(H) Chapter Eight

1.2K 30 0
                                    

Addison Wren

Agad akong dumeretso sa labas para puntahan si Tyler. Paniguradong magyayaya to mag race. Ng makalabas ako ay agad siyang ngumiti sakin ng makita ako. "Yo. Addy" pag bati niya at tinanggal ang sunglasses niya. Tinanguan ko lang siya at bumalik na sa loob. Pero bago ako makapasok, narinig ko pa siyang bulong. "Ang sungit naman." bulong niya na sapat lang para marinig ko. He's not my type, well pogi naman siya kaso nga lang hindi ko siya bet. 

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin kaya binati din niya sila Brynn. "Kamusta na kayo?" medyo seryosong tanong ni Tyler. Psh, napaka moody talaga neto. Bilis magpalit ng mood eh.

"O-oyyy ty! okay lang naman kami, hehe. Naparito ka nga pala?" medyo nahihiyang pahayag ni Pearl. Bwahahaha! I'll tell you a secret, shhh lang kayo ha! Hihihi~ crush kasi ni Pearl yang si Tyler, kaya ayan. Nagkanda utal-utal na.

"Oo nga, Ty? What are you doing here?" medyo pataray kong tanong. Agad naman niyang tinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko sa kasalanan. "Whoa! Chill girls. Naparito ako kasi may humahamon kay Brynn ng Racing." sabi niya. Hahaha, natakot siguro. Pano ba naman ang sama ng tingin sa kanya ni Brynn, tapos sinungitan ko pa. "Oras?" tipid na tanong ni Brynn.

Blangko parin ang expression niya. Waahhh! Pero what? Sinabi ba niyang oras? Agad naman akong napangiti ng malawak at na-excite. Bigla namang tingin sakin ng apat kaya medyo nawala onti yung ngiti ko. "Anong nangyari sayo?" takang tanong ni Kaleah. Tignan ko lang siya, kaya maya maya ayon napangiti narin siya. Tingin ko palang alam na niya. Kaibigan ko talaga 'to! "Omejiii." napatingin naman ako kay Whitney ng biglang nagsalita. Mukhang nagets na ng gaga. Tumingin naman kaming tatlo kay Brynn na tumataas-baba ang kilay. "What?" kunot noo niyang tanong samin. "Alam niyo, ang weird niyong tatlo. 10 pm, alam niyo naman na siguro kung saan. Kita kits nalang, girls. I have to go. It was nice to see you again." nang-asar pa bago siya umalis ha! Tinanguan nalang ni Brynn si Tyler.

Agad naman kaming nagsilapitan kay Brynn at isa-isa siyang tinanong. "Totoo ba 'to Brynn?" manghang sabi ni Kaleah. "Pupunta tayo? Yiieeee." nae-excite na tanong ni Whitney. "Nays! Mukhang ready na ulit makipagrace ang ating Queen." sabi ko. Kaya isang ngiti lang ang sinagot niya samin. Ngiting totoo na walang bahid na lungkot. Simula kasi ng mamatay ang lolo ni Brynn, hindi na muli itong sumali sa mga race. Ayaw na ayaw kasi ng lolo nito na sumasali siya ng race. Pero dahil matigas ang ulo nito ayon naaksidente siya ng minsan mandaya ang kalaro niya. Pero matagal ng panahon yun. After nun patago parin siyang sumasali ng racing. Ang kaso nga lang nung mamatay ang lolo niya tumigil na rin siya, kaya paniguradong magugulat ang mga taong nandon, ngayon nalang kasi siya pumayag ulit. Dati rati ay hindi pa kami o si Tyler tapos magsalita ay puputulin na agad niya, tatanggi agad siya. But now? Pumayag siya.

Natauhan ako ng bigla siyang magsalita. "Ano? Hindi kaba sasama Wren?" sabi niya. Napatulala pala ko? Lalim siguro ng iniisip ko bwahaha. Ni hindi ko man lang namalayan na nandon na pala sila sa pinto. "Eto na nga tatayo na." na pa-nguso nalang ako ng nagtawanan sila. Kaibigan ko ba talaga tong mga 'to? Aishh. Grabe sila eh. Sumunod nako sakanila lumabas at sumakay na sa sasakyan ni Kaleah. "Pasabay ha?" sabi ko at pumasok na siya. Aangal pa dapat siya ngunit huli na, bwahaha. Kaya ayon siya naka-simangot na pumasok sa sasakyan niya. "Tngna ka talaga! Pupunta ka dito, tapos wala ka naman palang sasakyan! Aiisshhh." naglakad lang kasi ako papunta dito dahil trip ko lang hehe. "Okay lang yan, Kal. Doon din naman ang way mo kaya sasabay nako. Tsaka sa may labas lang naman ako ng Village. Lalakadin ko nalang papasok, hehehe~" sabi ko at tumawa kaya inirapan nalang niya ako.

Wala nadin naman siyang magagawa kaya inistart na niya ang engine ng sasakyan. Bumusina muna siya sa dalawa bago paharurutin itong sasakyan niya. Buti nalang nakapag seatbelt agad ako, kundi baka bukol abutin ko dahil sa pagkakauntog sa headboard ng sasakyan niya. "Kal! Magdahan dahan ka nga! Mamaya makabangga ka dyan. Wala naman tayong hinahabol, okay?" sabi ko kaya binagalan na niya konti. Kaming apat kasi ay mahilig makipag race kaya kung minsan eh kaming apat ay nagre-race kaso nga lang lagi lang akong pangatlo. Psh! Pano ba naman, si Brynn ang laging nangunguna. Queen of all yan, sa lahat ng bagay nangunguna. Buti nalang talaga wala ni isa samin ang naiinggit sa kanya dahil kung nagkataon baka hindi na kami buo. 

Kapag racing ang pag-uusapan, Si Brynn ang the best dyan. Hindi lang sa magaling, seryoso pa pag sa labanan. Ewan ko ba dyan! Ni walang pinapakitang emosyon iyan sa ibang tao kapag nagre-race. Excited na ako mamaya. Ano kayang isusuot ko? "Kanina ka pa tulala ah? May problema ka ba, Wren?" tanong sakin ni Kal. Bukod kasi kay Brynn, Si Kaleah ang nalalapitan ko kapag may problema. Kaya alam niya kung meron ba o wala. "Nothing. Iniisip ko lang na mukhang umo-okay na si Brynn." sabi ko sakanya kaya tumango nalang siya at ako naman ay binaling nalang sa daan ang paningin.

Maya maya lang ay nakarating nadin kami sa Village na tinitirhan ko. Kaya itong isa todo pagpapalayas sakin. "Oh! Dito na, Baba na." sabi niya sakin. Grabe talaga. "Oo na, salamat! Mamaya nalang ulit." sabi ko at tinanggal ang seatbelt. Tumango nalang siya kaya bumaba nako. Hindi ko na pinapasok sa loob, dahil baka matagalan siya. Tutal malapit lang naman kaya lalakadin ko nalang.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong may nagmamasid sa akin. Agad akong umupo at kunyaring inaayos ang sintas ng aking sapatos. Bahagya kong nilingon ang likudan ko, upang alamin kung may tao. Pa-simple naman akong tumayo ng parang walang alam. Pagka-tayo ko ay agad akong lumakad ngunit dahan dahan lang. Tumingin ako sa kalsada kung may sasakyan ba, dahil tatawid ako sa kabila. Isa na din yon sa paraan ko para malaman kung may nakasunod ba. At tama nga ang hinala ko, ng may madaan akong iskinita ay agad akong pumasok doon at nagtago sa gilid ng pader. Sinilip ko naman konti yung sumusunod sakin at nakita kong naglilinga linga siya.

Lumakad siya papunta dito ngunit nalampasan niya ako. Agad kong kinuha ang nakaipit na pocket knife sa bulsa ko. Ang malas naman bakit ito pa nadala ko. Lumapit ako sa kanya at itinutok sa leeg niya ang pocket knife. "Sino ka? Bakit mo ko sinusundan?"


~~~

Sorry for the typo graphical errors and ungrammatically sentences/words.

Long Lost Mafia GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon