Chappy 28: Truth♡

389 12 0
                                    

Zyra's POV

Dalawang araw na ang nakalipas nung malaman ko na kapatid ko si Lance...

Ilang beses na siyang nagtext, tumawag at pumunta dito sa bahay. Pero hindi ko na siya pinapansin.

Para naman to sa ikabubuti namin. Kailangan'g mawala ang feelings namin sa isa't-isa..

Ang sakit lang na hindi pala ako tunay na anak nina momshie at papshie..

Pero mas masakit na yung kinasusuklaman ko na lalaki ay siya ring pala ang tunay ko'ng ama...

*beep*beep*

From: Lance

Zy... kausapin mo ako, may sasabihin ako sayo. Please.

Mamaya magkita tayo sa plaza. 3:00 pm💕 love you💖

Maghihintay ako.

-------

Kakausapin ko na siya..

(2:50pm)

"Anak, saan ka pupunta?"

Tanong sakin ni momshie.

"May kailangan lang po ako'ng ayusin, sige momshie alis na ako"

"Hindi mo pa rin ba napapatawad ang papshie mo?"

"Hindi po kadali yun, sana sinabi niyu sakin ng mas maaga"

"Hindi ko alam na si Lance pala ang anak ng totoo mo'ng ama. Ni minsan kasi hindi ko nakilala si Bernardo at ang pamilya niya kasi kung alam ko lang, hindi ko hahayaang mahalin mo siya."

"Yun nga po yung kinaiinisan ko, sana noon pa lang sinabi na sakin ni papshie, Edi sana hindi ganito kasakit tanggapin na kapatid ko siya, bakit nung sigurado na ako na Mahal ko siya, bakit dun ko pa malalaman na hindi pala pwedeng maging kami..."

"Pasensya na anak.."

Hindi ko na lang sinagot si momshie at umalis na. Pag nag stay pa ako dun baka maiyak lang ako.

Nandito na ako sa plaza. Nakita ko naman agad si Lance  na nakaupo sa isang bench.

"Zy..."

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Bakit hindi mo sinasagot lahat ng texts at calls ko? May problema ba tayo?"

"Merong problema pero walang TAYO"

"Zy..."

Hahawakan niya sana ako pero tinapi ko ang kamay niya.

"Kapatid kita. Anak tayo ng Daddy mo kaya hindi na pwedeng maging tayo.."

"Yun ba ang dahilan kung bakit iniiwasan mo ako?"

Tumango lang ako.

"Nagkakamali ka, hindi tayo magkapatid."

"Lance... Tanggapin na lang natin "

"No. Hindi tayo magkapatid, Oo,anak ka ni Dad pero hindi niya ako anak."

"A-ano?"

"Oo Zyra.. Pwedeng maging tayo "

Nagulat ako sa sinasabi niya pero laking pasasalamat ko na hindi nga kami magkapatid.

Niyakap ko siya.

At unti-unti naman'g tumutulo ang mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?"

"Tears of joy lang to"

Kumalas na kami sa pagkakayakap.

"Zy.. pwede ba'ng kalimutan na lang muna natin lahat ng problema at magsaya ngayun?"

"Huh?"

Nginitian niya lang ako.

At Hindi ko alam kung san niya ako dinala.

Nasa perya kami ngayun.

(PLAY KAYO NG "NGITI" NA SONG HABANG NAGBABASA)

"Tara?"

Nginitian ko lang siya.

Magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

Sumakay kami sa ferris wheel.

Muntik pa ako'ng masuka.

Si Lance naman enjoy na enjoy pagtawanan ako!

Pagkatapos nun sumakay naman kami sa vikings!

Feeling ko naiiwan yung kaluluwa ko sa ere.

Si Lance naman. Kinukuhanan lang ako ng pictures😓

Bwesit! Ang pangit-pangit pa ng mga kuha ko dun!.

Ang saya niya talagang asarin ko.

Pagkatapos nun sumakay naman kami ng Carousel 

Kami lang yata ang matanda na sumakay hehe. Puro bata ang kasama namin.

Pero eto talaga yung gustong-gusto kong sakyan sa una ayaw pa ni Lance nakakahiya daw. Pero wala naman siyang nagawa sa charm ko. Hehe.

Minsan nga pinagtitinginan kami. Syempre Artista lang naman ang kasama ko.

Bawat taas baba ng kabayo na sinasakyan namin. Parang nag so-slow motion.Yung feeling na para kayong dalawa lang ang nandito. Yung puro kasiyahan at pagmamahal lang ang nararamdaman namin.

Pagkatapos nun, Umupo kami sa isang bench at kumain.

"Ang sayaaaa"

Sigaw ko.

"At ang ganda"

Sabi ni Lance habang nakatingin sakin.

"Sana ganito na lang palagi, Puro tawa't ngiti lang ang ginagawa natin."

"Pagkasama mo ako, yan lang ang ipagagawa ko sayo"

Nginitian ko lang siya.

"Walang sino man ang makapaghiwalay satin. I Love you Zyra Kim Nacion"

Kita ko talaga sa mga mata niya na mahal na mahal niya ako.

Tumayo ako, ganun din ang ginawa niya na mukhang nagtataka pa. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"I love you too. Lance Martin💕"

Gulat na gulat si Lance.

"So, ibig sabihin..."

"Yes.. Tayo na"

"TALAGA!?"

"Ayaw mo yata eh"

"Hindi. Gusto ko. Thank you Zyra! I love you!"

"I love---"

Magsasalita pa sana ako pero naramdaman  ko na lang ang mga labi niya sa labi ko.

Tapos narinig ko na lang na pumuputok na ang Fireworks.

We're kissing under the beautiful Fireworks 💕💕




Her Hottie Celebrity BoyfriendWhere stories live. Discover now