🐯Chapter 24

34 2 0
                                    

“Tiger, nalagpasan natin yung street, balik tayo.”

Nakaangkas ako sa motor ni Tiger.

We're going to attend Hannah's eighteenth birthday party. Gaganapin iyon sa bahay nila na medyo may kalayuan din.

Biglang nag U-turn si Tiger kaya napahigpit ang kapit ko sa kanya.

“You scared me.” Sabi ko.

“Sorry. Higpitan mo pa kasi yung yakap mo para di ka nagugulat kapag lumiliko ako.” Biro niya sakin.

“Tiger. Stop teasing me, okay? Alam mong hindi ako sanay umangkas sa motor. Kung hindi lang nila alam na ikaw ang susundo sakin ay nagpahatid na lang ako kay Kuya Greg.”

That's right. Pinagkaisahan na naman nila ako. Dapat daw si Tiger ang sumundo sakin dahil naihatid na ako nito dati. At para daw hindi ma-awkward si Tiger sa birthday ay ako ang magiging date niya.

Ito namang si Tiger hindi marunong tumanggi kapag pinaglalapit nila kami. Obvious naman kung anong gusto nilang mangyari sa amin dalawa, eh.

Pero hindi pwede iyon. Gusto ko si Tiger bilang isang respetadong tao. I respect him because of his personality. Niligtas niya ako noong maipit ako sa isang sitwasyon. Kuntento na ako sa kung anong pagkakakilala ko sa kanya.

Ayokong lumagpas pa doon ang pagtingin ko sa kanya dahil alam kong magiging kumplikado ang lahat.

At isa pa, may promised deal na kami at ayokong masira iyon.

“Fine. Just hold on tight, I'll speed up.”

Hinigpitan ko ang hawak sa waist niya at saka ko naramdaman ang mabilis na pag-andar ng motor niya.

“How do I look?” tanong ko kay Tiger ng makababa kami sa motor. Tinanggal ko na rin yung helmet na suot ko.

Nakarating din kami sa bahay nina Hannah na nasa isang exclusive subdivision. Malaki ang bahay nila at may malawak na garden. Doon makikita ang maraming table set na nakaayos para sa birthday celebration niya.

“You look beautiful.” Diretsong nakatingin sa akin si Tiger ng sumagot ito.

I sighed. “I'm serious. Maayos ba yung buhok ko?”

“You'll still look beautiful even if you have a messy hair.”

“Yes or no lang ang isasagot, eh.” Mahinang sabi ko habang naglalakad patungo sa loob ng bahay nina Hannah.

“Chill, wife. I notice na madali nang uminit ang ulo mo.”

Mabilis akong tumalikod para harapin siya. “Hindi ko din alam kung bakit pero tingin ko dahil iyon sa sitwasyon natin ngayon.”

His eyes widen. “What do you mean?”

“This situation. Pwede ka naman tumanggi, eh. Alam mo naman na ayokong mahalata tayo.”

“But I do want to come here. Gusto kong umattend with you. Huwag mo masiyadong isipin yung sikreto natin dahil ikaw mismo ang mahahalata nila. Especially Fay. If I were you, go with the flow and just relax. And don't react right away when they tease you.”

Napaisip ako sa sinabi niya. He has a point. Kung masiyado kong iisipin yung sikreto namin na ayaw kong mabunyag, baka makahalata nga sila. Hindi na rin ako magrereact agad para hindi sila maghinala.

I sighed. “I get your point.”

He smiled at me. “Good to know.”

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon