Zyra's POV
Bakit kailangan niya pa'ng bumalik?
Bakit??
Mahal niya pa rin daw ako? Eh gago niya pala eh! Pagkatapos ng ginawa niya sakin. May lakas ng loob pa siyang magpakita sakin!
At Gumawa pa siya ng eksena!
"Zy...Mahal pa rin kita. At sana ganun ka rin"
"Tumigil ka"
"Zy.. alam ko'ng mahal mo pa rin ako."
Naiiyak na naman ako. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang lahat ng kagagohan na ginawa niya sakin.
****FLASHBACK*****
"Happy anniversary XanXan ko!"
Ang saya koooo!
Umabot na kasi kami ng isang taon ni XanXan"Eto, regalo from your only ZyZy😁"
"Break na tayo"
"Huh? XanXan, ano bang sinasabi mo?"
Naiiyak na ako.
"Zyra! Break na tayo!"
Tinawag niya ako sa pangalan ko. At hindi yung endearment namin which is ZyZy at XanXan.
"May problema ba? May nagawa ba akong kasalanan?"
"Wala. It's just a bet"
"Bet?"
"Oo, Pinagtripan ka lang namin."
"Ganun? Ah! Sa isang taon. Isang taon. Ako lang pala ang nagmamahal. One sided love."
Ang sakit.
"Bakit ako?bakit kailangang ako pa?"
"Madali ka saking utu-in"
"Tama. Uto-uto ako, pero Xander ang sakit. Kasi pinaramdam mo sakin na mahal mo rin ako."
"Ang galing ko pala "
"GAGO KA! BWESIT KA! BALANG ARAW. MARARAMDAMAN MO RIN KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN KO NGAYUN!"
Tumakbo lang ako ng tumakbo ng tumakbo. Hanggang sa nasagasaan ako.
At tumanim ito ng peklat.
Nagbigay pa ng remembrance ang gago..
**END OF FLASHBACK**
Paulit ulit at hindi natatapos ang pagtulo ng luha ko.
May humila sakin at niyakap ako.
Nakasubsob ako sa dibdib niya.
"Stop crying.. lalo ka'ng pumapangit"
"Ialis mo ako dito. Please. Lance..."
At ganun nga ang ginawa niya.
May narinig pa akong bulong-bulungan
"Diba si Lance Martin yan?"
"Oo! Kyaaah. Ang gwapo niya! Girlfriend niya siguro yung babae"
"Siguro..."
Nandito kami sa likod ng venue. Ang sarap ng hangiiiinnn. Parang kinoComfort niya ako.☺ umupo kami sa mga malalaking bato.
"Thank you "
"For what?"
"Sa pag-alis sakin dun"
"Tsk. Nakakahiya ka kasi. Ang pangit mo kasing umiyak"
Binato ko siya ng maliit na bato. Bwesit kasi. Imbis na EcomFort nya ako. Eh nilalait pa! Kahit kailan talaga walang pakinabang to.
"Bwesit ka talaga noh?"
"Sino ba yun?"
"Ah yung gagong kumanta kanina?"
"Ganun na nga"
"Ex ko."
"Ahh."
"Diba sabi mo may sasabihin ka sakin?"
"Huh? Wala. Nakalimutan ko na"
"Ganun ba."
"Teka lang may kukunin lang ako sa kotse ko"
"Sige"
At umalis na nga siya.
Ang sarap talaga ng hangin 😁
"ZyZy..."
😮😑
"ANO NA NAMAN BA!? AKALA MO MALOLOKO MO NA NAMAN AKO SA MGA MATAMIS MONG MGA SALITA!?"
"Sorry.. pero totoo na to. Nung nawala ka. Dun ko narealize na mahal na pala kita."
"HAHAHAHA! PWEDE BA!? TAMA NA!"
Hinawakan niya ang dalawa ko'ng kamay.
"ANO BA!? BITIWAN MO NGA AKO!"
"ZY!! ALAM KO NA MAHAL MO PA RIN AKO! WAG KA NANG MAG INARTE!"
"BITIWAN MO NGA AKO! ANO BA!?"
Nang aakmang hahalikan niya ako ay bigalang humila sakanya at pinagsusuntok siya.
"Gago! Bitiwan nga diba! Pati ba tagalog di mo gets?"
"Lance tama na!"
Hindi niya pa rin tinigilan si Xander. Hanggang nakatayo ito at sinuntok din siya. Lagot na.
"LANCE! XANDER! TAMA NA! ANO BA!?"
Hindi pa rin talaga sila tumutigil.
Hingal na hingal na ako kakasigaw.
"ANO BA! TAMA NA NGA DIBA!"
Hindi talaga sila titigil hangga't walang namamatay sakanila.
Nahihirapan na ako sa paghinga.
"Ta-tama naah ple-please"
At tuluyan na akong nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Her Hottie Celebrity Boyfriend
RomancePero hindi pa rin sya umaalis, titig na titig lang sya sakin. HALA! NYARE SA KANYA? Palapit sya nang palapit sakin. Atras naman ako ng atras. Hangang sa makorner nya ako at wala na akong maatrasan. Hahalikan nya ba ako?! Jusko! "I'm Lance and I'm y...