🐯Chapter 32

35 4 0
                                    

Hindi ko inaasahan na matatawa ako dahil sa sinabi ni Tiger.

“So ibig sabihin dahil sa sofa na yon kaya ka laging masungit?” Bahagyang nabawasan ang pagkairita ko pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

“Well, what I just said was meant only for you.” Seryosong depensa niya.

“Oh, come on, Tiger. Between you and me, mas kilala kang masungit ng ibang tao.”

“Tahimik lang ako but I'm not that masungit. Now enough of this, pumasok na tayo sa school.”

Natawa ako dahil nag change topic na naman siya para tumakas sa usapan namin.

“See, Tiger? Natural na sayo ang pagiging masungit.” Napapailing na sabi ko.

Nagmadali akong maligo at nag-ayos para makahabol sa second class. Paglabas ko ng bedroom ay bumungad sakin si Tiger. Nagulat pa ako dahil akala ko ay nauna na siyang pumasok.

“Why are you still here?” I asked.

“Sabay na tayong pumasok.”

“Thanks but huwag na. Kay Kuya Greg na lang ako magpapahatid.”

“I already waited for you. And besides mas mabilis ang biyahe kung nakamotor ka.”

Bakit ba tama lagi ang point niya?

“Okay. Bilisan na natin. But wait, kaya mo na ba magmotor?” Nag-aalalang tanong ko.

“Of course. Magaling yata ang nag-alaga sakin kahapon.” Kumindat siya pagkasabi niyon.

Nabigla ako pero hindi ko pinahalata so I just roll my eyes at him.

“Wife, huwag kang magpacute diyan.”

“What?” Anong pinagsasabi niya?

“Don't roll your eyes.”

Hindi ko napigilang matawa. “Umirap lang ako sayo, Tiger. Hindi iyon pagpapacute. Unless you find it cute when I roll my eyes.” Panunukso ko.

Natahimik siya at saka niyaya na akong lumabas ng room.

Hanggang sa makasakay kami sa motor ay tahimik pa rin siya kaya nakaisip ako ng paraan para tuksuhin siya.

“Be careful when you drive, husband.” Pigil ang ngiti na sabi ko.

Parang nanigas naman si Tiger.

“W-What did you say?” Nabubulol na sabi niya kaya natawa na ako.

“Hey, Keira, stop teasing me.” Seryosong sabi niya.

“Husband.” Pag-uulit ko.

“Please, stop it, Keira.” May bahid ng inis ang boses niya pero I'm not totally sure.

“Hus-”

“Enough!” Halos pasigaw na sabi niya.

“Ang daya mo. Ngayon ka na nga lang biniro, eh.”

What's happening to me? Bakit parang bata ako na nagtampo kaagad?

“Please, hold on tight, Keira.” Malamig ang boses na sabi niya at saka pinaharurot ng mabilis ang motor.

Nakaramdam ako ng kalungkutan at tila mas bumigat pa ang pakiramdam ko.

Nang makarating sa school ay tahimik akong bumaba sa motor. Nanghihinang nagpasalamat kay Tiger nang di tumitingin sa mata niya. At saka nakayukong naglakad papunta sa class ko.

“Hi, Keira.”

Tumingin ako sa bumati sakin. “Hey, Marco.”

“Hinatid ka pala ni Tiger?”

Hindi ako nakatingin sa kanya pero tumango ako.

Nagalit si Tiger sa biro ko. Ang daya niya. Kapag siya nagbibiro sakin, hindi naman ako nagagalit.

Nakaramdam ako ng panlalabo ng paningin at kaunting hilo.

“Are you okay?”

Tumango ulit ako ngunit mas nahilo ako.

At ang sunod na nakita ko ay ang sahig na malapit na sa mukha ko.

***
Vote. Comment. Share. 😘

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon