Chappy 33: Good Person♡

365 7 0
                                    

Zyra's POV

Nasabi ko ba sa inyu na wala na kaming pasok? Hehe VACATION na!

Sina Zayna may two days pa.

Kaya may pasok pa siya. Pagkatapos may farewell party sila. Ewan ko kung saan or kailan.

Nandito ako ngayun sa Plaza. Hinihintay ko si Lance. Gala kami ngayun. Hehe.

Susunduin niya dapat ako pero hindi ako pumayag. Kasi pag sinundo niya pa ako edi mas lalayo pa ang byahe niya and besides ohhh! Taray may pa "besides" na ako Heheh! Ayun nga, malapit lang naman ang Plaza samin. Pwede ko nga'ng lakarin kaso minsan tinatamad ako kaya sumasakay ako ng jeep.

"Ate, pahingi po ng pagkain"

Nasa tapat ko ngayun ang isang bata'ng lalaki. Mga 12-14 years old na yata to. At humihingi siya sakin ng pagkain.

Nakakaawa naman. Ang dumi-dumi kasi ng damit niya pagkatapos halatang gutom na gutom.

"Ah, sumama ka sakin"

May malapit kasi na jollibee dito kaya ete-treat ko siya. May ipon ako kaya RK ako ngayun HAHAHHA.

Maya-maya pa siguro makakarating si Lance. Kakaalis niya lang naman sa bahay nila.

"Saan po?"

"Diyan lang. Kakain tayo sa Jollibee"

"Talaga po? Pe-pero"

"Wag ka'ng mag-alala treat ko"

"Si-sige po"

***While Eating***

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

Nahihiya siguro siya.

Pano ba naman? Halos lahat ng tao nakatingin sakin tapos diring-diri pa.

People nowadays, napaka judgemental at grabe manlait.

Hayss.. JUSTICE please!

"Hayaan mo sila, kain ka lang"

Kunti lang ang kinain niya

"Ate, may plastic ka po ba?"

"Plastic? Wala eh, pero pwede tayong humingi sa counter, bakit?"

"Ibibigay ko na lang po to sa mga kapatid ko pati sa kaibigan ko"

"Huh? Bakit? Gutom din ba sila? Nasan ba sila?"

"Nasa plaza din po. Dalawang araw na po kasi kami'ng hindi kumakain"

Nakakawa naman ang batang to.

"Ilan ba sila?"

"Tatlo po"

"Ganun ba, sige ubusin mo yan at mag te-take out na lang tayo para sakanila? Okay ba yun?"

"Kakapalan ko na po ang mukha ko. Sige po. Maraming Salamat po"

"Sige kain lang, Nasan ba ang mga magulang mo?"

Natigilan siya sa pagkain.

"Patay na po sila"

"Hala. Pasensya na. Saan ka pala nakatira?"

"Sa tahanan po ng lahat"

"Tahanan ng lahat? Saan yun?"

"Sa plaza po. Tahanan po yun ng lahat. Kahit sino pwedeng matulog dun."

Natatawang banggit niya pa.

"Bakit sa plaza kayo nakatira? Wala na ba kayung  kamag-anak?"

"Nung namatay po ang mga magulang ko sa aksidente, nawala na din po ang lahat ng kamag-anak ko. Parang bula. Umalis sila dahil wala na silang kailangan."

"Ganun ba, Ano pala ang pangalan mo?"

"Hubert po"

"Ako naman si Zyra. Ate ZyZy na lang ang tawag mo sakin"

"Sige po ate Zyzy"

Natapos na kami'ng kumain tapos naka-receive ako ng message from Lance. Nasa plaza na daw siya. Ang sabi ko naman. Papunta na rin ako.

Pagkatapos naming mag take out lumabas na kami ng jollibee at pumunta na sa plaza.

Nakita ko agad si Lance.

"Zy, San ka galing? At sino yang kasama mo"

"Ah, Si Hubert ang pangalan niya. Binilhan ko lang siya ng pagkain pati na ang mga kapatid niya at kaibigan."

"Ah ganun ba? Okay.  Let's go?"

"Wait lang, sasamahan ko lang si Hubert"

"Where?"

Nginitian ko lang siya at nagsimula na kaming malakad ni Hubert. Sumunod na rin samin si Lance.

"Kuyaaa!!"

Salubong sakanya ng dalawang batang babae. Kapatid niya yata to. Tapos may sumunod din na batang  lalaki.

"Mia, Jessy at France. May dala akooo! Eto ho, hati-hati ha"

"JOLLIBEE?! SAN MO NAKUHA TO KUYA?"

Tuwang-tuwa'ng banggit ng dalawang babae.

"May mga mabubuting tao pa Mia't jessy, Ah, si Ate ZyZy pala, siya yung bumili niyan"

"SALAMAT ATE!"

"Naku wala yun, Sige kumain na kayo, Ahhh Hubert, alis na ako ha"

"Sige ate ZyZy, Maraming Salamat po ulit. Sana magkita pa tayo ulit"

"Oo naman, pupunta ulit ako dito"

"Sige po ate Zy! Babye !"

Kumaway ako sakanila at nagsimula nang maglakad.

Hinawakan naman ni Lance ang kamay ko.

"Lance..."

"Hmm?"

"Diba sabi ko na ako manlilibre ngayun? Pasensya na ha. Next  time na siguro muna. Yung pera ko kasi binili ko ng pagkain para sa mga bata."

"It's okay, sa mabuti naman napunta ang pera mo. Bakit mo pala sila binigyan ng pagkain?"

"Syempre nagugutom sila. Nakakaawa kaya. Tapos wala pa silang tahanan na matitirhan. Wala din silang magulang o kamag anak. Kaya shinare ko ang blessings ko sakanila."

"Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang minahal ko"

"Sus"

Pero sa totoo  lang mas maswerte ako sakanya sa walang siguradong dahilan....

Her Hottie Celebrity BoyfriendWhere stories live. Discover now