🐯Chapter 37

26 2 0
                                    

“You don't have to say anything...yet. For now, you have to rest para gumaling ka agad.” Hinawakan ni Tiger ang noo ko. “Mainit ka pa rin. Sige na matulog ka na.”

Inayos niya ang kumot ko at hinalikan muli ako sa noo bago lumabas ng bedroom.

I still don't know what to do.

Tiger likes me.

Actually, higit pa raw doon ang nararamdaman niya sakin.

Nakaramdam ako ng kakaibang pintig sa puso ko. Pero mayroon din akong kabang nararamdaman.

Sumakit lalo ang ulo ko kakaisip ng mga sinabi ni Tiger kaya mas minabuti kong ipahinga ang nanghihina kong katawan.

Kinabukasan ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Nawalang bigla ang bigat ng katawan at sakit ng ulo ko.

Maaga akong nagpahatid kay Kuya Greg para pumasok sa school.

Pagpasok ni Fay sa room ay nilapitan niya ako. “Oh? Okay ka na Keira?”

Tipid akong ngumiti at tumango.

“Good to know. Grabe, you made me worry yesterday.” Sabi nito at saka umupo katabing upuan ko.

“I'm fine now.”

Napansin ko ang paglapit samin ng dalawang classmate na babae. Sina Gigi at Rea.

“Hi, Fay. Hi, Keira. Uhm, Keira? Nabalitaan namin yung nangyari kahapon.” Sabi ni Gigi.

“Oo nga. I can't believe it.” Sabi naman ni Rea.

Nabigla ako dahil sa pagkakakilala ko sa kanilang dalawa ay hindi sila ganito. Pareho silang may pagkamataray. In fact, may mga nakasagutan na sila sa ibang course at maging sa mismong classmates namin.

Hindi lang nila magawang tarayan si Fay dahil alam nila ang pagiging taklesa nito. At alam nilang di nila ako matatarayan dahil wala akong pakielam kung hindi rin naman tungkol sa lesson ang topic.

So, kagulat-gulat ang paglapit nila.

“Uhm, yeah. But I'm okay now. Thanks.” Tipid akong ngumiti.

Nagkatinginan sina Gigi at Rea.

“Uh, yeah, nice to hear you're okay. Anyway, I was talking about the scene at the hallway yesterday. You know, when Tiger carried you?” Mataray na sabi ni Gigi.

“Yeah, right. We can't believe he carried you. Then you and Tiger always look at each other when you talk. Are you guys together like official couples na ba?” mataray din na sabi ni Rea.

Akala ko pa naman concern na sila sakin.

“Ehem. Excuse me lang, ano? Why do you ask that? And why do you care?” Seryoso at nagpipigil na inis na sabi ni Fay.

“Excuse me rin, si Keira kausap namin.” Seryoso rin na sabi ni Rea.

Bago pa man sumagot si Fay ay inunahan ko na.

“It's okay, Fay.” Humarap ako kina Gigi at Rea at kinausap ko pa rin sila sa maayos na paraan. Hindi ko pinakitang naiinis ako dahil hindi naman talaga. “Tiger is not my boyfriend.”

Tila nagliwanag ang mga mukha ng dalawa.

“Great!” masiglang sabi ni Gigi.

“Pero that doesn't mean na hindi magiging sila.” Singit ni Fay.

“Why? Nanliligaw ba siya sayo, Keira?” Biglang taray na sabi ni Rea.

“No.”

“Then it's clear. Thanks, Keira. Let's go, Gigi.” Masaya niyang sabi at saka tumalikod at umupo sa kanilang mga upuan.

*****

Author's note:

Sinisikap kong mag-update everyday. Pero tao lang din at nagkakasakit. At least naka-update kahit gabi na (lagi kasing umaga or tanghali).

Tomorrow night yung next update.

Vote. Comment. Share.

Thank you! ❤

STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon