🐯Chapter 14

41 2 0
                                    

"It's getting late." Sabi ko matapos linawin ang tungkol sa deal namin.

Sabay kaming tumayo mula sa sofa. Tulad ng nakagawian, nanood muna si Tiger sa TV habang iniintay niya akong matapos sa bathroom.

"Your turn." Sabi ko kay Tiger pagkatapos kong maligo. Nakasuot ako ng long sleeved shirt at pajama.

Nagtutuyo ako ng buhok ng matapos siya. He's wearing a shirt and pajama. Pumasok siya sa bedroom at pagkalabas ay may hawak na blanket.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa.

Lumapit siya sakin and he softly planted a kiss to my temple. "Good night, Keira."

Inayos niya ang mga pillows sa malaking sofa at saka siya humiga.

"Good night." Pumasok ako sa bedroom at dumiretso sa kama para mahiga.

This is our sleeping setup. Hindi namin kailangan magtabi kahit pa mag-asawa kami.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa aming dalawa kasi ni Tiger, ako ang may maagang schedule.

Nakapagbreakfast na ako at nakaready na para pumasok nang mapatingin ako sa wall kung saan nakapost ang weekly schedule namin ni Tiger sa school.

Nilapitan ko ang natutulog pa ring si Tiger at marahan tinapik ang balikat nito. "Tiger? Wake up."

Nakailang tapik ako sa kanya bago siya nagmulat ng mata. Nagtama ang paningin namin pero hindi nagtagal ay pumikit ulit ito.

Makulit din ito minsan, eh.

"Hey, wake up, Tiger. I saw your sched, nagnote ka dun nung changed sched mo."

He sighed. Humikab siya at nag-inat bago bumangon. "Good morning." Inaantok at papikit-pikit na bati niya sabay halik sa sentido ko.

"Yeah. Morning." Sabi ko at inayos kong muli ang sarili ko bago nagpaalam. "I'm going."

Tumango siya sakin at saka ako lumabas ng room.

Binati ko si Kuya Greg na nag-aabang na sa sasakyan na pag-aari talaga ni Tiger. Pagkasakay ko ay umalis na kami.

Another setup namin ni Tiger. Ang pumasok sa school ng hindi magkasabay. Ako, gamit ang sasakyan niya. At siya, gamit ang motor niya.

Si Kuya Greg ang naging personal bodyguard ni Tiger noong bata pa siya. Ngayon ay bodyguard and driver ko siya dahil na rin sa utos ni Tiger. Wala kasi kaming tiwala sa mga tauhan ni Uncle Harold.

My marriage with Tiger happened because we both need the security that it gives to our family's businesses habang hawak pa ito ni uncle.

It also happened for my safety and protection against Harold Torres.

Tiger and I are waiting for the time na makagraduate kami. Iyon kasi ang oras na ibabalik ni uncle kay Tiger ang ownership and management ng business ng parents niya. Siya na ang magiging sole owner nito pati ang sa parents ko ay siya na rin ang magiging owner at tutulong lang ako sa pagpapatakbo nito. Yun ang utos ni Uncle Harold at yun ang alam niyang gagawin namin.

Pero dahil sa deal namin ni Tiger, na hindi alam ni uncle, itatransfer niya sa akin ang ownership ng business na sinimulan ng parents ko.

I am really thankful that Tiger is always there to help me.



*****
Author's note:

Hi! Thank you for your time reading this story. Pwede ka magvote, nakakagaan kasi sa feeling ng isang wattpad writer yun 😉 Pwede ka rin magcomment. I'll do my best to update everyday. Again, thank you!😘

Next update is the flashback.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon