🐯 Chapter 53

26 1 0
                                    

Lumipas ang maghapon at walang gulo ang naganap. Mabuti at hindi na umabot sa matinding sagutan sina Fay at Rea. Ngunit hindi makalilimutan ang namumulang mukha niya sa gigil dahil hindi makasagot kay Fay.

Nang makauwi na kami ni Tiger ay pareho kaming naging abala sa mga school related researches namin.

Tahimik siyang nagta-type sa harap ng computer. Napansin ko sa screen ang mga pie charts, tables and diagrams na alam kong about sa course niya sa business.

Nagpaalam akong pupunta sa library nitong mansyon. Gusto niya akong samahan pero sinabi kong sandali lang ako doon dahil kukuha ako ng books para madagdagan ang reference materials ko sa research.

I refused to use all the infos from the internet because I know na doon kaagad magsesearch ang mga classmates ko at posibleng magkakapareho pa kami ng mapuntahang site kaya sa tingin ko mas mabuti na yung may iba pang mapagkukunang source.

Nagtuloy-tuloy lang ako sa loob ng library knowing na madalang ang taong pumupunta dito.

Tahimik akong naglakad patungo sa section ng kailangan kong libro nang makarinig ako ng nagsasalita.

“Pumayag ba sa deal natin?… Sabihin mong ako na ang bahala doon oras na magawa niya yung gusto ko... No! Malinaw yung sinabi ko sayo Pascual!… Sabihin mo hindi pwedeng headshot dahil mabilis lang ang pagkamatay kapag ganun. Sabihin mo sa kanya na gusto ko ay tatlong shot. Una ay sa binti, pangalawa sa tiyan, at ang huli ay sa puso. Mas gusto ko yung makakaramdam muna siya ng matinding sakit bago mamatay... Sige, ipakita mo ang picture ng wild beast na yan!” Pigil sa galit na sabi ni uncle sa kausap nito na phone.

Hunting game pa rin ang nasa isip ni Uncle Harold hanggang ngayon at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay mas kinakabahan ako.  Ngayon pa lang naaawa na ako sa wild beast na target ni uncle.

“Keira?!”

Napasinghap ako sa gulat dahil sa sigaw ni uncle na bigla na lang sumulpot mula sa likod ng bookshelf. Halatang nagulat din siya sakin.

“Good evening, uncle. I just came here to borrow some books for my research.”

Naningkit ng bahagya ang mga mata niya. “How long have you been in here? I didn't hear you coming.”

Nangunot ang noo ko. “Kakarating ko lang po, why?”

“So you heard my conversation on the phone?” mataman niya akong tinititigan.

“I only heard the last part. You're talking about the wild beast in your hunting game, right?”

Nakita kong tila nakahinga siya ng maluwag.

“Right, my dear. I really hate that wild beast. Anyway, what book are you looking for? Maybe I can help you with that.” Biglang napaka accomodating ng dating niya.

Nagsimula siyang lumapit sakin and I  begin to feel uncomfortable.

“No, it's okay, uncle, I can manage. Thank you.”

“I insist. I know this library very well, my dear.” Bigla niya kong inakbayan at hindi ko magawang kumilos.

“Keira? What's taking you so long?”

Napalingon kami ni uncle sa nagsalita sa pintuan.

To my relief, it's Tiger.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon