🐯Chapter 01

163 4 0
                                    

*****
This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

Warning: There might be some typographical and/or grammatical errors. So please, paki-ignore muna dahil ieedit ko after matapos ang story.

Thank you and please enjoy the story.

*****


"Keira, nakatingin na naman sa 'yo si Marco Marquez." Kinikilig na bulong ng kaibigan kong si Fay habang nagrereview kami ng notes sa garden ng university namin. First year students kami ng B.S. Psychology.

"Hayaan mo siya at 'wag mong pansinin." Dahil wala akong panahon sa kanya. Nagrereview akong maigi para sa exams namin mamaya.

"Gosh! Ang ganda mo talaga, Keira! Pati si Sky Santorini sumusulyap din sa 'yo." Kinikilig na sabi nito.

"Hayaan mo rin siya, Fay. Magreview ka na lang kasi at 'wag mo silang pansinin."

"Ang suplada mo talaga! Mga heartthrob yun ng university natin! I repeat, mga heartthrob! Kahit sulyapan mo lang din sila para makita mo itsura nila, Keira. Kahit one second sulyap lang. Makita ko man lang reaction nila pag nagtama ang mga paningin niyo."

Napabuntong hininga ako.

"Fay, kahit heartthrob pa sila dito, wala akong pakielam dahil di sila makakatulong sa pagtaas ng grades ko." Mahinahon kong sabi at saka muling nagbasa ng notes.

"Nagmamayabang ka ba, ha? Wala ng itataas grades mo dahil masyado ng mataas! Ang sinasabi ko kung kasing ganda mo lang sana ako e di nakipagsulyapan na ko sa dalawang iyon!"

"Fay? Insecure ka ba sa kagandahan ko?"

"No way! Alam kong exceptional ang beauty ko at nasisilaw lang sila kaya di nila ako masyadong masulyapan. Ang point ko is bigyan mo naman ng chance na magtama ang mga mata niyo."

Kumunot ang noo ko.

"Eh di ko nga maintindihan 'yang point mo kung bakit kailangan pang magtama paningin namin ng mga heartthrob na 'yun na obvious namang mga crush mo."

"Ok, fine. Mga crush ko nga 'yon pero kaya kong magparaya. Gusto ko lang kasi makita reaction nila once na mahuli mong nakatingin sila sa 'yo. In that way, malalaman ko kung seryoso ba talaga or humahanga lang talaga sa ganda mo. Alam naman nating yung isa ay engineering student at yung isa ay medical student tapos napansin ka nila."

Bumuntong-hininga ulit ako.

"Fay Sotto, hindi talaga yan ang priority ko ngayon sa buhay so stop it na, please?"

Siya naman ngayon amg nagbuntong-hininga.

"Fine. Importante sa ating pareho ang studies pero please din 'wag mo masyadong ubusin oras mo diyan. Sige ka, baka di ka na makapagboyfriend niyan hanggang sa di ka na makapag-asawa." Pananakot pa nito.

Gusto kong matawa sa huling sinabi niya ngunit nangiti na lang ako habang umiiling.

"Okay. Last na talaga 'to, Keira. I can't help it but to say this again, si Tiger Torres nakatitig na naman sa 'yo."

"Last na din talaga 'to, Fay. Hayaan mo siya at 'wag pansinin."

Sinundan ko ng tingin kung saan nakatingin si Fay. As usual, nandun sa same spot niya nakaupo si Tiger Torres.

Nagtama na naman ang paningin namin ni Tiger ngunit sabay din umiwas at ibinalik ang atensyon sa ginagawa namin.

"Sus! Tama ako! Tamang-tama talaga ako! Mas bet mo ang giant na yun kumpara sa mga heartthrob na sina Marco at Sky!"

Inirapan ko si Fay at saka muling nagreview ng notes.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon