Zyra's POV
"Hello. Im Michelle Divaches. Lance's Fiance' "
Bakit ang sakit pakinggan na finace' siya ni Lance.?
Sabay abot ng kamay niya sakin parang makipag-shake hands.
"And you are??"
"Zyra Kim Nacion"
Tapos kinamayan ko lang siya
"Oh? So, kakilala mo lang siya babe?"
"She's..."
Ano naman ba to ang sasabihin niya?
"My... ahmm. She's my friend"
Tama.. kaibigan ka lang niya😢
"Zy..Bayaran mo lang yan sa cashier tapos alis na tayo"
"May pupuntahan pa ba kayong iba?"
Tanong ni ate gurl habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Lance.
Ay ang landi?
Parang linta kung makakapit.
Tsk.
Eh ano naman?
"Wala naman kaming pupuntahang iba"
Sagot ko.
"That's good! Kakain kasi kami ni babe so, pwede kayong sumama? Sige na please. Gusto pa kita makilala Zyra.. kasi gusto ko lahat ng KAIBIGAN ni Lance, Kaibigan ko rin"
"Sige, Sasama kami diyan diba Zy?"
Sagot ni xander.
"Huh--? Ah okay. Sasama kami"
"Good to hear! Mag do-double date tayo"
Double date? Ngek?
At anyun nga binayaran ko na ka-agad ang binili ko.
Tapos si Linta na ang pumili kung saan kami kakain.
Umorder lang kami, sabi ni Linta Libre lang daw kasi sila naman ang may-ari nitong restaurant.
Yemen noh.👏
At nagsimula na kaming kumain.
"So, Zyra. Tell me about yourself"
Ano to? Introduce yourself tulad pag first day of school? Ms. Linta ang peg HAHAH.
"I'm 20 years old. Turning 21 on February 14,2019. I have 1 sibling and nakatira ako sa purok Bait, Brgy. Walang malandi😁 Kahit medyo madumi ang paligid. Atleast walang linta'ng uma-aligid, na kung makapulupot ang kamay sa jowa akala mo naman aagawin?"
Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ako habang nakapulupot pa rin ang kamay kay Lance.
"Pffft."
Pigil na tawa ni Xander ng makita niya ang reaction ni Linta.
"Pinariringgan mo ba ako?"
"Mich, Wag mo nang simulan"
Awat ni Lance ng makitang inis na inis na mukha ni Linta.
"What? Im just asking her. And besides We're friends right Zyra?"
"Yeah. Bestfriend pa nga eh! At Hindi naman kita pinariringgan besss.,sabi mo 'Tell me about yourself' so ginagawa ko lang naman, oh? Ngayun kilala mo na ako?"
"Nevermind."
Mataray na sagot niya. Nakita ko si Lance na pasimpleng ngumiti.
Ohgassh. Wag ganyan.
"You're so perfect together!"
Sabi ni ate Linta niyu samin ni xander.
"Tama na ang daldalan Mich. Kumain ka na lang"
Sagot naman ni Lance na mukhang na-iinis.
"So, Xander And Zyra, tell me. Mag-ano kayo"
"Magkai---"
Naputol ang pagsasalita ko nang magsalita si Xander.
"She's my girlfriend "
The fvck!!!?
*cough.cough.cough*
Nabaliukan ako sa kinakain ko. Bwesit kasi to'ng si Xander. Ano daw? Girlfriend niya ako?. Tseee.
"Zyra.. eto Tubig"
Sabay abot sakin nina Lance at Xander ang kani-kanilang Baso na may lamang tubig.
Nagkatinginan naman sila ng magsabay sila. Ang sama-sama ng tingin nila isa't-isa.
Tapos kinuha ko yung inabot sakin ni Xander...
Agad namang inilayo sakin ni Lance ang tubig na inalok niya.
"Talaga baa??? Infairness bagay kayo"
Sagot naman ni Linta...
"ANO BA!? SINABING KUMAIN NA LANG! PURO KAYO DAL-DALAN"
Biglang Tumayo si Lance at sumigaw? Nyare sakanya?
Napatingin naman lahat ng tao sakanya.
"So-sorry "
At umupo na siya pagkatapos humingi ng paumanhin sa ibang customers.
"Ohhh gassshh, Babe, Bat ka naman sumigaw, I'm just telling them na they're so perfect together"
Hindi na lang sumagot si Lance. At mukhang badtrip na badtrip na.
"Babe... im thirsty, pwede sakin na lang ya'ng tubig mo?"
"May tubig ka naman diyan, yan na lang ang inumin mo"
"Pffftttt."
Pigil na tawa ko.
"Pinagtatawanan mo ba ako Zyra?"
"Hindi ah, Hindi ko pinagtatawanan ang mga BESTFRIENDS ko"
"Whatever"
Mataray na sagot niya.

YOU ARE READING
Her Hottie Celebrity Boyfriend
RomancePero hindi pa rin sya umaalis, titig na titig lang sya sakin. HALA! NYARE SA KANYA? Palapit sya nang palapit sakin. Atras naman ako ng atras. Hangang sa makorner nya ako at wala na akong maatrasan. Hahalikan nya ba ako?! Jusko! "I'm Lance and I'm y...