Zyra's POV
Nandito na ako sa tapat ng bahay nina Lance.
Kahit ayaw ko man gawin to wala na akong magagawa dahil ito lang ang paraan para malaman ko ang lahat.
"Ready kana?"
Tanong sakin ni Lance, Tumango na lang ako sakanya at nagsimula nang maglakad papasok ng bahay nila.
Nasa sala ang mga magulang niya, Halatang hinihintay ako.
"Anak....."
Naluluha pa na sambit ng Daddy ni Lance.
"Nandito po ako para malaman ang lahat."
"Can i hug you?"
Hindi ako sumagot pero niyakap niya pa rin ako.
Pinipigilan ko lang na tumulo ang mga luha ko.
"Finally, Nayakap na rin kita anak ko..."
"Maiwan namin muna kayo Dad"
Umalis na sina Lance at ng Mommy niya.
Kumalas naman si..Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na tawag ko sakanya. At yun nga, kumalas na ang Daddy ni Lance sa pagkayakap sakin. At umupo kami sa sofa nila.
"Sorry, sorry sa nagawa ko"
"Sabihin niyu po sakin ang Lahat, Kung bakit kila momshie't papshie niyu ako ibinigay at kung bakit binigay niyu ako sakanya pati na rin kung bakit nilalayo niyu kami ni Lance sa isa't-isa"
"Matatalik na magkakaibigan kami nina Cesar at Edgardo noon."
"Edgardo?"
"Siya ang taong nagmamalasakit sakin pero nagawan ko pa rin siya ng masama. Ako ang dahilan kung bakit naging mesirable ang buhay niya. Kung bakit namatay ang asawa niya at kung bakit hindi niya nakapiling ang anak niya. Nagawa ko'ng pagtaksilan siya dahil gusto ko'ng masira ang buhay niya. Nagawa ko yun dahil sa inggit at Galit"
"Inggit at galit? Bakit naman po?"
"Yung naging asawa niya, si Mirna. High School pa lang mahal ko na siya pero ang sakit lang na ang mahal ni Mirna ay si Edgardo. Doon nagsimula ang galit ko sakanya. Pati sa academics siya ang nangunguna, Siya ang minamahal ng lahat habang ako kinaiinisan. Pero hindi ko sinasabi o hindi ako umiiwas sakanya dahil nagplano ako'ng kunin si Mirna sakanya. Pero nabigo ako. At nung nagpakasal na sila at may kanya-kanyang pamilya na kami pero wala pa nun ang momshie mo. Kaming tatlo ni Cesar at Edgardo , nagtayo kami ng isang Clothing business. Pero dahil gago ako! Ninakaw ko ang pera ng kompanya, sinugal ko lahat yun. Naging sugalero ako. Nung una pinatawad nila ako. Pero dahil gago nga ako! Inulit ko yun. Na-Ubos na ang pera ng Kompanya"
Kitang-kita ko ang pagsisi sa mga mata ni Papa.
"At nung nanganak ang asawa niya, Nanganak din si Alison ang dati ko'ng asawa na ina mo, Nung napanganak na yung anak nila, nalaman nila na si Mirna ay may sakit pala at kailangan'g operahan. Walang-wala nun si Edgardo at ako ang sinisisi niya, Namatay ang asawa niya at kasalanan ko yun, kasi kung hindi ko ninakaw ang pera ng kompanya! Edi sana na operahan ang asawa niya at hindi namatay."
Hindi tumitigil ang agos ng mga luha niya.
Naaawa ako sakanya.
Ramdam na ramdam ko yung pagsisi niya.
"Nalaman yun ng mama mo, At kinasuklaman niya ako. Iniwan ka niya sakin at sumama siya sa kabit niya, Galit na galit ako nun kay Edgardo kaya nung matyempohan ko na wala siya sa bahay nila, Kinuha ko ang anak niya at sinubukang patayin, pero pinigilan ako Cesar. Dahil wala daw kasalanan ang bata. Ibinigay ko sakanya ang bata. Nung malaman ni Edgardo ang ginawa ko. Hinanap niya ako at ang anak ko. Pero nabigo siya. Ibinigay kita kay Cesar para ma protektahan ka dahil alam ko, maghihiganti siya sa akin. Nakulong siya sa galit, Nagsisi ako. Ibabalik ko na sana yung anak niya. Kaso nalaman ko na lang galing kay Cesar na namatay yung anak niya dahil sa sakit. Pinalabas namin na anak ko yung namatay para hindi ka balikan ni Edgardo. Kaya yun ang dahilan kung bakit nilalayo ko kayo sa isa't-isa ni Lance dahil pag magsimula nang mang-imbistiga si Edgardo at malaman niya na anak niya ang namatay at ang anak ko ang Nabuhay. Papatayin ka niya. Sasaktan ka niya. Maghihiganti siya sakin, sorry.. sorry... sorry 😭 Dahil sakin naging miserable ang buhay mo😭"
"Mag si-CR lang po ako"
Pagpasok ko ng CR Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Hindi ako magagalit kay Edgardo kung sasaktan niya ako para makaganti sa tatay ko. Naiintindihan ko siya dahil masakit mawalan ng mag-ina.
Parang unti-unting napupunit ang puso ko.
YOU ARE READING
Her Hottie Celebrity Boyfriend
RomancePero hindi pa rin sya umaalis, titig na titig lang sya sakin. HALA! NYARE SA KANYA? Palapit sya nang palapit sakin. Atras naman ako ng atras. Hangang sa makorner nya ako at wala na akong maatrasan. Hahalikan nya ba ako?! Jusko! "I'm Lance and I'm y...