Lance's POV***Ang Araw na dumating si Mich****
Nandito kami ngayun sa Mall. May bibilhin daw kasi si Michelle.
Huminto kami sa isang Boutique na nagbebenta ng cosmetics.
Ilang oras na ang nakalipas. May narinig ako'ng may nagbabangayan at alam ko kung sino yun. Sino pa ba? Edi si Michelle. Agad naman ako'ng pumunta kung nasan siya. Nagulat ako kung sino ang kausap niya or should i say. Kaaway niya.
Si Zyra...
Kasama si Xander.
Bakit niya kasama ang gagong to!!!????
Nahihibang na ba siya?
At ayun nga inimbitahan sila ni Mich, na sumama samin kumain.
Gulat na Gulat ako ng malaman ko ng GIRLFRIEND na naman pala ni Xander si Zyra..
At nakipagbalikan pa talaga siya ha?
Nagpapakatanga na naman ba siya!?
BWESIT!!!! BWESIT NA BWESIT!
****Cheska's Debut*****
Inimbitahan ako ni Cheska na pumunta sa Debut niya hindi naman ako makatanggi kasi sobrang kulit niya.
Sumama sakin si Michelle kasi gusto niya kung nasan ako nandun din siya.
Ay bwesit.
Habang sumasayaw sila Xander at Zyra.
Hahalikan na sana ni Xander si zyra ngunit sumingit ako.
"Wag kayong gumawa ng eksena. Atsaka ang pangit tignan pag magla-laplapan kayo diyan."
Hindi niya ba alam na may nagseselos!?
Sobrang manhid kasi! Bakit ganun kayo mga girls!?
Pinahihirapan niyu lang kaming mga boys.
Inaya din ako ni Michelle na sumayaw. Ewan ko ba kung bakit ako pumayag.
Habang sumasayaw kitang-kita ko kung pano tumawa si Zyra kasama si Xander.
Ang sakit tignan na ibang lalaki ang nagpapatawa sakanya. Ang sakit.
Bakit niya pa kasi binalikan yang gagong yan!? Baka lokohin lang siya ulit!
Hinalikan ko na lang si Michelle.
Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun? Siguro dahil sa sobrang selos.
Kita ko na pinagtitinginan na kami. At nakita ko rin kung pano tumakbo si zyra palabas habang...
Umiiyak???
Agad ako'ng sumunod sakanya at iniwan si Michelle. Rinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi ko na lang siya pinansin at sinundan lang si Zyra
"Zyraa!"
Tawag ko sakanya pero hindi man lang niya ako nilingon at patuloy lang sa pagtakbo. Hanggang sa Nakalabas na nga siya sa hotel.
Lumingon siya sakin na nakangiti. Ngunit kitang kita ko sakanyang mga mata ang lungkot at sakit.
"Oh Lance,? Anong ginagawa mo dito?"
Nakangiti pa rin'g tanong niya.
"Sinundan ka"
"Bakit mo naman ako sinundan? At bakit mo iniwan ang Fiance' mo sa loob?"
Bakit ba siya nagkakaganito?
"Hindi ko siya Fiane'"
"Hindi? Haha. Nagpapatawa ka ba? Hinalikan mo nga eh"
Nagseselos ba siya?
"Sorry..."
Yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"Sorry? Para saan?"
Nakangiti pa rin siya.
"For what happened, sa paghalik ko kay Michelle, and for making you cry"
"Sino'ng nagsabi na umiyak ako? Hindi ah. Napuwing lang ako. Kaya lumabas muna ako para-- para.. basta gusto ko'ng magpahangin"
"Tss. Hindi ka magaling magsinungaling"
"Hindi ako nagsisinungaling, Nagtataka kaba bakit may luha? Ginamit ko na to'ng opportunity na to para makapag-practice na rin. Nagpa-plano na din kasi ako'ng mag-artista. Bakit? Ang galing ko ba?"
Salita niya na pinipilit pigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha ngunit hindi niya magawa.
"Hindi ka rin magaling lumusot. Kaya sabihin mo sakin kung bakit ka umiiyak?"
"BAKIT BA!!!? BAKIT AYAW MO'NG MANIWALA!!? ALAM MO BA'NG MAHIRAP SAKIN NA PIGILAN TO'NG LUHA AT NARARAMDAMAN KO!? ALAM MO BA!? ALAM MO BA KUNG GANO KAHIRAP INTINDIHIN TO'NG NARARAMDAMAN KO!? HINDI KO MAN LANG ALAM KUNG BAKIT AKO UMIIYAK? NI HINDI KO RIN ALAM KUNG BAKIT AKO NASASAKTAN!?"
Ang gago ko! Sobrang gago ko!
Pinaiyak ko yung babaeng mahal na mahal ko😢.
Niyakap ko na lang siya. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kasi nasasaktan ako pag nasasaktan siya nang dahil sakin.
Lalo lang siya'ng humagolgol nung niyakap ko siya.
"Bakit mo ba ginagawa sakin to!? Mas lalo mo lang ako'ng pinahihirapan!"
Hinahampas pa niya ang dibdib ko habang niyayakap ko pa rin siya.
"I... love... you..."
Yun lang ang lumabas sa bibig ko.
May kunting saya akong nararamdaman dahil alam ko'ng mahal niya na rin ako.
YOU ARE READING
Her Hottie Celebrity Boyfriend
RomancePero hindi pa rin sya umaalis, titig na titig lang sya sakin. HALA! NYARE SA KANYA? Palapit sya nang palapit sakin. Atras naman ako ng atras. Hangang sa makorner nya ako at wala na akong maatrasan. Hahalikan nya ba ako?! Jusko! "I'm Lance and I'm y...