Chappy 23: Manliligaw♡

430 10 0
                                    

Zyra's POV

"Nakkk! Gising na! May bisita ka"

"Momshie naman.. inaantok pa ako"

"Bilis na diyan!"

Sigaw ni momshie sakin habang

Kinikilig..???

Agad naman ako'ng bumangon di na ako nag-ayos. Matutulog din naman ako kaagad baka si Cheska lang naman ang Bisita ko.

Nakapikit pa ako'ng naglalakad habang humihikab pa.

Inaantok pa ako. Huhuhu.

Hindi  kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Si Lance Kasi eh!

"GoodMorning"

Nakangiting bati sakin ni..

LANCE!!!??

AY SHITTT!

Tumakbo ako papasok ulit sa kwarto ko at humarap sa salamin.

Jusko naman Zyra!

May panis pa na laway sa pisngi ko!

May mga muta pa sa mga mata

Tapos ang gulo-gulo pa ng buhok ko.

HUHUHU!! NAKAKAHIYA.

*tok*tok*

"Zy.. Bakit ka tumakbo? Lumabas ka na diyan. Maganda ka naman eh. Kahit may mga muta ka pa at may panis na laway sa pisngi HAHAHHA"

Rinig ko'ng sabi ni Lance ngunit hindi ko pa rin binuksan ang pinto ng kwarto ko

"Tawang-tawa lang ha?"

"Hindi naman"

"Bwesit! Ano ang ginagawa mo dito?"

Tanong ko na Hindi  pa rin binubuksan ang pinto.

"Kung papasukin mo kaya muna ako diyan sa kwarto mo"

"ASA KA! MAGHINTAY KA NA LANG SA SALA!"

"HAHAH! Okay.."

Rinig kong sabi niya habang tumatawa.

Binilisan ko sa pag-aayos at agad na lumabas.

Kitang-kita ko pa rin ang pagpipigil niya ng tawa.

Ay bwesit.

"Flowers for you "

Sabay abot sakin ng isang bouquet ng bulaklak.

"Para san to?"

Tanong ko at kinuha ang bulaklak.

"For you nga"

"sige, mam-milosopo ka pa, Teka nga bakit ka ba nandito? "

"Nanliligaw"

"Nanliligaw ? O nambe-bwesit?"

Mataray na tanong ko

"Nanliligaw syempre! Maswerte ka nga eh ikaw ang nililigawan ko. Sa dami ba naman nang babae na nagkakarandapa sakin"

"Woooahh! Ang lakas ng hangin!"

"Bakit ka ba kasi bumalik sa room mo? Nahihiya ka ba sa itsura mo kanina? HAHAH! Wag kang mag-alala hindi naman nakaka-turn off yun. Im still inlove with you"

"Tsss."

"Sus! Kinilig ka naman. Ikaw ha! Nakiki 'tsss' rin"

"Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng mag 'tss'??"

"LANCE MARTIN!?"

Gulat na gulat na tanong ni Zayna.

"Yes"

Nakangiting sagot ni Lance

"KYAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!! OHMAYGAAAAD! BAKIT NANDITO KA SA BAHAY?? WAAAAHHH!! PWEDENG MAGPAPICTURE? GOOOOSSSHHH"

"Sure"

At ayun nga nagPicture na sila. Ginawa pa nga ako'ng photographer.

"KYAAAH!! THANK YOUUUU! ANG GWAPO MO TALAGA SA PERSONAL!! SO ANO NGA?, BAKIT KA NANDITO?"

"Nililigawan ko ang Ate mo"

"HUUUUUUHHHH? WEEEEEE?? SI ATEE?? NILILIGAWAN MO????? NAGPAPATAWA KA BA?"

"Takang-taka lang Zay? Hindi ba kapani-paniwala? Kurutin kaya kita diyan!!"

Ay bwesit! Takang-taka talaga ha?

"Hindi naman ate, Syempre! Sikat siya noh! Eh ikaw? Simpleng Zyra Kim Nacion Lang"

"Grabe ka na ha! Ang sakit mo mag salita!"

"Hehehe peace ate"

Nag-peace sign pa siya sakin..

"Yun ang gusto ko, Ang mga simple lang. Ang simpleng ito ang sumungkit sa puso at kahit may panis na laway pa siya sa pisngi niya pag bagong gising. Siya talaga  eh, siya lang at siya lang."

"Ayiiiieee! KINIKILIG SI ATE!!!"

"ASA KA! BAHALA NGA KAYO DIYAN!"

Pumasok na lang ako ulit sa kwarto ko at natulog.

Nakaka badtrip  naman eh!

Zayna's POV

Jusko naman!!!

Ang Lucky talaga ni ateee!!

Isang LANCE MARTIN  lang naman ang nanliligaw sakanya!

"Kuya Lance, Pwede ka ba mamaya?"

"Bakit? Ano'ng meron?"

"May Mr.& Ms. Campus kasi mamaya sa school  at kasali ako. Gusto ko lang na samahan mo si ate. Wala kasi siya'ng kasama eh, si momshie at papshie kasi may lakad. Please..."

"No probs. Pupunta ako"

"Talaga!? Yiiieee thank youuuuuu"

Waaaahh!!! May isang LANCE MARTIN lang naman ako'ng supporters! Hehehhe!!







Her Hottie Celebrity BoyfriendWhere stories live. Discover now