🐯Chapter 39

26 3 0
                                    

“Are you sure dito ang daan?” Di ko na mabilang kung pang ilang tanong na ito ni Marco kay Fay.

Sembreak na namin at umayon ang schedule naming lahat kaya't sama-sama kaming pupunta sa rest house nina Fay.

Kusa na akong nag-decide na sumama dahil ayokong makasama sa mansyon si Uncle Harold. He'll stay there for two weeks. Sa katunayan, dapat magbabakasyon kami sa China. Tumanggi ako dahil ang sabi ko mag-stay kami ni Tiger sa rest house ng friend namin.

Walang alam si Uncle Harold na nililihim namin sa school ang married status namin ni Tiger at wala kaming balak sabihin sa kanya yon dahil pwede niyang ipam-blackmail samin yon.

“Oo, I'm very sure, Marco. Guys, konting tiis. One week naman ang paalam niyo, di ba? So after natin mag hike dito sa woods, mag overnight tayo. For experience sake lang naman tong hiking. The other way is better pero mag adventure muna tayo dito,  okay?”

Wala ng nakasagot samin. At least prepared and ready kami sa ganitong hiking dahil sabi ni Fay ay may two ways ng papunta sa rest house nila. Through hiking at yung isa naman through boating. Mag-boat kami pagpabalik na.

After several hours of nonstop walking, nakarating kami sa sinasabi ni Fay na maliit na spring.

Sa paligid ng spring kami nag set ng mga tent namin. Well, yung mga boys ang nagset ng dalawang tent at kaming mga girls ang nagprepare ng food.

“Fay, safe naman ba itong place?” Hannah worriedly asked.

“Of course. Si Dad ang nagsecure ng area surrounding our rest house. Alam niyang dito tayo dadaan today.” Fay assured all of us.

Nang makapagset up na kaming lahat ay sabay-sabay kaming kumain. We enjoyed the foods that we brought.

Nang makapagpahinga matapos kumain, nagkayayaan kami na maligo sa spring.

Mainit-init ang bukal at talagang maeenganyong magtagal doon ang sinumang maligo.

Makalipas ang mahigit isang oras ay umahon na kami at naghandang matulog.

Of course magkakasama kaming mga girls sa isang tent at ganun din ang mga boys sa isa pang tent.

“Good night, everyone. See you tomorrow.” Sabi ni Fay at saka pumasok na kami sa tent namin.

Good for six ang bawat tent na dala namin kaya maluwag kaming mga girls dito sa loob.

I checked my stuff and noticed something. “I forgot my other bag outside. Kukunin ko lang.” Sabi ko kay Hannah at saka lumabas ng tent.

Nang makuha ko ay nagmadali akong bumalik. “Keira? Saan ka galing?”

Gulat akong napatingin kay Tiger. “Don't scare me like that. Kinuha ko lang itong bag.” Sagot ko habang pinakita sa kanya ang bag.

Lalagpasan ko na siya ngunit pinigilan niya ako.

Kunot-noong napatingin ako sa kanya. “What?”

Sa mahinang boses ay sumagot siya, “Have you thought of everything I've said before?”

Paano ko sasabihin na iniiwasan kong isipin iyon dahil naguguluhan ako?

Umiling ako.

He sighed, “I understand.” Lumapit siya sakin at bumulong. “Good night, wife.”

Hinalikan niya ako sa noo at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon