🐯 Chapter 48

24 1 0
                                    

“I would never take any food or anything from that girl anymore.” Tiger annoyingly said and I just can't help but to smile secretly.

Sinamahan ko kanina si Tiger sa clinic at doon ay nabigyan kaagad siya ng gamot para hindi na lumala pa yung allergy niya.

“I'm sorry hindi ko nalasahan kaagad. Good thing nandoon si Hannah and she tasted the hazelnuts.”

Naglalakad na kami papunta sa parking. Sabay na kaming uuwi since same time rin ang tapos ng classes namin ngayong araw.

“Keira, it's not your fault, okay? At least may nangyaring maganda.” Nakangiting sabi niya.

“Ano naman? Yung pantal mo?”

“No. I get to be with you.”

Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya na ikinatawa naman niya.

Nang makauwi sa bahay ay naabutan namin si Uncle Harold.

“Oh! Buti nandito na ang paborito kong pamangkin at ang magandang wife niya.” Masiglang bati nito.

“Uncle, ako lang naman ang pamangkin mo, who else?” Seryosong tanong ni Tiger.

“Of course ikaw lang! Kaya nga paborito kita!” Natatawang sabi nito.

Gusto kong umirap dahil ang plastik ng salubong sa amin ni uncle pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Anyway, one month akong hindi makakauwi dito sa mansyon. I will be hunting some wild animals somewhere in Africa.”

“Okay, uncle.” Magkasabay na sagot namin ni Tiger.

“And before I leave, I want to give these tickets to both of you.”

Inabot niya sa amin ang mga tickets.

“Ang dami naman po yata nito, Uncle Harold?” Gulat na tanong ko nang makita ang labindalawang piraso ng magkakaibang tickets.

Natawa si uncle. “Dapat nga last semestral break niyo iyan naibigay but kahapon lang naasikaso ng secretary ko. Yung walong tickets diyan ay mga tickets ng mga magpeperform na international artists dito. At yung apat diyan ay plane tickets. Domestic flights iyan at kayo na ang bahala kung saan kayo pupunta ni Tiger. Weekend lahat ng schedule niyan dahil alam kong yun ang free days niyo.”

Anong nangyari kay uncle at ang galante naman yata niya ngayon?

Napatingin ako kay Tiger at maging siya ay parang nagugulat din kay uncle.

“Para saan 'to, uncle?” Nakakunot ang noo ni Tiger.

Natawa na naman si uncle. Ang saya-saya niya lang.

“Para iyan sa bonding niyong mag-asawa, okay? Just enjoy my gifts because I'm going to enjoy my hunting game.”

Pagkasabi niya noon ay pumunta na siya sa room niya.

Nang makapasok naman kami ni Tiger sa room namin ay hindi pa rin kami makapaniwala. Sabay pa kaming naupo sa sofa.

“What did just happen? Bakit siya ganun? Any idea, Tiger?” tanong ko habang ipinapaypay ko ang mga tickets sa sarili ko.

“I honestly don't know but I have a feeling that I'd better be more cautious. Sana ikaw din. Always be careful, Keira.”

“Yes, I really have to be more careful. Mas kilala mo si Uncle Harold so I believe what you are feeling about his intentions.”

He playfully smiled at me. “And I hope that you would also believe my feelings for you.”



*****
Next update tomorrow!
Vote.
Comment.
Share.
Thanks!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon