🐯 Chapter 62

31 1 0
                                    

Napailing na lang ako sa sinabi ni Fay.

Nakita ko sina Hannah at Sky na nagpipigil ng tawa kaya nilinaw ko na kay Fay at sa kanilang lahat ang tungkol sa nasagap niyang tsismis.

“Tiger is my husband. Okay? We're legally married. Gigi is not his mistress, never been and never will be. Tiger is a faithful husband.”

Gusto kong matawa dahil ang itsura ni Fay ay mukhang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko. “Mabuti naman at hindi ikaw ang kabit dahil shini-ship ko talaga kayong dalawa. Tapos malalaman ko mag-asawa na kayo. Kailan pa? Ilang weeks na kayong mag-asawa? Nitong second semester ba?”

Heto na ang mga tanong na magpapasakit sa ulo ko. Umiling ako at tipid na ngumiti sa kanila. “Matagal na kaming kasal.”

“Gaano katagal?” Pag-uusisa ni Fay.

Nakikita ko na interesado silang lahat na malaman ang katotohanan kaya hindi na ako maglilihim pa sa kanila.

“Senior high pa lang, kasal na kami.”

Narinig kong nagsinghapan sila at magkakasabay na napabulalas.

“WHAT?!” si Fay.

“Wow, really?” si Hannah.

“For real?” Si Sky.

“So that's why.” Si Marco.

As expected, nagulat sila.

Pero nagtaka ako sa sinabi ni Marco kaya tinanong ko siya. “What do you mean, Marco?”

Ngumiti siya at napapailing na sumagot. “Kaya pala hindi tumatalab ang killer smile ko sayo noon dahil may Tiger ka na.”

I think I blush. Pero kahit walang Tiger, I think hindi ako tatalaban ng killer smile niya.  Nakakamatay daw eh.

“Yeah. You were already captivated by his charms that's why you didn't even notice our charms.” Sabi naman ni Sky na napahawak pa sa kanyang chin habang tumatango-tango.

Nahihiyang napangiti na lang ulit ako at pinigilan ko ang sarili kong magreact dahil baka masamain nila.

Hindi pa ako captivated ng charms ni Tiger nung makilala ko sila. Sadyang hindi ko napapansin yung sinasabi niyang charm nila.

“Bakit nilihim mo sa amin? Or to be precise, bakit nilihim mo sa AKIN? Am I your friend? Am I not a trusted friend? It hurts you know.” Madramang pahayag ni Fay.

I rolled my eyes. “That's because our marriage was a marriage of convenience. We married for a purpose. We didn't have feelings for each other at first, we didn't expect for a lasting marriage, and we even had our deal to have an annulment. Kaya pinili kong ilihim dahil alam kong hindi ito magtatagal.”

“Oh my gosh! Huwag kayong maghiwalay, please? Huwag ka nang makipag-annul. I told you, shini-ship ko kayo. Kaya pala nung una pa lang, iba na ang tinginan niyong dalawa. And teka, wait, oh my gosh! Sabi mo you didn't have feelings for each other at FIRST. So ngayon, you mean, there is something na?” Nangislap ang mga mata ni Fay.

I sighed. “Yes. I actually never expected it to happen. But then, as Tiger and I get to know each other, we suddenly realize that we're getting serious, not mainly in our marriage, but in our relationship.”

“Gosh! Kinikilig ako. Sobra. Anyway, nakapag-honeymoon na ba kayo?”


*****
Your vote makes me happy so please click that star button. And your comment/s are welcome. Thank you!

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon