🐯Chapter 16

35 3 0
                                    

FLASHBACK(PART2)

"What?!" gulat na tanong ko.

Bago pa man sumagot si Tiger ay nakarinig na kami ng paparating na yabag.

Agad tumalikod si Tiger at naglakad pabalik sa pinanggalingan nito.

"Ms. Valdez?"

"Yes, attorney?"

"Please follow me." Sumunod ako pagkatalikod nito.

Nang makarating kami sa dulong silid sa third floor ng mansion ay kumatok na ang kasama kong abogado. "Mr. Torres, Ms. Valdez is here."

"Come in." Sagot ng isang baritonong boses sa loob ng silid.

Pagkapasok sa silid ay sumalubong kaagad ang isang matangkad na lalaki, maputi, at tingin ko ay nasa fortys na ang edad.

Sandali lang siyang napatingin sakin bago kinausap ang abogado niya.

"Atty. Zulueta, I forgot my documents sa office. Yung kailangan nating idiscuss mamaya? Can you get it now while I talk to Keira about the contract?"

"Yes, Mr. Torres." Walang pag-aalinlangan sagot ni Atty. Zulueta at saka umalis ng hindi man lang tumingin sakin bilang pagpapaalam.

Pagkasara ng pinto ay siyang pagkausap sa akin ng lalaking tinawag na Mr. Torres.

"Please have a seat, my dear."

"Excuse me?"

"Oh, I'm sorry for being rude. I'm Harold Torres. The major investor of your parents' business. And your acting guardian as of now. I'm pleased to finally meet you in person, Keira."

Keira ng Keira, hindi ko naman siya lubos na kilala.

Gusto kong umirap pero baka ihold niya ang pera ko at baka hindi niya na ko bigyan ng allowance.

"Nice to meet you, Sir Harold Torres."

Nakita ko ang bahagyang pagngiwi niya.

"Well anyway," sabi nito at tumingin sa kanyang relo, "ididiscuss ko sayo ang tungkol sa contract na ginawa ng parents mo last year. Bukod sa investment ko ay may malaki pa silang utang sakin."

Nagulat ako. "For real?"

Nanlisik ang mga mata nito, "Yes and I need the payment. Now. Walang bisa ang will and testament dahil ang contract na ginawa mismo ng parents mo ang pinanghahawakan ko para makasigurong mababayaran ako."

"I don't really understand what you're saying." Naguguluhang tanong ko.

Nakita ko ang nakakakilabot ng pagngisi niya.

"Nakalagay sa contract na ikaw, Keira Valdez, ang nag-iisang anak nina Kevin at Aira Valdez, ang magiging kabayaran ng utang kapag hindi nakabayad ang parents mo sa pinag-usapang oras ng pagbabayad."

"A-Ano pong sinasabi niyong ako ang kabayaran?"

"You have to marry me-"

"What?! No way!"

Nagsalubong ang kilay nito pero nakangisi pa rin siya. "You have to marry me para hindi bumagsak ang negosyong iniwan ng magulang mo. I'm the major investor but hindi ko mapapatakbo ang business if limited lang yung access ko sa accounts niyo. If we get married, may rights ako na ma-access iyon and at the same time mapapatakbo ko ng maayos ang negosyo para mapalago ang investments ko at para makuha ang inutang ng parents mo."

I still don't get it. It's unfair!

We're married, tapos makukuha naman pala niya yung pinautang niya, and he'll manage our business?

Menor de edad ako at alam kong hindi ako ipapahamak ng parents ko.

"Please show me the contract."

*****
Author's note:

I made two updates for today. Can I get a vote or comment for that? Thank you. 😉😊

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon