Whitney Pearl
Nandito kami ngayon sa hideout namin para mag meeting about sa napag-usapan namin nila Uncle nung isang araw na mag-aya siya ng dinner.
Kadarating ko lang ngayon dito sa hideout namin. At mukhang ako palang ang nandito. For sure, late nanaman ang aming magaling na leader. Knowing her, Ayaw na ayaw niyang naghihintay pero siya naman tong late sa mga meeting madalas. Ewan ko ba dyan.
Dahil nga wala pa sila ay tumayo nalang ako sa gilid ng bigbike ko at nagsindi ng yosi. Haha, nagtataka ba kayo kasi kababaeng tao ko pero nagyoyosi? Ganito ako kapag naghihintay. Nakasanayan na siguro, pero minsan lang naman. Maya maya pa ay may isang mabilis na kotse ang dumaan dito sa kalsada, WOW HA! Ano? Kanya tong lugar. Mukhang nagkamali ako, dahil hindi lang pala isa may pito pa palang kotse. Mukhang nagrerace sila.
Ang village na'to kasi ay kilala na pwedeng pagkarerahan ng mga sasakyan, madalas din may mga street fight na nagaganap dito sa village. Yung mga naglalaban na iyon ay mga hindi pa nakakapuntang UW. Over 70 lang kasi ang mga rankings na nasa UW. Iba pa yung sa mga Assassins. Ang Mafia pinamumunuan nito ang mga gangster. So probably, underlings namin ang ibang mga gangster. Mafia na gangster kami, ngunit walang nakaka-alam na kami ang namumuno sa kanila. Ang alam lang nila ay kami ang malakas at nangunguna sa gangster list.
Saktong dating ni Addison ay siyang ubos ng yosi ko. Agad ko itong tinapon at tinapakan. "Naghintay ka ba ng matagal, Ney?" nakangising tanong niya. Napa-irap nalang ako sakanya at nauna ng pumasok sa loob. Nonsense lang kung makikipag usap ako sakanya. I have a bitch attitude kahit pa na may pag ka childish ako. Masamang magalit ang mga childish.
"Hey! Kanina pa ba kayo?" nagulat ako ng nandun na si Kaleah sa loob. Wtf? "Kanina ka pa nandito?!" inis na tanong ko sakanya. Badtrip to! "Yeah. Dito ako natulog. Bakit? Kanina ka pa ba?" hindi kakarating ko lang. Buset!
"Pfffttt. Yeah! Kakatapos lang nyan magyosi. Mukhang naghintay ang gaga." nagpipigil na tawa ni Addy. Tinignan ko lang siya ng masama at nagtungo na sa kusina para kumuha ng ma-iinom. "Bakit kasi hindi kana lang dumeretso dito sa loob?" tanong sakin ni Kaleah. Kumuha din siya ng tubig at uminom. "Malay ko bang may tao na dito." sabi ko at tinarayan siya.
"Wala paba si Brynn?" Tanong ko sakanila matapos kong uminom ng tubig. Kahit kailan talaga, yung babaeng yon. "Lagi namang late yon, what do you expect from her?." Sabagay oo nga naman, may point si Addy.
"Let's go! Doon na tayo sa meeting room. May naghihintay este naghihintay na satin ang room hahaha." sabi ni Kaleah kaya nagtaka naman kami sa inasta niya. Anong ibig niyang sabihin? Bahala na nga. Agad kami nagtungo sa taas para doon nalang antayin si Brynn.
Pag bukas namin ng pinto ay may nakita kaming pamilyar na pigura ng babae na nakatayo. Nakatalikod to samin. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana kaya hindi namin makita. At ng matauhan kami kung sino yon ay agad akong nagsalita. "What the? Kanina ka pa nandito Brynn? Seriously? Ang aga ata natin. Hehee." sabi ko habang nakaturo sakanya. Smirk plastered on her face. "Tsk." tanging na sabi niya nalang. "I told you. May naghihintay bwahaha." nang-iinis nanaman tong si Kaleah.
Umupo nako sa sofa dito at ganon din ang ginawa nung tatlo. Tss! Ang pag-uusapan namin ay about sa Rank 2. And sabi din pala ng uncle ni Brynn, may possibility na may alam na sila about samin and maybe they know who are we. Matagal na pala nilang mission ito at nakausap na sila ni Uncle about dito. "Lets start." sabi ni Brynn samin at kinuha ang isang folder na nasa lamesa. Bale walo ang hawak nitong folder at naupo narin.
Kiersten Brynn
Agad silang nagsi-kuhaan ng folder kaya kumuha nalang din ako ng akin. Pagkakuha ko ay agad ko itong binuksan at common info lang laman.
Syempre, secret muna kung sino. "So lahat pala sila ay magkakaibigan. Hindi na tayo mahihirapan hanapin sila." sabi ni Whitney. May point siya, base sa mga info lahat sila ay magkababata. "We need to be careful. Panigurado wala namang picture din ang pinakita sakanila. Kaya we just need to be careful. Addy, make a research about them. Make sure to know their faces. While you Whitney, try to track their hideout." sabi ko sakanila kaya excited na excited sila. Gustong gusto nila yan eh.
"Sa Sunday nalang tayo bumili ng mga gamit. Dahil next week na ang pasukan." Sabi naman ni Whitney kaya nagsi-tanguan nalang kami sa kanya.
Ang tanging pino-problema ko lang, eh ano kayang balak nila? Bakit kaya nila ito sinasali sa gulo nila? Tanging mga pangalan, edad etc. lang ang nakalagay doon. Wala man lang picture nila, iniisip ko kung anong pwedeng dahilan para madamay sila sa gulo namin. Sa Degrassi din daw sila nag-aaral, kaya may possibility na makita namin sila dahil pwede naman tong hanapin sa student list para mas mapadali. "Malalim ata ang iniisip mo, Brynn." bigla akong napalingon kay Kaleah ng magsalita ito. "Nah!" sabi ko nalang at ngumiti ng bahagya.
Nandito parin kami sa meeting room at may kanya-kanyang ginagawa. Ako na may iniisip at silang tatlo na may mga gadgets na hawak. Tinignan ko lang isa-isa. Si Whitney na nakakunot ang noo, Si Addy na nakangiti at tila nae-excite at si Kaleah na bored. Agad namang nabaling ang atensyon ko ng may bumusina sa labas ng hideout. Sumilip ako para tignan kung sino ito, Isang kulay itim na Lamborghini Aventador ang nasa labas. "Anong ginagawa ni Tyler dito?" tanong ko sakanila ng hindi tumitingin. Bumaba siya sa sasakyan niya at sumandal, Aba! Ang loko naka shades pa. Napailing nalang ako ng tumingin ito sa gawi ko.
"Lets go downstairs." sabi ko at nagpati-una ng bumaba. Pagkababa ko ay dumeretso si Addy sa labas para papasukin si Tyler. Tyler Agustin isa sa underlings ko na close ng gang. Sya din ang isa sa pinagkakatiwalaan namin, Mahilig din yan sa racing. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito.
Pero isa lang ang sinisigurado ko, racing ang pakay nito ngayon. Minsan lang to mag pakita dahil busy sya sa business niya.
Ngunit hindi mawala wala sa isip ko ang binabalak nila para samin ng Aspire Gang at Black Shadow Gang. Hindi ko na hahayaan na may madamay pa muling inosente dito. Kailangan sa lalong madaling panahon ay mahanap at makausap namin sila agad.
At isa pa, bakit naman niya gustong i-reveal namin agad ang mga mukha namin? Kung ano man pinaplano niyo sisiguraduhin kong uunahan ko kayo bago pa mahuli ang lahat.
~~~
Sorry for the typo graphical errors and ungrammatically sentences/words.
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
JugendliteraturKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...