🐯 Chapter 52

22 1 0
                                    

“Gosh! Hahahahaha! Kaya pala siya parang batang nagtemper tantrum kanina sa parking area! Hahahahaha!”

Ito na yata ang pinakamalakas na halakhak na narinig ko sa buong buhay ko.

Kinuwento ko kay Fay ang dahilan kung bakit biglang tumili si Gigi kanina habang nagpapadyak ng paa at pulang-pula ang mukha sa harap namin ni Tiger.

Hindi niya kasi matanggap yung sagot ni Tiger.

Iniwan na lang namin siya ni Tiger doon at pumasok na kami sa school.

Ang naabutan lang kasi ni Fay ay yung pagkapahiya ni Gigi.

“Fay, tama na nga. Baka pumasok na dito yung friendly girls.”

“Hahahahaha! Isa pa yan! Gosh! Ang friendly nga nila, sa sobrang friendly ang daming nakakaaway! Hahahahaha!”

“Enough, Fay!” mahinang saway ko dahil namataan ko na sina Gigi at Rea sa hallway at papasok na sa classroom.

“Okay, shut up na is me! Ang ganda kasi ng kinuwento mo, Keira. Making me wish na sana nandoon ako kanina sa parking area para mas makita ang pagsupalpal mo kay pabibe este pabebe girl! Hahahahaha!”

Napabuntong-hininga na lang ako dahil nang tumawa si Fay ay nakapasok na sa loob ng room sina Gigi at Rea.

Awtomatiko silang napatingin sa gawi namin ni Fay.

Nandidilat ang mga mata ni Rea kay Fay at nanlilisik naman ang mga mata ni Gigi sakin.

Hindi naman kami nagpatinag.

Wala man emosyon na makikita sa mukha ko, hindi ako kumukurap sa titigan namin ni Gigi.

Siya rin naman ang hindi nakatagal dahil una siyang nag-iwas ng tingin bago pumunta sa upuan niya para maupo.

Pero iba ang ginawa ni Rea. Malakas ang loob na lumapit siya samin ni Fay.

“Ang lakas ng loob mong ipahiya si Gigi sa harap ni Tiger, ah.”

Nang tingnan ko siya ay sakin pala siya nakatingin. Wala akong pakielam sa kanya kaya minabuti kong basahin na lang ang hawak kong libro.

“Aba't-”

Hindi ko nakita pero naramdaman kong sasampalin ako ni Rea pero wala pa rin akong pakielam dahil…

“Gosh! Ano ba yan?! Bakit pakalat-kalat 'yang nakakadiri mong kamay?! Huwag na huwag mo ngang ididikit samin 'yan!”

Hawak ni Fay ang braso ni Rea para pigilan ang pagsampal sakin.

Kami ng kaibigan kong si Fay, kaya namin palagpasin ang mga salitang binabato samin. Dahil walang kwenta samin iyon. Dahil mas matindi kapag kami na ang nagbato ng salita. Si Fay, kaya niyang mamahiya, lalaki o babae man. Lait kung lait. Kung ako naman, ibabalik ko ang sinabi sakin pero may dagdag na.

Pero kung pisikalan na, si Fay na ang bahala. Siya ang may alertong mata at may malakas na pakiramdam kung may gustong manakit sa kanya o sa katabi niya.

“What did you say?!” Nashock yata si Rea.

“I said, nakakadiri iyang kamay mo. May kulugo pa yata, eeeww. Ilayo mo samin kung ayaw mong pilipitin ko yan hanggang sa mabali. Hinding-hindi kita uurungan. Alamin mo muna ang totoong nangyari bago mo ipagtanggol yung mukhang bibe mong kaibigan. At kung susugod ka ulit, feel free. Nakahanda ako. Nakahanda ang black belter na kaharap mo.”



*****

Vote and/or comment naman diyan 😇

Thank you!😘

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon