter 08

52 3 0
                                    

Nakita kong kumunot ang mga noo nina Marco, Sky at Hannah sa sinabi ni Fay.

“Who's Giant?” Si Hannah ang nagtanong.

“The one and only Tiger Torres.” Napaka-atribida talaga nitong si Fay.

“Oh, si Tiger. Do you like him, Keira?” Diretsong tanong ni Marco sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. “Tinutukso lang ako ni Fay sa kanya.”

“Hmp! Ilang beses ko kasi nakita si Tiger na grabe makatitig kay Keira. Itong si Keira naman, sa dami ng mga sumusulyap sa kanya, kay Tiger lang siya napapatingin. Di ba nakaka-intriga pag ganon?”

“Mabait naman si Tiger, Fay.” Medyo nagulat ako ng sabihin iyon ni Hannah.

“Uh, I don't judge Tiger, okay? Ang alam ko lang is yung reputation niya dito sa university. That he's either bad or good. Paano mo nasabi na mabait siya, Hannah?”

“Uhm, one time na napadaan ako sa likod ng main building, nakita kong may bullies na sinasaktan yung classmate kong lalaki. Tahimik at mabait yung classmate kong iyon. And then, biglang dumating si Tiger at binigyan niya ng tig-iisang suntok yung mga bullies. Then kinausap niya yung mga iyon. Simula noon nag-stop na silang mambully.”

“He's good. He always chooses what's best in any given situation.” Sabi ni Marco.

“Do you personally know him too, Marco?” tanong ni Fay.

“Classmate ko siya nung highschool. Ganyan siya even before. He always try to protect those who can't protect themselves.”

“I see. At least may good side pala si Giant.” tatango-tangong sabi ni Fay.

“Why do you call him Giant?” natatawang tanong ni Sky.

“Not me, okay? Only Fay calls him that.” Depensa ko. Hindi ako yung tipo na nagbibigay bansag sa mga tao.

“Napaka-defensive mo ano?” nang-aasar na sabi ni Fay.

“Whatever.”

“Hmp! Anyway, he's Giant because ang laki ng katawan niya na parang pwede na siyang irecruit ng askals.”

“Anong askals? Baka Azkals?” natatawang sabi ni Marco sa kanya.

“Pareho lang yun!” Pikon si Fay kaya nagtawanan na lang kami.

That afternoon ay nanood ulit kami ng practice game. Full of energy ang mga players.

Sa kalagitnaan ng laro, nang ipapasa ng isang player ang bola sa kasama niya ay hindi ito nasalo kaya't ang bola ay dumiretso sa labas ng court. Tatama ito sa watchers at ako ang manonood na iyon.

Dinig ko ang tili nina Hannah at Fay na nasa magkabilang side ko. Napapikit ako dahil alam kong tatamaan ako.

Ngunit walang tumama.

Nang dumilat ako ay tumambad sakin ang malapad na likod ng isang lalaki.

Hinagis ng lalaki ang bola pabalik sa court. Doon ko lang nalaman na nasalo pala niya iyon.

“Gosh! Muntik ka na dun, Keira! Okay ka lang ba?” tanong ni Fay.

Tumango ako sa kanya.

“Thank you.” Mahinang sabi ko sa lalaki at saka ako nagpakawala ng hangin sa bibig ko.

Nanatiling nakatalikod ang lalaki.

“Ehem. Excuse me? Thank you daw sabi ng friend ko.” Sabi ni Fay habang kinakalabit yung lalaki.

Slowly, humarap ang nagprotekta sa akin.

And the next thing is, magkatitigan kami ni Tiger Torres.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon